Chapter 37: Limitations [6 Days Left]

145 10 0
                                    

"Happy birthday Elida!" bati ko sa kanya, kasama niya si Kuya Ian. "Thank you Kylie." hindi siya party na sobrang dami ng tao. Ang mga tao lang na naandito yung mga friends niya at ibang relatives. "Sis! Alam mo ba na kating kati kana makita nina Kuya at Mama, 6 days nalang Sis uuwi kana, pinaalam ko sa kanila sa safe ka. Kaya wag ka mag alala okay lang din sila."


6 days left.....Ilang araw nalang aalis na ako at uuwi na samin. Madaming nag hihintay sakin sa bahay. Yung ibang friends ko hinihintay na din siguro nila ako.


"Hello Ianpanot!" nagulat ako kay Ezekiel kung paano niya tawagin si Kuya Ian. "Ezekiel tigilan mo ako ah? Baka gusto mo ilayo----" mas nagulat ako ng biglang takpan ni Ezekiel yung bibig ni Kuya pero hindi nag patinag si Kuya at sinabi niya ng deretsyo. "Ilalayo ko sayo kapatid ko."


"Kuya wag ka nga! May girlfriend na yan si Ellie." napatingin siya sakin na may pag kakunot ang noo na parang may iniisip na hindi tama. "Ellie?" tumango lang ako sa kanya at tinignan ng masama si Ezekiel. Habang si Ezekiel naman ay tatawa tawa at inakbayan si Kuya paalis. "Girlfriend ni Ezekiel si Ellie?!! Oh god!!! Nakakakilig!!!"


Pinag sabi ni Elida sa mga pinsan nila yung kay Ezekiel at kay Ellie at lahat sila natuwa samantalang ako andito lang sa gilid pinapanuod silang nag kakatuwaan. Masayang masaya sila para kay Ezekiel at kay Ellie dahil finally sa tagal tagal na hinintay naging sila ng dalawa. Umalis ako kung saan ako naiwan at nag lakad lakad sa loob ng bahay. Masaya din naman ako para kay Ezekiel at kay Ellie dahil sa hinaba haba ng pag hihintay ni Ezekiel makakasama niya na yung babae na matagal niya ng hinihintay na mahalin din siya. Kung gaano niya kamahal si Ellie lagpas pa siguro dun ang saya na nararamdaman niya. Girlfriend niya si Ellie dapat iwasan ko si Ezekiel dahil bilang kaibigan ni Ezekiel ayokong masira sila ni Ellie pag nakita niya kami mag kasama sa lahat ng bagay na dapat siya ang kasama ni Ezekiel hindi ako.


Sa gabing ito ngayon lang talaga tumatak sa isip ko na kailangan ko umiwas para sa ikakabuti ng relasyon nila. Ayoko lang ng gulo at umalis ulit si Ellie sa buhay ni Ezekiel dahil panigurado malulungkot nanaman siya ng sobra. "Super deep naman yan sis!"


"Kuya ano kaba lagi ka nalang ng gugulat." sabi ko sa kanya tapos niyakap niya ako. "Sus. Bakit ikaw? Diba kaba nagugulat sa puso mo?" mag mamalalim na naman siya ng salita kaya di ko siya pinansin pa. Limitasyon ang kailangan ko para sa sarili ko. Kahit kanina pa nag sasalita si Kuya hindi ako nag sasalita hindi ko siya pinapansin. "Wag kana mag isip sis. Tara dun sa loob."


Hinila niya ako papasok sa loob at nitignan nila kami ni Kuya mag kasama. Nag iinuman na sila at ako naman nakisali na sa kanila, tumabi ako kay Kuya kahit may space sa tabi ni Ezekiel at dun niya ako pinapaupo. "Kylie! Oh!! Shot na!! Mag pakasaya tayo para kay Ezekiel at s-----"


"Manahimik ka Russel! Nakakainom kana talaga Ha!Ha!" hindi ko sila pinansin kahit nag kakalokohan sila. Ang alam ko lang nakatingin lang sakin si Ezekiel pero umiiwas ako ng tingin sa kanya. Naiilang ako ngayon, humawak ako ng mahigpit sa sleeves ng damit ni Kuya Ian at tinignan lang niya ako. "Bakit baby girl?" umiling lang ako at tinuloy niya yung pakikipag usap kay Elida habang mag kahawak sila ng kamay.


Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya nung mapansin ko na nakatingin pa din siya sakin habang umiinom, kaya kinuha ko yung beer na binigay sakin ni Russel at ininom ko ito. Madaming gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ko siya hindi iisipin madami ng nangyari sakin sa bakasyon ko at ilang araw nalang uuwi na ako samin. Pwede na nga ako umuwi ngayon at sumama kay Kuya Ian, pero wag na muna dahil iilang araw nalang uuwi na talaga ako.


"Ellisa? Yowwwwwn!!!! Dumating kana din!!" napatigil ako sa pag inom ng marinig ko ang pangalang 'Ellisa' hindi ako makalingon, basta nakita ko nalang na tumayo si Ezekiel at nilagpasan ako. "Ezekiel!!" tumayo ako at lumabas dala ang beer na binigay sakin ni Russel kanina. Nag pahangin ako saglit sa labas at pumasok din.


Pag pasok ko mag katabi sila at mag lingkis ang mga braso. Umupo ulit ako sa tabi ni Kuya Ian at tyaka uminom ulit ng beer. Lahat sila puro nag sasaya samantalang ako tahimik lang na umiinom at nakikitawa ng bahagya sa kanila pag tinatanong o kinukulit ako ni Van dahil si Van ang katabi ko. "Eeeeyyy Ezekiel respeto naman oh!" tawa ng tawa si Russel habang sinasampal ang likod ni Ezekiel.


Natatahimik lang ako sa tabi ni Kuya Ian habang umiinom ng beer. Nakakaramdam na ako ng pag init ng katawan ko at nataramdam na din ako ng pag bigat ng katawanan ko. "Wag kasweetan Ezekiel."


Napatingin lang ako kay Kuya Ian habang umiinom din siya. Tinitignan ko lang si Ellie at si Ezekiel nag tatawanan sila tapos may binulong si Ellisa at sabay silang umalis sa upuan nila na nag tatawanan.


Straight! This shit? Oh!! I love this beer!!

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon