Lahat kami andito sa labas ng camp house. Hawak ni Ezekiel ang kamay ko at hindi ko alam bumibilis talaga ang tibok ng puso ko pag ginagawa no Ezekiel yun sakin. Lahat kami andito sa labas, simula nung dumating kami at nalaman namin na naandito sina chelsea hindi niya ako iniwan lagi siyang nakasunod sakin kahit saan. "Ano ba ang ginagawa niyo dito Chelsea?"
"Oh....Erika is that how you welcome your cousin?" she smirked and that's made my blood boil. I wanna kick her ass right now. Don't push my limits and I swear I'll smack her face!! "Errr...We're not cousins! My blood doesn't relate to yours." naramdaman ko ang tensyon sa pagitan ng lahat. Hindi ko maintindihan bakit ang lakas ng loob niya na pumunta pa dito kung alam niya na galit silang lahat sa kanya.
Tinignan ako ng masama ni Darlene at binigyan ko lang siya ng nakakaasar na ngiti sabay pakita sa kanya na hawak ni Ezekiel ang kamay ko dahilan para mas lalo siyang mainis. Nawala ang tensyon ng mag salita sina Tristan na 'Tama na' agad nilang pinasok ang mga girl kasama ako dahil hinigit ako ni Ezekiel. Hindi maganda ang kutob ko lalo na naanditi sila.
"Wala tayong choice kundi isama sila dito iniwan na din sila ng driver nila at makakasama natin sila ng tatlong araw."
"Hell no Marky!!! We all know here how bitch she is!!" hindi ako nag sasalita pero hawak pa din ni Ezekiel ang kamay ko kaya hinila ko yung kamay ko sa kanya at tinignan niya lang ako. Puro away pa din sila at nag tatalo na sa labas nalang daw patulugin sina Chelsea. Pero sa huli wala din silang nagawa kundi ang pumayag at isama sila sa camp. "Tss. Sunugin ko yung mukha niya eh nanggigigil ako sa pag mumukha niya" bulong ni Beatrix kaya natawa lang ako sa kanya.
Agad pumasok sina Chelsea na may ngiti sa mukha nila habang ang iba ay handa na pumatay ng kahit anong oras lalo na si Elida. Sinamahan ni Bryan sila Chelsea sa kwarto kung saan sila matutulog ng mga kasama niya. "Hindi ko kayang makasama yan babae na yan. Pag yan may ginawang katangahan sinasabi ko na inyo di ako mag dadalang isip na lunurin siya sa dagat kasama ang mga alipores niya." inis na sabi ni Anika at sumang'ayon naman ang iba habang ang boys lang ay natatawa pero halatang may inis din sa mukha nila.
"Maybe we should start our team building." sabi ni Tristan. Nabuhayan ang lahat at lumabas na kami sa camp house. Nakita ko na nakatingin samin sina Chelsea sa may bintana at ngumiti siya sakin ng kakaiba. Talagang iniinis mo ako Chelsea. "Hey. Okay ka lang?" ngumiti lang ako kay Ezekiel.
Nag bunutan na kami ng color na nakalagay sa box at kung sino ang mag kakaparehas sila ang mag kakasama. Nabuhayan lahat ng nag kaalaman na ng groupmates. Ang mga kasama ko sa group. Russel, Bryan, Anika, Lia, Louella at Ako. Ang kasama naman ni Ezekiel sina Beatrix, Marky, Alex, Gemini, Elida.
"Guys wala ba kayong balak isali kami?" lahat kami nakatingin kina Chelsea naka damit din sila na pang teambuilding. Nag shrugged lang ang iba at tumalikod na si Ezekiel naman inakbayan na ako para pumunta sa sisimulan ng game. Sumunod lang sila Chelsea samin.
"Elida!" lahat kami napatingin sa tumawag sa kanya at lahat kami nagulat maliban sa tatlong kasama ni Chelsea. "Kuya Ian?" napatingin siya sakin at nagulat siya. "Baby girl?" agad akong tumakbo kay kuya at yumakap. Tinignan ko si Elida nakatingin lang siya sakin at bigla siyang tumingin kay Kuya. "Ammm kylie anong meron sa inyo ni Ian?"
"Ah!! Kapatid ko." lahat sila nanlaki ang mata lumapit sakin si Ezekiel at hinigit ako ng konti. Lumapit si Kuya kay Elida at bigla niya itong niyakap. I smell something fishy here.
"Ian anong ginagawa mo dito?" lahat kami nagulat biglang hinalikan ni kuya ian si Elida. Ano bang ang nangyayari? Pero kung ano man ang meron masaya naman ako para kay Kuya. "Hush. I love you so much Elida, I'm sorry. Kung hindi ako naniwala sayo noon sobra akong napangunahan ng galit." at nag yakapan na silang dalawa.
Hindi natuloy ang game namin dahil sa moment ni kuya at Elida. Nalaman ko na ex lovers pala sila, si Kuya yung sinasabi niya na hiniwalayan siya. Masaya ako para kay Kuya kasi wala man lang akong alam na may minamahal na pala siya. "Ian!!!" napaaling nalang ako ng makita ko si Chelsea na bumababa sa hagdan ang lumapit kay Kuya.
Hindi hinayaan ni Elida na makalapit si Chelsea kay Kuya Ian. Alam na din ni Kuya Ian ang ginawa ni Chelsea kaya hindi na ako mag tataka kung magalit si Kuya kay Chelsea. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa niya?
Pag katapos ng mga eksena kanina nag usap kami ni Kuya Ian, nakiusap ako sa kanya na hayaan niya muna ako dito kasama ang mga bago kong kaibigan. Hindi naman niya ako pinigilan dahil kasama ko si Elida pero hindi siya matatahimik hanggat andito si Chelsea kaya mag stay din siya dito sasamahan niya ako at si Elida. Si Ezekiel naman nag usap din sila ni Kuya pero nag tataka ako kasi para silang mag kakilala. Siguro dahil kay Elida? Base sa kwento niya dati ni Elida kilala ng mga pinsan niya yung boyfriend niya nun at si Kuya Ian yun.
Masaya ako dahil nakita na ni kuya yung long lost love niya. His the one. Sabi niya kanina masyado siyang naging tanga para maniwala kay Chelsea at nalaman niya ang totoo matagal na pero wala siyang lakas ng loob para harapin si Elida, mabuti nalang na narealize niya na mahal niya si Elida at hindi niya kayang wala siya.
Ako kaya? Kailan ko kaya mahahanap yung the one ko? Minsan naiisip ko na baka kami pa din ni Eugene sa huli. Baka isang malaking pag subok lang ito samim dalawa. Pero paano? Masaya siya sa babaeng pinalit niya sakin.
Masaya akong pinag mamasdan si Kuya habang yakap yakap siya si Elida sa may balcony. I'm happy for you kuya.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...