Chapter 8: Who's Ellie?

199 12 1
                                    

Hindi kami nag uusap ni Ezekiel, siguro dahil binibigyan niya ako ng pag kakataon para mag isip para sa sarili ko. Hindi na ako nakakain ng Mami kasi iyak ako ng iyak. Pero bumili ng tatlong balot ng puto si Ezekiel at tubig na madami may kasama din mga chips and softdrinks.


"Ezekiel, Thank you ah? Kasi anjan ka kahit di tayo mag kakilala hindi ka gumagawa ng masama, kahit nag sisigawan tayo." ngumiti lang siya sakin at hinawakan ang balikat ko. Mag kakasundo din pala kaming dalawa ni Ezekiel, mabait naman siya pero suplado at laging high blood.


"Okay kana ba? Baka nagugutom kana Kylie madami naman food sa back seat." kumuha ako ng puto at softdrinks kasi nakaramdam na ako ng gutom. Binuksan ko ulit ang bintana para maramdaman ko ulit ang sarap ng hangin.


"Kylie isarado mo na muna yan gabi na baka kung ano pa ang tumama sa mukha mo masugatan kapa. Ako pa sisihin mo." inirapan ko nalang siya at sinunod ang gusto niya baka mag sungit nanaman siya at bantaan nanaman ako ng kung ano ano.


Ellie.....

Bilang nag flash sa utak ko yung pangalang Elie na narinig ko kay Ezekiel. "Ellie?" biglang naprero ng malakas si Ezekiel na ikinagulat ko. Tinignan ko siya at kita din sa mata niya ang gulat at dahan dahan siyang tumingin sakin.


"Anong sinabi mo Kylie?" nag tataka ako na nakatingin din sa kanya. "Ellie? Yun lang naman ang sinabi ko anong problema dun?" huminga siya ng malalim at tinanong ako. "Bakit mo binanggit ang pangalan na yun?"


Ano ba naman meron sa tao na to? Naka drugs nanaman ata ito! Ano naman masama kung banggitin ko ang pangalan na yun eh sa kanya ko lang naman narinig yun. "Narinig ko lang sayo yun! Kasi bago ako pumasok ng C.R sa unit mo narinig ko yung pangalan na yun." bigla siyang huminahon nung nag paliwanag ako. Malala na si Ezekiel nag aadik na talaga ito.


"By the way Ezekiel who's Ellie? Is she your sister? Lover? Friend? Or what?"


"Secret." tignan mo itong tanga na ito! Napaka damot mag share samantalang ako nag kwento sa kanya! "Ellie? You wanna know who's elie?" tumingin lang ako at nag nod kasi di ako makakapag salita dahil may laman ng puto ang bibig ko. Infairness ang sarap ng puto dun sa Mamihan.


"Ellie is my long lost friend, bestfriend na kung ituring at kapatid. Kaso matagal na din kami hindi nag kita dahil umalis kami ng family ko to go abroad for my parents business. I was 10 years old when I first met her and Ellie is 8 years old that time." kain lang ako ng kain habang nakikinig sa kanya, siguro madrama ito kaya kumuha ako ng tissue sa gilid ng kotse niya naikinatingin niya.


"Tissue? For what?"


"Incase when your story is too dramatic." napailing nalang siya at sinabihan ako ng 'idiot' edi nainis naman ako at tinapon yung tissue sa unahan ng salamin niya. "Whatever, ituloy mo na yung kwento mo."


"We became friends, Ellie is kind, beautiful, and smart....She loves reading books and playing sports like badminton, Nung una ko siyang nakilala andun siya sa gate ng bahay nila nag lalaro ng bubbles." tinitignan ko lang yung daan habang nag kwekwento siya at kumakain ng puto nakakailan puto na din ako eh.


"Kinausap ko na siya at nung akala ko na susungitan niya ako kasi tinignan niya ako ng masama pero ngumiti siya sakin at dun simula nun naging mag kaibigan na kami."


"Paano kayo nag hiwalay ni Ellie? Paano na yung friendship niyo kung pumunta ka ng abroad." swempre maganda na yung nag tatanong para alam niya na nakikinig talaga ako sa kwento niya. "I'm on my way to Ellie's house but my dad blocked my way and he said that we're going to Japan for his business." nakita ko na may pumatak sa mga mata niya kaya tinignan ko lang siya.


Why are you crying Ezekiel?


"Hindi na ako nakapag paalam kay Ellie kasi pag katapos ni Dad na kausapin ako umalis na agad kami higit higit ako ni Mommy pero swempre nag pupumalag ako kasi di pa nga ako nakakapag paalam kay Elie." sinabi ko sa kanya na itigil niya muna yung sasakyan sa gilid at nakita ko ang magandang spot para makahinga siya ng maayos. Nakasadal kami sa kotse niya at binigyan niya ako mg blanket para hindi ako malamigan.


"I was crying and hoping that Ellie will appear. Pero nung akala ko na hindi na siya dadating umalis na kami, pero nag kamali ako nakita ko si Ellie humahabol siya samin at ako walang magawa, hawak ako ni mommy at daddy para di ako makaalis. Umiiyak na din siya at sinigaw ang Ezy na nick name ko."


Sumasakit ang puso ko para sa kanya parang may tumarak sakin at parang nauubusan ako ng dugo sa mga kwento niya, nakakapang hina ng tuhod. Ganon pala sila nag hiwalay ni Ellie? Hindi ko alam pero parang mas mabigat yung nararamdaman niya.


"At nung bumalik ako, huli na ang lahat wala na si Ellie, wala na ang babae na babalikan ko at di ko na iiwan pa, pero nabaliktad ang sitwasyon ako ang naiwan. At yun ang pinakamasakit na nalaman ko sa pag babalik ko."


Hinawakan ko ang kamay ni Ezekiel dahil sa sobrang lungkot ko sa kwento niya.


"Ezekiel please strong! We can do this! Kill the pain? Deal?" tinignan niya ako.


"Deal!"

30 DAYS VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon