Nag suot ako ng Denim pants and white v-neck t-shirt and white sneakers. May pupuntahan kami nina Ezekiel ngayon, hindi ko alam pero sabi ni Elida may kasama pa daw silang isa. "Ky---wow!"
Napatingin ako kay Elida na nakatingin sakin. Tapos bigla siyang ngumiti ng sobra at hindi ko alam kung bakit. Mejo weird din si Elida eh hindi ko alam kung ano mga naiisip nito. "Kylie ang pretty mo pero mas maganda kung itatali mo yung buhok mo." tinali ko yung buhok ko na bun at nilagyan ni Elida ng konting mga bagsak sa buhok.
"Hoy ang tagal niyong dalawa! Bilisan niyo!!" sabay kaming napatingin ni Elida sa pinto dahil rinig na rinig namin ang sigaw ni Ezekiel sa labas. "Bakit ba ang tag----what the!?"
"HEY!!!!!" sabay kaming nag react ni Ezekiel ng makita namin yung mga damit namin. Mag kaparehas kaming dalawa ng style!!! "Diba nag mamadali tayo? Tara na walang mag papalit!! Bilis labas!" sabay tulak sakin ni Elida papuntang pinto.
Gaya gaya na Ezekiel!! Walang originality!! Nakakainis mag mumukha kaming lovers dito! Tinignan ko si Ezekiel na nakayuko lang sa elevator habang suot ang cap niya na black hindi ko makita mukha niya. Pero itong katabi ko na si Elida sisipol sipol sa loob na parang tuwang tuwa sa nangyari.
"Elida saan ba tayo pupunta?"
"Hmmm meet the madrids"
"ANO?!" Tumawa si Elida at tinignan si Ezekiel na nakatungo pa din. Sakto naman na nag bukas yung elevator. "Yup! Relax ka lang Kylie." bigla niya akong hinawakan nung makaramdam siya na papalag ako. Bakit ba ganito?! Ano naman gagawin namin dun?! Tyaka di naman nila kailangan na isama pa ako kung may bonding silang family!!
"Pwede naman ako maiwan sa bahay eh."
"Para ano? Balikan ka ni Darlene at saktan ka nanaman ah? Ganon ba ang gusto mo Kylie?" seryosong sabi ni Ezekiel sakin habang nakapamulsa siya. Awkward talaga eh parehas kami ng style.
Nakarinig ako ng bulungan sa paligid namin na kung ano ano kesyo couple, lovers, sweet at kung ano ano pa tungkol samin ni Ezekiel. "Elida nahihiya ako bakit ba kasi di mo ako pinayagan mag palit kahit sobrang konting oras lang."
"Wag mo na sila pansinin Kylie. Ayaw mo ba nun hihihihi." wala na akong nagawa dahil mukha naman tuwang tuwa din ang gago na si Ezekiel dahil kitang kita ko sa salamin kung paano siya nakangiti. "Ulol talaga ito."
"Anong sabi mo?" mag kaharap kaming dalawa habang masama ang tingin sa isat isa. "Sabi ko ang pangit mo na tao! Di ko alam kung tao kaba o hayop eh!"
"HA! Anong akala mo sa sarili mo dyosa? Dyosa ng mga palaka pwede pa!" aba't?!! Talagang ginagalit ako ng panget na to?!! "HEP! Enough!! Ezekiel ayan na yung kotse ko tara na ikaw mag maneho!" sabi ni Elida sabay higit sakin, tinignan ko si Ezekiel at sabay inirapan.
"Jan ka sa unahan Kylie."
"Ayoko nga!! Ikaw na jan Elida!" sabay pasok ko sa loob sa likod ng shotgun seat. Tinignan ko ulit ng masama si Ezekiel pero hindi siya nakatingin sakin at inaayos yung seatbelt niya. Tinignan ko nalang yung cellphone ko, lahat ng social media ko naka deactivate. "Elida amm ano may earphones kaba? can I borrow?"
"Yup sure! Wait.......here!" agad kong nilagay sa tenga ko at nag scroll para sa music. Hindi ko alam kung ano ang trip ng mag pinsan na ito kung bakit isasama pa ako sa mga trip.
Agad akong napatingin sa gate kung saan kami pumasok at sa bahay sa nakikita ko. "Dito kaba nakatira Elida?" sabay tanggal ko sa kabilang tenga ng earphone. "Actually lahat kaming mag pipinsan na madrid na nag stay sa pilipinas."
Lumabas sina Elida at si Ezekiel samantalang ako nag stay sa loob kasi nakakahiya, lalabas na sana ako pero nagulat ako kasi may mga nag gagandahan at nag gwagwapuhan na nilalang na lumabas sa bahay nila. "Damn. Hot creatures" bulong ko sa sarili ko. Biglang kinatok ni Ezekiel ang pinto kaya lumabas na ako.
"Woah! What's your name princess?" nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hawakan ang pisnge ko at inangat niya para tumapat sa mukha niya. Feeling ko nag iinit ang mukha ko dahil sa pusisyon namin dalawa.
*POK!*
"Russel you better not make a pass to this girl beside me." nagulat ako sa sinabi niya at ginawa niyang pag palo ng magazine sa ulo nung Russel. "Hey Ezekiel what's your problem?"
"Are we clear Russel?!" nakatingin lang ako sa kanilang dalawa at nagulat ako ng bigla silang pinalo ng magazine pareho ni Elida. "Relax boys! Okay Russel meet Kylie, Kylie meet Russel." bigla akong inakbayan ni Ezekiel at nakita ko na nakangiti ang mga pinsan niya.
"I see, okay she's yours. Hahaha! Couple outfit? Hmmm not bad." gusto ko sana mag protesta pero hinigpitan ni Ezekiel ang pag kakaakbay sakin.
Pinag kaguluhan kami ng mga pinsan niyang babae kaya dahilahan para mawala ako sa pag kakaakbay ni Ezekiel. Talagang tinignan ko si Ezekiel mata sa mata.
Mag tutuos tayo mamaya Ezekiel! Di pa tayo tapos! Tapos si Ezekiel? Ayun sisipol sipol lang.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...