Hindi kami natuloy ni Ezekiel sa Batangas dahil may tumawag sa kanya na importante at kailangan daw siya sa business niya. "Anong oras kaya dadating si Ezekiel?" Kanina pa ako nag hihintay sa kanya. Actually kagabi pa, hindi siya umuwi kahapon habang ako nag hihintay sa kanya hindi ko maiwasan na hindi mag alala sa kanya. I need to go somewhere.
Pumunta ako sa national bookstore sa baba para bumili ng books, notebooks and pens. Mahilig ako sa books, mahilig din ako mag sulat ng poems lalo na ang short stories. Nasa bahay na kaya si Ezekiel? Bakit ko ba siya naiisip? Malaki na siya! "Thank you ate!"
"KYLIE?!!" napalingon ako sa gulat ng may tumawag sakin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga kaibigan ko sa likod ko. Hindi na ako nakatakas ng bigla nila akong hinawakan. "Ky! Ano ba nangyari sayo?! Ilang araw na kami nag aalala sayo akala namin pumunta ka sa japan! Tapos nalaman namin na hindi ka tumuloy! We've been looking for you."
"Girls, I'm with Ezekiel."
"Who the hell is Ezekiel?!! Are you okay?!" sabay namin tinakpan ni Denise ang bibig ni Ara sa sobrang lakas ng boses niya pinag titinginan nila kami. "Relax! I'm okay guys."
"Pero sino ba siya? Bakit hindi ka nag papakita samin?"
"Denise and Ara, Just wanna get away from everything for a while. Guys I need to go bye!" Agad akong tumayo at tumakbo paalis sa kanila narinig ko pa na tinawag nila ako. Agad akong tumawid para makapunta agad ako sa tower kung saan naka condo si Ezekiel.
I'm sorry Denise and Ara. I need a break.
Pag pasok ko sa loob ng bahay ni Ezekiel agad akong nag pahinga at kinalma ang sarili ko dahil iniwan ko ang mga kaibigan ko doon na puno ng tanong sa isip nila. Nag palit ako ng damit at dumeretsyo sa kusina para mag luto ng mirienda.
*knock*knock*
Agad akong tumakbo papunta sa pintuan dahil baka si Ezekiel na yun. Pero pag bukas ko isang babae ang bumungad sakin. Derederetsyo agad siya sa loob at wala akong nagawa dahil bigla nalang siya umupo at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Okay? What's with her?
"Who are you Miss?" tinaasan niya ako ng kilay at tinignan din ako simula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng inis kaya inayos ko ang sarili ko. "I should be the one who ask here. Who are you?"
"Wow. Ezekiel never failed to amaze me, He hired a maid who can speak in english."
"Well, I'm not his maid." bigla siyang tumayo at hinigit ang braso ko. "What?! Are you his girlfriend?!! You bitch!!" bigla niya akong sinampal at tinulak ko naman siya. "Hindi kita papatulan." tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. "What is beauty when your attitude is trashy?" nakita ko ang panggagakaiti niya at sasampalin niya sana ako pero may nag salita sa likod ko.
"Try to slap her Darlene and I'll sue in hell." Nakita ko ang panlalaki ng eyes niya at agad niyang binaba ang kamay niya na siyang sabay ko pag lingon sa likod. "Elida!? Oh god! Help me! This bitch was the one wh---"
"You hoe bitch!! What makes you think na tutulungan kita? And she's not a bitch, you're the one who's bitch here. Hanggang ngayon nag hahabol kapa kay Ezekiel? Hindi ka niya mahal he never loves you! Isa lang ang mahal niya and It's not you!" nagulat ako at nung napatingin siya sakim bigla niya akong kinindatan na mas ikinagulat ko.
"Then who?! This girl?!"
"Why not? She's beautiful and She's not like you! Doing wild--" hindi na natapos ang sasabihin niya nung biglang sumigaw ng 'stop' yung babae. Bigla siyang nag lakad paalis at bigla niyang sinarado ang pinto ng sobrang lakas. "Are you okay?"
"Amm Oo salamat." Nakatingin lang ako sa kanya habang nag lalakad deretsyo sa sofa. Tinignan niya ako pabalik at nag smile siya sakin. "Bakit nakatayo kapa jan? Come here! Pero wait what's that smell."
"OMYGHAD!!! MY PANCAKES!!" jusko!! Sunog na yung pancake na niluluto ko! Bwisit na babae kasi yun eh! Sayang tuloy! Agad kong pinatay yung apoy at kinuha ko yung pan. "Wait! Baka mapaso ka!"
"Sayang." sabi ko habang tinitignan yung isang pirasong pancake. "Hahaha! Ayos lang yan girl mag luto nalang tayo."
"By the way I'm Elida, Ezekiel's counsin."
"Ammm I'm Kylie." nakipag shake hands ako dahil nakaabot yung kamay niya sakin. "Yes. I know, anyways mag luto na tayo baka dumating na si Ezekiel."
"Uuwi daw ba siya? Anong oras para mag luluto ako." tinignan niya ako at bigla siyang tumawa ng mahina at iiling iling ang ulo. "No wonder---ah wala!"
Natapos na kami mag luto ni Elida at sabay namim dalawa kinain yung pancakes habang nag kwekwentuhan, nanuod ng films, mahilig din siya sa books kaya mas lalo kaming nag kasundo. "Yung book ni sweetdreamer yung My Possesive Billionaire."
"Oo nga Elida!! Nakakakilig yun sobra tyaka tawa ako ng tawa sa story na yun."
Pero hindi matanggal sa isip ko yung babae na ang pangalan na si Darlene. Anong meron kaya sa kanila ni Ezekiel? Bakit galit na galit siya sakin? Hindi naman niya ako girlfriend eh. Like duh!? Pero sino kaya yung sinasabi ni Elida na mahal ni Ezekiel? Baka si Ellie? Ang gulo nila.
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...