"Picture tayo Ezekiel!" andito kamo sa Calle Crisologo, napansin ko na napataas ang kilay ni Ezekiel at tinignan ko kung saan siya nakatingin at sa cellphone ko siya nakatingin. "Kylie....."
"What? This is my phone! So shut up." wala na siyang nagawa at nag picture na siya gamit ang camera na hawak niya, tinignan ko ang paligid ng Calle Crisologo napaka vintage ng lugar, sobrang inalagaan ang lugar na ito.
Mejo nalungkot ako ng wala man lang nakakaalala sakin kahit ang pamilya ko alam nila di ako tumuloy pero di nila ako hinahanap.
"What's wrong?" napatingin ako kay Ezekiel habang papalapit sakin. "Wala naman I just miss my family, para kasing wala silanh pakialam dahil hindi nila ako hinahanap" biglang umiwas ng tingin sakin si Ezekiel at tumalikod tapos sinabihan niya ako na 'It's okay Kylie, you're safe with me so don't worry'
Nakatingin lang ako sa kanga habang nag lalakad palayo sakin. Minsan hindi ko maintindihan si Ezekiel, pero tama naman siya safe naman ako kasi wala naman ginagawang masama sakin si Ezekiel.
"Wait ezekiel! Wag mo ako iwan tyaka mag papicture tayo together!" hinigit ko siya sa gitna at napapicture kaming dalawa.
Ang pogi pala talaga ni Ezekiel, nag pagwapo pa lalo sa kanya yung glasses niya na sobrang nakakagwapo sa kanya.
"Pwede ba tayo kumain? Nagugutom na ako Ezekiel." tumigil siya at tinignan niya ako simula ulo hanggang paa. "Nagugutom ka nanaman?" sinimangutan ko siya kasi parang sinasabi niya na malakas at masiba ako kumain kahit babae akong tao.
"Sa Cafe Leona nalang tayo Kylie let's go may pupuntahan pa tayo after kumain." habang papunta kami ni Ezekiel sa kakainan namin, napapatingin ako sa paligid, ganito pala kasaya ang mga tao dito sa Vigan na parang wala silang problema sa buhay. "Kylie iniisip mo nanaman siya?"
"Hindi Ezekiel, tinignan mo ang mga tao dito sa Vigan palagi silang nakangiti."
"Lahat naman ng tao palaging nakangiti kahit may problema, nasa tao na yun kung paano niya dadalhin ang problema niya." tama naman siya sa sinabi niya. Yung mga bats dito mababait din parang hindi nila kayang gumawa ng mali.
Royal Bibingka?
"Hey Ezekiel, pwede bili tayo bibingka? Ang sarap ng amoy niya eh." Tumingin siya sakin at tumango naman na payag siya kaya bumili kami at pag pasok palang namin gusto ko na kainin ang bibingka pero sabi ni Ezekiel sa cafe ko nalang kainin tutal dun naman talaga kami kakain.
Nang makarating na kami sa Cafe malapit naman kasi siya kasi nasa Calle Crisologo pa din naman siya, The place is old but still clean and well maintained. I'm amazed! It's cold inside too and the ambiance was good too.
"Ezekiel ilan beses kana bumisita dito sa vigan?"
"Hmmmm 5? Wait lang." pinaupo niya muna ako at sinabi niya na mag hintay muna ako. Gentleman naman si Ezekiel kaso minsan may pag ka sa gago lang din, minsan mataray minsan mabait, ewan ko ba parang nag aadik talaga siya.
Madami din pala silang pinamimilian sa Menu hindi lang filipino or Ilocano foods ang meron sila, meron din japanese, american dishes, local favourites and etc.
This place is a must visit when you find yourself in vigan.
Sinigang, Bagnet, Pinakbet, and Caldereta.
"Omyghad! My all time favorite!!" agad akong kumuha ng bagnet at caldereta dahil masarap talaga sila. "Eat slowly Kylie!" may halong pag diin at pang gigigil sa sinabi ni Ezekiel pero dinedma ko nalang siya dahil masarap ang ulam kaya dapat masarap ang kain ko.
"Thank you so much Ezekiel for all of this, Thank you for the foods, free travel with you, and for all of your advices."
"Ganyan ka pala pag sobrang dami mo nakain nagiging mabait na pusa ka." bigla akong nainis sa sinabi niya, ako nga itong nag thank you siya pa yung ganyan?!! Tumayo ako at umalis sa Cafe! Nakakainis talaga si Ezekiel sarap sipain eh.
"Kylie joke lang naman, anyways punta tayong Crisologo Museum." tinignan ko siya ng masama pero nag bago ang tingin ko ng makita ko na wala na siyang suot na salamin nakita ko nanaman ang maamo niyang mukha pero ang ugali? Argh!!
Museum Crisologo Memorabilla Vigan, Ilocos Sur
Napaka antique ng meron dito sa loob, alam mo yung talagang napag lumaan na pero maayos pa din. Well organize ang loob na parang hindi din nadudumihan sa sobrang linis. "Ezekiel picture naman jan oh." Nung humarap ako sa kanya nakita ko na nakatutok na sakin ang camera na hawak niya kaya nag pose nalang ako ng nag pose.
"Picture tayo ng mag kasama please." tatanggi pa sana siya pero nahigit ko na ang camera niya at inabot kay Kuya na nag babantay sa loob.
Pero sa pag mamadali ko nadulas ako pero nasalo ako ni Ezekiel, at di ko na inaasahan ang sunod na nangyari. Alam ko hindi sinasadya at parehas din kami nagulat sa nangyari.
*Click*
His lips meet mine.
[ HAPPY BIRTHDAY sa pamangkin ko BABY KYRIE MATTHEW DE GUZMAN & MR. STEPHEN QUIZON! I hope mameet na kita soon. Happy birthday sa lahat ng may birthday jan ❤ Goodluck sa Mock Defense namin mamaya with my groupmates wish me luck guys! 😉 ]
BINABASA MO ANG
30 DAYS VACATION
Romance[will Edit] KYLIE PADILLA x EZEKIEL MADRID Kahit ano naman ang paraan ng pag tatagpo ng dalawang tao, dadaan sila sa paraan ang diyos ang nakakaalam. Tipong ayaw mo na maramdaman ulit ang pag mamahal ulit dahil nasaktan ka ng sobra. Pero lahat ng ta...