Pahina 2
Kanina pa ako dito sa garden at nakatunganga lang. Walang magawa ngayon. Nakakatamad rin kumilos.
"Hija! Hinahanap ka ni Coreen." Ayon ni nanay Delia
"Eh sya po ba nasaan?"
"Nandun sa sala. Puntahan mo nalang."
Tamad na tamad akong tumayo at naglakad papasok sa bahay. I saw Coreen watching something habang ayos na ayos pa.
"May lakad ka?"
"Ay ate! Alis tayo?"
"Ayoko. Nakakatamad."
"Dali na! Wala kasi akong kasama. Sa mall lang naman. Lilibre kita ng meryenda, Promise!"
Napangisi lang ako dahil mukhang gustong gusto nya talagang umalis. Bihira ko syang makita na ganito kaya tumango nalang ako bago umakyat at nagpalit lang ng damit.
Hindi ganoon kadami ang tao ngayon dito sa Mall. Syempre, national bookstore ang unang dinaanan ni Coreen which is pabor naman sa akin. Ito yata yung pinaka pinagkakasunduan naming magkapatid. Although sa mga libro sya habang ako naman ay sa art section.
Not that i want to be a painter or an artist pero gustong gusto kong nakakakita ng mga pwedeng designs. Actually, designs na pang interior. And that's what i really love. I want to be an interior designer someday.
Pagkatapos ay tsaka kami pumasok sa kung saan saang botique. Titingin lang, bibili then titingin lang ulit. Parang walang kapaguran ngayon ang kapatid ko pero ako, nananakit na ang paa ko kaya hinila ko na sya sa isang coffee shop.
"Ayos ka lang? Ang ligalig mo ngayon ah!" Ayon ko.
"Wala lang. May energy lang."
"O may gustong iwasan?"
"Huh?"
"Look, Coreen. Kilala kita! Gusto mong maging busy para hindi ka magisip. Ano bang problema? Alam mo namang you can tell me anything, everything."
Hindi agad sumagot ang kapatid ko. Sinasabi ko na nga ba eh! Masyado ko syang kilala para mahalata ko na may gumugulo talaga ngayon sa isip nya.
"Ate.. May nangyari."
"Ano naman yun?"
"Uhm.. Baka hindi mo sya kilala. Pero may transferee kasi sa school--"
"Oh! Yung kamag anak raw ni Javier? Isang Cojuangco nanaman. Bakit? Anong ginawa sayo? Susugurin ko yun!"
"Hindi ate! Hindi ganun. Ano kasi.. Nung party ni Ian? I met him there. Then, you know? I got drunk ng sobrang konti lang naman. Tapos ayun na- Uhm..."
Hindi ako agad sumagot at basta binasa muna ang expression sa mukha nya. Ng sigurado na ako sa hinala ko ay nasapo ko nalang agad ang noo ko.
"My goodness Coreen. Ano? Buntis ka na? Ganun?" Impit na boses kong tanong.
"Uy ate hindi! Ano kasi, pagkatapos nun, i'm now starting to fall for him. Kaso 'di ba hindi pwede? He's a Cojuangco and i'm a Villafuerte."
I stared at her. Yun ang pinaka inaalala nya that's why she's now holding back her feelings for that guy. Alam na alam ko ang nararamdaman nya ngayon dahil minsan ko narin yang napagdaanan.
"Coreen. Wag na wag mong iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Kung may nagbabawal sayo pero yun talaga ang gusto mo, sundin mo lang ang puso mo. Hindi ka ipapahamak nyan."
"Eh bakit ikaw? Wala naman sa puso mong maging medtech pero ginagawa mo parin."
"Kaya nga. Kung ako hindi ko magawang umangal, then wag ka ng gumaya. I know you look up to me. Pero this time, wag mong tularan kung anong ginagawa ko."
Saglit na nanahimik si Coreen at di inaalis ang tingin sa akin. Alam ko na naman kung anong ibig sabihin ng mga tingin nya eh! She pity me that i can't do what i want. Kahit na anong tapang ko, tumitiklop ako pagdating sa Papa ko.
He's not too strict and i just understand na tingin nya na itong kurso ko ang dapat para sa akin. He also expect big things to happen to me. Nakaka-pressure man pero kinakaya ko pa rin. I just want him to be proud of me. Kung proud na sya ngayon, mas gusto ko na lalo nya pa akong ipagmalaki.
"You strive so much just to make other people happy. Paano mo yun nagagawa? Bakit yung iba kaya mong sundin o pasayahin pero yung sarili mo, hindi?"
Hindi ko mapigilang mapalunok nalang dahil heto nanaman sya sa mga salita nyang nasa punto agad. I can't blame her! Alam naman kasi nya lahat ng tungkol sa akin.
"Finish your food then umuwi na tayo." Malumanay kong ayon. Pansin kong bumuntong hininga lang sya bago itinuon na sa pagkain ang atensyon nya.
Pagkauwi ay dumeretcho ako sa kwarto ko at basta ibinagsak ang katawan ko sa kama. Pagod ba ako dahil sa paggagala namin? O dahil sa mga sinabi ni Coreen sa akin?
Paano ko nga ba yun nagagawa? Bakit yung iba nagagawa kong sundin? Nagagawa kong pasayahin, Inaalala ko at iniintindi. Pero ang sarili ko, hindi.
Minsan naman naiisip ko rin na ibasura nalang lahat ng mayroon ako ngayon at magsimula ulit habang ginagawa ang mga bagay na gusto ko, pero anong sense? Doon ba talaga ako sasaya?
I thought i've found my happiness before, but i stand corrected. Masyado akong nagseryoso sa isang bagay na laro laro lang pala. Kahit kailan na maalala ko lahat, kusa nalang akong naiiyak.
Ano bang dapat gawin? Ano bang dapat unahin? Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Matapang lang ako sa tingin ng iba pero alam ko sa sarili kong napaka hina ko.
And that's the truth i won't let anybody know.
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
General Fiction[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...