Pahina 8
"Ano sa tingin nyo yung magandang slogan? Ang naiisip ko lang kasi, Huwag magsawa, kay Nakazawa!"
Halos maibuga ko ang iniinom ko. Kahit si Ever ay hindi napigilang mapangiti ng malawak. Heto nanaman at abalang abala si Bella sa darating na election ng supreme student council.
"Seriously?" Natatawa kong tanong.
"Napaka judgemental nyo naman! Eh sa wala na kong maisip eh! Last year, yung vice ko lang yung nagbigay ng slogan para sa partido namin. Kaya kong mamuno pero hindi ko kayang magisip ng patok na slogan! Pwede suportahan nyo nalang ako?"
Kitang kita namin ni Ever ang stress at frustration ni Bella. Since this will be our last year ay gusto ni Bella na maging student body president for the second time. Ika nga nya, gusto nyang mag back to back win.
"Chill! Hindi mo na naman kailangan ng kung anong slogan o mga pakulo para manalo. Everyone saw what you did last year. I bet ikaw pa rin ang iboboto nila! Sigurado na yun!" Ayon ko pangpalubag loob sa kaibigan ko.
"Actually, that might not happen this time." Agad naagaw ni Ever ang atensyon namin.
"Why? Tingin mo matatalo ako?"
"It's not that Bella. But competing against someone who is somewhat much more popular than you, tingin ko kailangan mong doblehin ang pagkakampanya para manalo ka ulit."
Nagkatinginan kami ni Bella. So far hindi pa naman namin alam kung sino bang makakalaban nya ngayong election.
"At sino naman yang tinutukoy mo?" Tanong ni Bella kay Ever.
Nagkibit balikat si Ever bago ibinalik sa librong binabasa nya ang atensyon nya. Napakunot noo nalang ako ng di nya sagutin ang tanong ni Bella kahit na halata namang alam nya ang sagot.
"Hay naku! Kahit sino pa yang hudas na yan, sisiguraduhin kong hindi nya ako matatalo! Duh? Mukha bang madali akong masindak at sumuko? Think again!"
Napapailing nalang ako habang nakangiti. Bella has always been competetive. At kapag may pinaglalaban sya, bibihira kung matalo sya. I'm just wondering kung paano nya magagawang i-handle yung posibilidad na matalo nga sya.
* * *
May isang pasilyo dito sa building namin na hindi gaanong dinaraanan ng mga estudyante. Ang alam ko tuwing umaga lang may nagkaklase dito. May sabi sabi pa na may mga nagpaparamdam raw dito pero parang wala naman. This is our private space dito sa school. Nandito kaming tatlo lalo na kapag kailangan namin ng matindihang pagaaral.
Kaya imposibleng may multo multohan dito dahil matagal na naming tinatambayan to at never kaming naka-encounter ng kahit ano. Ang mga tao talaga, ang hilig takutin ang sarili.
Kakatapos lang naman ng exam at hindi ko pa naman kailangan magaral pero kailangan ko ng tahimik na lugar tulad rito para makapag isip isip.
Lagi kong itinatanong sa isip ko ngayon kung bakit nangyayari ito sakin? Samin ni Javier. Akala ko natapos na noon. Oo nga't may galit ako sakanya pero hindi ba dapat, galit nalang talaga ang nararamdaman ko? Bakit ngayon, parang bumabalik lahat? Bakit hindi nanaman sya maalis sa isip ko? Madalas ko pa syang mapanaginipan. Hinahanap hanap rin sya ng mga mata ko rito sa school. Ano ba talaga?
3 years ago. 1st year college kami nung maging close kami. As in close na close. Walang alam ang kapatid ko kahit na magkaibigan na sila ni Javier noon pa man. Ayoko kasi. Baka asar asarin lang ako kaya itinago ko sakanya. Kahit nung magsimula akong mahulog kay Javier at di kalaunan ay mahalin na sya, walang ibang nakakaalam bukod kay Javier.
Ang sabi nya, the feeling is mutual daw. Ni hindi ko na nga nagawang magpaligaw. Tingin ko kasi na hindi naman na kailangan dahil bago pa kami nagkaaminan ay close na naman kami. Magkakilala na kami. Pero yun ang pinaka malakaing pagkakamali ko.
Yung unang buwan. Ok pa! Walang naging problema. Napaka sweet, caring at understanding nya lalo na't naniniwala pa rin kasi ako na buhay pa ang rivalry ng pamilya namin nun, kaya ako ang nagsuggest na itago ang relasyon namin para umiwas sa gulo. Inintindi nya ang sitwasyon kaya kahit mahirap, kinaya namin.
Sa pangalawang buwan, Wala pa rin gaanong problema. Minsan nagkakainisan kami dahil may mga bagay talaga na hindi ko pwedeng ibigay sakanya ng basta basta. Pero mahal nya raw ako kaya naiintindihan nya. Nakakainis raw, pero ayos lang. lalawakan nalang raw nya ang pagunawa nya.
Akala ko nagkaintindihan kami. Akala ko naunawaan nya ako. Akala ko kaya naming magtagal kahit patago. Pero lahat ng akala ko, akala lang talaga.
Sinabi nya na walang kaso kahit patago. Na naiintindihan nya yung takot ko na baka magkaroon ng gulo sa pagitan ng pamilya namin kapag may ibang nakaalam. Alam kong ako ang may pagkakamali sa nangyari. Wala akong lakas ng loob na ipagmalaki sya habang sya ay kating kati ng ipagsigawan sa lahat na girlfriend nya ako. Dahil sa pangamba ko, dahil sa paniniwala ko, umabot na sa puntong hindi na nya ako kayang intindihin pa.
Simula magkolehiyo si Javier ay namukod na sya ng tirahan kaya sa bahay nya kami madalas magtago at magsolo. Isang araw noon, dumating ang birthday nya. Masaya akong pumunta sa bahay nya at dahil alas tres na ng hapon yun, automatic na bukas na ang pinto para hindi na ako kumatok o pagbuksan pa nya.
I was about to surprise him sa regalo ko na ako mismo ang gumawa. Pero, ako ang nasurpresa. It was the very first time i saw Javier naked. Yes, as in walang kahit na anong suot. Siguro baka nagblush pa ako kung ginawa nya yun para sakin, kaso hindi. He was with another woman. Maganda ang katawan ni Javier pero kaya kong sabihin na ang baboy baboy nya.
Sabi nya nauunawaan nya ako kung bakit hindi ko pa kayang ipagkatiwala yung sarili ko sakanya. Sinabi nya na kaya nyang maghintay hanggang handa na ko. Nangako sya na ako lang! May pagtataga pa sya sa bato pero pagtalikod ko ibang babae na pala ang tinataga nya ng sandata nya. Napaka sinungaling!
Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na pala ang pagbagsak ng luha ko. Pati sakit, bumabalik! Isa lang ang pagkakamali ko noon. Yung nakinig ako sa sinasabi ng ibang tao na ang isang Villafuerte ay hindi pwede sa isang Cojuangco kahit ang totoo ay matagal ng tapos ang hidwaan ng dalawa. Alam kong yun ang pagkakamali ko pero ano lang yun para sa ginawa nyang panloloko sakin?
Ngayon sinasabi nyang mahal nya pa rin ako at kahit kailan hindi naman raw nagbago yun, pero bakit? Paano? Kung mahal nya ako, paano nya ako nagawang lokohin at saktan ng ganun?
At ang pinaka hindi ko maintindihan ngayon, paano ko nagagawang mahulog ulit sakanya? Paano ko nagagawang makaramdam ng pagmamahal ulit sakanya? Jusko Maiko, baliw ka na nga talaga!
Hindi ko gusto ang sumusuko ng basta basta. Kaduwagan yun! Pero sa sitwasyon ngayon, hanggang kailan ko ba kayang makipag sabayan? Hanggang kailan ba ako magtatapang tapangan?
Ayokong sumuko, pero dinadaga na talaga ang dibdib ko ngayon.
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
Ficção Geral[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...