Wakas.
"I now pronounce you, husband and wife. You my now kiss the bride."
Lahat ay nagpalakpakan kahit na si Daren ay todo palakpak at kitang kita mo ang malawak na ngiti nya.
Nahuli man pero heto at Dave and Coreen finally tied the knot. We couldn't have been happier. Masayang makita sila na sa wakas ay nagagawa na ang mga simple pero mahahalagang pangarap nilang pamilya.
"Naku! Sino naman kaya susunod?" Natatawang tanong ni Cairo.
Nasa isang malaking bilog na lamesa kaming magkakaibigan. Panay tanaw ako kay Maiko na nasa kabilang lamesa. Kanina ko pa gustong tumayo at puntahan sya pero kasama nya pa ang mga magulang nya at kausap ang iilang relatives nila.
"For sure si Ian."
Agad ay napuno ng tawanan ang lamesa namin. Bunot si Damian ngayon kaya wala syang choice kundi sakyan ang mga pang aasar sakanya.
"Grabe no? Nasa kasalan na tayo. Noon, puro lang hang out, puro kalokohan, hawak natin ang mga oras natin, walang iniintindi bukod sa pag aaral. Pero ngayon, it's like all of a sudden, ang mamature na nating lahat." Ayon bigla ni Keeno.
Para kaming madadrama na nagtinginan lang lahat habang nakangiti. Di rin kasi namin alam ano ang susunod na mangyayari. Di namin alam kung posible ba na madalas ay mabuo kaming lahat at magkasama-sama pa ulit.
"Oh! Ok lang kayo jan? Maraming food, kain lang kayo." Agad akong tumingala at tinignan ang magandang babaeng nakatayo sa tabi ko.
"Teka nga kayong dalawa. Ano bang update? Sure ba kayo na magmimigrate na kayo sa States?" Tanong sa amin ni Siemon. Hinawakan ko lang ang kamay ni Maiko na nakapatong sa balikat ko.
"Well, Yes! Sure na kami. Actually minamadali na namin pagaasikaso para nandun na kami bago pa lumabas tong si baby."
"Walangya, Magiging tatay na talaga tong pinaka hot kong kaibigan. Nakaka proud talaga! Pakiss nga!" Pang aasar ni Zancho na tumigil lang ng sikuhin na ni Isay ang tyan nya.
It has been four years since Maiko and i got back together and after just two years, i asked her hand in marriage. Ngayon ay heto at magkakaroon na kami ng panganay.
I must say, since we got back together, naging madali ang lahat. Walang naging problema, walang naging gulo. Ipinangako ko sakanya na ang lalakeng babalikan nya ay nagbago na. At yun ang ginawa at patuloy na ginagawa ko.
Napakaswerte ko na sa kahit na anong nagawa ko ay may nag iisang babaeng gaya ni Maiko na patuloy na binibigyan ako ng pagkakataon. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sakanya noon, alam kong nasaktan ko sya at sising sisi na ako sa nagawa ko.
Kaya ngayon na sa pangatlong pagkakataon ay binigyan nya ako ng chance, once again she took the risk at wala na akong balak na sayangin lahat ng sakripisyo na ginagawa nya. All i want is her and all of her. I want her happiness. I want to grow old with her and be with her side for the rest of my life.
"So, seryoso na talaga to. Mag iingat kayo dun ah? Don't forget to call once in a while. Tsaka we'll try to visit kapag kaya na." Ayon ni Coreen habang panay himas sa five months belly ng ate nya.
"Coreen, please take good care of yourself, ok?Pag may bawal, wag gagawin. Wag magpapakasigurado. If you need any advice sa kung ano mang nararamdaman mo, don't hesitate to call. Aalis lang ako pero ako pa rin ang ate slash personal medtech mo." Nakangiting ayon naman ni Maiko sa kapatid.
Naka ngusong niyakap ni Coreen ang ate nya. For the second time kasi ay mahihiwalay nanaman silang magkapatid sa isa't isa. I know it's because of me and my job kaya kailangan namin mag migrate mag asawa.
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
Genel Kurgu[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...