Pahina 21
Kanina pa kong kumukuyakoy lang ng pagkakaupo dito sa sofa. Ang usapan alas syete ng umaga. Aba! Alas syete at kalahati na wala pa rin sumusundo sakin. At di ko alam kung anong trip nya pero bakit kailangang nakapatay ang cellphone? Pano ko sya macocontact nito? Nakakairita!
"Ano?!" Pasigaw kong sagot ng sagutin ko ang tawag sa cellphone ko.
"Ay! Ang aga aga imbyerna agad? By the way, Good morning Bernadette."
"Sorry! Bella, sorry. Kasi naman, Ay basta! Anyway, good morning rin. Napatawag ka?"
"I won't ask anymore. Osige, napatawag lang ako kasi may lakad pala ngayon si Ever at si tita. Di ako pwedeng sumama kasi personal yata. Magbabakasakali lang po ako na baka pwedeng sainyo muna ko today?"
Naalala ko na kila Ever nga pala nag overnight itong si Bella. It's only almost eight in the morning pero may lakad si Ever at ang mommy nya? Usually, kapag ganitong weekend ay halos tanghali na sila magbukas ng flower farm dahil rin kailangan ni tita magpahinga ng mahaba haba. Weird.
Saglit akong nagisip bago sumagot kay Bella. Mukhang wala na rin namang balak pumunta rito si Javier at sunduin ako para sa outing na sya mismo ang nagplano.
"Sure. Sige, dumeretcho ka na dito."
"Yes! Thank you so much sis. Wait for me!"
Ibinaba ko na ang cellphone ko at patagilid lang na nahiga sa sofa. Kinulong ko ng unan ang mukha ko bago nagsisisigaw habang kinakalampag pa ang lapag.
Nakaka asar! Sya tong may gustong umalis pero di ako sisiputin? Ano ba naman yung magtext man lang sya na hindi na kami tuloy para naman di ako nagmukhang tanga na naghanda pa.
Ilang sandali lang ay nakarinig na ko ng busina ng sasakyan. Nandito na yata si Bella at mukhang nagpahatid pa kay Ever. Alam naman nyang may lakad nga yung tao, inabala pa rin!
"Hi! Sorry, i'm late. Tsaka akala ko nachacharge sa powerbank yung phone ko, wala rin palang charge yung powerbank ko. Sorry talaga Mahal! Wag ka magagalit huh?—"
"Siemon?"
"Excuse me? Si Javier po ako."
"Huh? Hindi. Alam ko! Pero si Siemon ba yun? Bakit magkasama kayo?"
Saglit na lumingon sa likod nya si Javier bago ulit humarap sakin. Ibinalik ko ulit kay Siemon yung tingin ko. I don't know, sa pagkakakilala ko kasi sakanya, binabati nya ko agad. Hyper. Magiliw sya. Pero ngayon, sinulyapan nya lang ako at tinanguan bago umiwas agad ng tingin.
"Ahh.. Oo, dumaan sa bahay. Nalaman na magoouting tayong dalawa, sasama raw sya. Ay! Pwede ba?"
"Huh? Well, aangal pa ba ko eh kasama mo na sya?"
Napakamot lang sa batok nya si Javier. Di ko malaman pero bumabalik ng bumabalik kay Siemon ang tingin ko. Inaya ako ni Javier na pumasok sa bahay at kunin yung mga gamit ko.
"Alam mo? Magseselos na talaga ko."
"Huh?"
"Titig na titig ka kay Siemon! Type mo ba?"
"Sira!"
"Oh! Eh ano?"
"Well, i'm no psychiatrist pero bakit parang di sya ok? Parang may problema. Parang di sya si Siemon, alam mo yun?"
Hindi agad sumagot si Javier. Binitawan nya saglit ang isa kong bag at panguso ngusong nakatingin sakin.
"Sakit ng ulo nyan yung kakambal nya. Nakwento nya sakin kanina, Nung hwebes ng gabi pala sinugod sa ospital si Sienna. Naglaslas kasi—"
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
Ficção Geral[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...