Pahina 20

4K 98 0
                                    

Pahina 20

"Mang Rudy, Good morning po! Si Javi po?"

"Ay Ms. Maiko! Magandang umaga rin po. Sandali ho at tatawagin ko lang... Ineng! Yung almusal ni Sir Javier at Ms. Maiko, pakihanda na!"

Nakangiti akong naupo lang rito sa sala nila Javier. I've missed this place. Noon kasi, madalas na rito sa bahay nilang pamilya kami nagkakasama. Wala pa naman syang sariling bahay di gaya ngayon. Akala ko nga na hindi na sya umuuwi dito pero mali pala. Mas madalas na walang tao sa bahay nya dahil dito pa rin sya madalas na umuuwi.

Tumayo ako at naglakad lang papalapit sa may tsimenea, di ko maiwasan mapangiti. Sa tapat nito noon nya ako pinaka unang niyakap. Naaalala ko pa na halos mamula ako sa gulat at kilig. Kung pipikit ako, parang nararamdaman ko pa rin yung mga bisig nyang nakapulupot sa akin. I feel safe. I feel secure. I love the feeling.

"Ganitong ganito yun noon diba?"

Dahan dahan akong dumilat at bahagyang lumingon sa balikat ko. I thought i was just imagining things. Pero tama pala ang nararamdaman ko.

"At ganun pa rin ang pakiramdam ng yakap mo. Wala pa rin nagbabago. I love it!"

"Gusto mo bang ganito na lang tayo? Pwede namang di na tayo umalis. Kung anong gusto mo, yun gagawin natin."

Ngumiti lang ako at umiling.

"Tsaka na! Gawa muna tayo ng memories sa ibang lugar naman."

Kanina pa kami nagkakatinginan habang kumakain, para kaming ewan. Pakiramdam ko rin na parang ang pula pula na ng pisngi ko siguro dahil sa kilig. Matagal ko rin tong di naramdaman. And i didn't expect na sa iisang tao ko lang to mararamdaman ulit.

Tinapos namin ni Javier ang pagkain ng almusal para makaalis na. Ang daming sinasabi ni Javier na plano nya ngayong araw. Sya na halos ang gumawa ng itinerary namin. Nakakatuwa sya tignan at pakinggan na tila ba first time nya makakalaboy.

Nagpaalam ako na gagamit lang ng comfort room. Pinakuha ko na kay Javier ang gamit namin na nasa sala para maipasok na sa sasakyan.

"Oh! Ginagawa mo at nakahilata ka pa jan sa sofa?" Taka kong tanong.

"Di mo ba naririnig?"

"Ang alin?"

Tinuro ni Javier ang bintana at tsaka ko lang sya naintindihan. Malakas ang ulan. Bakit di ko man lang naririnig?

"Wala na! Nakakainis! Sabi na nga ba pag pinagplanuhan di natutuloy eh!"

Humalukipkip ako at tinignan lang ang pagmamaktol ni Javier. Parang bata talaga! Pero ang cute pa rin.

"Well, obviously, di na nga tayo makakaalis. So? Pano na?" Tanong ko.

"Ay ewan!"

Salubong lang ang kilay ko at nagisip. We're stuck here. Pero ayoko naman magsayang ng araw, oras at panahon. Tumingin tingin ako sa paligid. Ayoko dito sa baba.

Lumakad lakad ako at naaninag ang second floor nila. May lounge sila roon. Parang living room sa second floor. May malaki rin na flat screen tv. Maganda ang sofa pero parang ang lambot ng carpet at mas masarap na upuan.

Lumakad pa ko hanggang sa may kusina at sinilip ang refrigerator nila. Sa dami ng laman, di ako mahihirapan makagawa ng snacks or finger foods na pwede namin kainin.

So it's final, Movie date it is! Common date pero mas ok na kesa wala. Kesa naman tumulad ako sakanya na nakadapa nalang sa sofa nila at nagmamaktol.

Nagpatulong ako sa katulong para ayusin ang lounge sa taas. Ng maayos na namin ay nagpatulong na rin ako sa may kusina.

"Mahal? Anong ginagawa mo?" Rinig kong sigaw ni Javier.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon