Pahina 10
Nakadungaw lang ako mula dito sa pintuan papasok ng court. Mahirap ng may makakita na nandito ako at kapag nagtanong sila, alangan namang sabihin kong nandito ako para panoorin lang ang practice ni Javier.
"Maiko—"
"Oh! Ay! Hi!"
"Marunong ka pala mag chinese?"
Nakangisi akong umirap sa hangin bago ibinalik kay Cairo ang tingin ko. What is he even doing here? Hindi naman sya member ng varsity ng school?
"Cairo, Anong ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ko lang si Ian, Mon, Keeno at Choy. May lakad kami eh!"
I just kept on nodding. This guy sure is bright and jolly. Yun tipo na parang hindi sya nagkakaroon ng problema. Or baka katulad lang sya ni Bella? Idinadaan lang lagi sa ngiti yung mga bagay bagay.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? May hinihintay ka rin?"
"Uhm... Actually—"
"Maiko! Wait lang! 5 minutes!"
"Ohh... May hinihintay ka nga."
Naihilamos ko nalang ang palad ko sa mukha ko. Talagang isinigaw pa ni Javier! Ang sarap din talaga manuntok ngayon
Paalis na si Cairo para sundan ang mga kaibigan nya dun sa locker room nila pero agad ko syang hinabol at halos matumba pa sya siguro dahil sa pressure ng paghila ko sakanya.
"Sorry! Uhm.. Pwede bang humingi ng favor? I mean, baka lang— You know? Ganito kasi—"
"Maiko! Ok na. Eto naman, alam ko na yun. Wag kang magalala. Satin lang to."
"Thank you."
Ngumiti sya sakin pabalik bago tinapik ang balikat ko. It's great that he understands pero nagaalala pa rin ako na baka kung anong isipin nya or nilang mga kaibigan ni Javier tungkol samin.
Hinintay ko si Javier dito sa labas ng school. Kinuha nya agad ang sasakyan nya dahil narin pinapamadali ko sya. Ayoko ng magtagal dito at baka kung sino nanaman ang makakita sakin. Ang dami pa namang usisero sa paligid.
"Hey Maiko!" Sarkastiko akong nakangiti ng lingunin ang mga nasa sasakyan na bumati sakin.
"Hey... boys?"
"Pinapasabi lang ni Javi na baka daw kasi mainip ka, pahintay lang daw sya." Ayon ni Zancho.
"Yeah, sure."
"Sige mauna na kami. Wait ka lang jan ha!" Ayon naman ni Damian.
Sabay sabay nila akong binigyan ng ngiti bago tuluyang umalis. Napaka isip bata parin talaga nitong mga to. Boys! Ofcourse, boys will always be boys.
Naghintay pa ako sandali bago dumating si Javier. Finally! Masyado bang malayo yung parking dito sa gate ng school?
"Sorry! Nadaanan kasi ako ni dean. Alam mo naman yun."
"Yeah. Whatever. So ano? Napanood ko na yung practice mo."
"Well, syempre di pa kita pauuwiin! Sakay na!"
Dahan dahan nya akong tinutulak papasok sa sasakyan nya. Wala akong magawa kundi bumuntong hininga at umirap nalang sa hangin. Napaka kulit nitong tao na to!
Dumating kami sa bahay nya ng hindi ko pa rin sya kinakausap. Matalas ko syang tinitigan ng paulit ulit nya akong pinapababa ng sasakyan.
"Bakit dito?"
"Mamaya ko na ieexplain! Bilis na kasi!"
"Javier, utang na loob! Ano bang trip mo?"
Kinuha nya ang isa kong kamay at panay himas roon. Salubong ang kilay kong tinititigan sya. Para syang maamong tupa na nagpapacute sa akin.
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
Fiksi Umum[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...