Pahina 1"Coreen ano ba?! Bilisan mo naman!"
Bumaba ako at dumeretcho na sa hapag para magalmusal. Wala si Papa kaya si Mama lang ang kasama naming magkapatid.
"Maiko, maaga ka bang uuwi ngayon anak?"
"Hindi ko lang po sigurado, Ma! Bakit po?"
"Kung sakali, sabihan mo ko agad ha? Let's go out! Last time kami lang ni Coreen ang lumakad. Mag bonding naman tayo! Friday naman ngayon."
Nakangiti akong tumango bilang sagot kay Mama. She's so calm unlike Papa na medyo strict. Kaya siguro mas komportable ako sakanya.
She may not be my real mom but she sure treats me as her own.
Buwan lang ang itinanda ko sa kapatid ko. Napaka bata pa namin noon ni Coreen ng magpakasal si Papa at Mama. At first, syempre nakakailang. Medyo nakakainggit rin kasi pareho silang na kay Coreen lang ang atensyon. But as time goes by, ramdam na ramdam ko na yung pagmamahal nya sa akin bilang ina. I'm so lucky to have her!
"Ate! Sorry, sorry talaga! Next time gigising na talaga ako ng maaga!"
"Yan din yung sinabi mo last time."
"Tsk! Maiko Bernadette Villafuerte. Grabe! Ang ate talaga ke-aga aga ang sungit." May pangaasar nyang ayon.
Umiiling ako bago ibinalik ang atensyon ko sa pagkain. Nagsimula si Mama na sermonan si Coreen sa pagiging mabagal nito kumilos at eto namang kapatid ko, tango lang ng tango na parang ayaw talagang makinig.
Isa pa yang si Coreen. I'm maybe strict to her pero para lang naman sa ikabubuti nya yon. Minsan nga nakakatuwa pa na mas nakikinig sya sakin kaysa sa mga pangaral ng mga magulang namin.
We arrived to school five minutes late. Kahit kailan talaga 'tong kapatid kong to! As usual, panay sorry lang sya pero as if may magagawa pa yun. Just calm down Maiko. Hindi pwedeng masira nalang basta ang umaga mo.
"Good morning miss soon to be summa cum laude of our batch." Nginitian ko lang basta ang bestfriend ko.
Even though i'm really against sa pag memedical technology ay ginagawa ko ang lahat para hindi lang basta magtapos kundi matapos ng may maipagmamalaki sa pamilya ko lalo na sa sarili ko.
"Shut up, Bella!"
"Oh bakit? Hindi na naman yun imposibleng mangyari diba?"
"Well, Sana lang magdilang anghel ka. Kahit na may pagka-demonyita ka."
Ngumuso sya at inirapan ako kaya naman hinila ko nalang ang dulo ng buhok nya. She never fails to complete my morning here at school.
Dumeretcho kami sa classroom dahil ilang minuto nalang ay matatapos na ang grace period na binibigay ng professor namin. Lumilinga linga kaming dalawa dahil parang mapupuno na ang classroom at wala kaming mauupuan para magtabi.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing papasok kami sa isang room ay kusang tumatahimik ang mga tao sa loob. Mukha ba kaming mga anghel na dadaan para matameme sila?
"There!" Ayon ni Bella at hinila na ko.
"Nice! Good morning, Ever." Bati ni Bella.
Nginitian lang kami ni Ever. She's not deaf. Ewan ko kung bakit di nya ugaling magsalita. Sobrang bihira ko lang marinig ang boses nya pero wala nalang akong pakialam kahit ganun. Kahit tahimik yan, mararamdaman mo naman ang presensya nya.
"Thank you pinagtabi mo kami ng seat." Ayon ko. Nag thumbs up sya bilang sagot kaya nginitian ko nalang.
Tuwing discussion ay nakatuon lang talaga sa nagtuturo ang atensyon ko. Sabi nila pag hindi mo gusto ang kurso mo ay di mo iyon maeenjoy at di ka mageexcel. Pero pag nag focus ka naman, ayos lang. But still, i will never end up as a medical technologist! Never.
Natapos ang klase at halos isang oras ang vacant namin. Nagpasama nalang ako sa mga kaibigan ko dahil kukunin ko lang kay Coreen ang calculator ko. Medyo mahaba-habang lakaran papunta sa building o sa tambayan nila mula sa building namin kaya mas ok ng may kasama.
"Coreen!"
"Ay ate! Eto oh! Thank you so much."
Kinuha ko ang iniaabot nya sa akin. Halos lahat ng kaibigan nya ay binati naman ako. Marunong akong mamansin kahit na alam kong ang tingin nila sakin ay mataray at supladang ate ng kaibigan nila.
"Oh hi there! We meet again Ms. Nakazawa."
Agad naagaw ang atensyon ko ng isang kaibigan ni Coreen. Di ko mapigilang mapangisi ng ilahad pa nya ang kamay nya sa harapan ni Bella.
"And it's so not a pleasure meeting you again Mr. Tangco." Mataray na sagot ni Bella at pinalo lang ang kamay ni Siemon na nasa harap nya.
Pansin ko ang kunot noong pagtitig nya sa kaibigan ko habang si Bella ay matalim naman ang pabalik na titig kay Siemon.
"Oh why'd you look at that! Ang bestfriend ni Siemon." Pangaasar na ayon ng pinaka malapit nyang kaibigan.
"Shut up Javi!" Medyo inis na sagot ni Siemon bago naupo na ng tuluyan.
May karamihan ang barkada ni Coreen. At alam na alam ko kung gaano sila kasaya pag magkakasama. Kung gaano katibay ang pagkakaibigan nila. Dahil kung hindi, siguro nabuwag na sila ngayon.
At nagpapasalamat ako na sila ang kaibigan ng kapatid ko. Dahil dun ay wala na akong pwedeng ipagalala pa.
"My notebook!"
"Ay! Oh! Heto oh!"
"Hmm.. Thanks Cairo."
"Huh? Kilala mo ko?"
I saw Ever smiling at Cairo and ofcourse dahil yun lang ang sagot nya sa tanong ng lalaking to. Kapansin pansin na hindi parin maalis ang titig nya kay Ever kahit na wala na sakanya ang atensyon ng kaibigan ko.
Once again, may nabihag ka nanaman sa misteryosa pero malamanika mong mukha, Severina.
"Tara na! And by the way Coreen, sabay tayong uuwi mamaya, ok?" Ayon ko nalang dahil ayoko ng magtagal dito.
"Yes ate."
Tumango lang ako bilang sagot. Paalis na kaming tatlo ng hagitin ng bwiset na lalakeng to ang pulso ko. Agad ko namang tinabig ang kamay nya at doon ko nakita ang pagngisi nya habang diretcho ang tingin sa akin. Shoot!
"What?!" Mataray kong tanong.
"Kamusta?"
Hindi ako sumagot at bagkus ay tinignan lang sya ng matalim bago inirapan.
Agad kong hinila si Bella at inaya si Ever para makaalis na kami. Wala akong oras makipagkwentuhan sa taong yun. We're not even close. Well, noon oo pero ngayon, ewan! Ayoko ng balikan kung ano mang nangyari noon.
Alam kong halos ang nakararami dito ay alam ang tungkol dun. But what me and that Elvio Javier Cojuangco had in the past will forever stay in the past.
Or so i think so?
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
Ficción General[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...