Pahina 14

6.6K 158 5
                                    

Pahina 14

"Uy! Sorry pero pwedeng makiupo? Masyado ng tinatake-over ng first year dito. May hinihintay lang naman ako."

"Ofcourse. Wala naman akong kasama."

"Ay! Balita ko pala na yung pinsan ko ang representative nyo as Ms. AV ah? Buti napapayag nyo!"

She talks to me with a genuine smile. Tama nga si Coreen na si Sera ang pinaka magaan sa loob makausap at makasama.

"Yeah! Mukhang interested din naman sya kasi parang di na sya nagdalawang isip pa." Sagot ko ng nakangiti rin.

"Gusto lang nun ma-experience lahat. Yolo daw! Pero, gusto ko pala na magthank you."

"Hmm? For what?"

"For accepting Ever. Obvious naman na hindi sya ganun ka-open diba? Tahimik. Bihira kung makipagusap tapos parang weird pa pag nagsalita kasi ang hiwaga ng mga sinasabi. Pero you and Bella, tinanggap nyo sya as is. Kaya thank you so much!"

"Wala naman yun. Noon pa naman kaming tatlo lang ang magkakaibigan eh! Sanay na kami sakanya tsaka wala namang mali. Medyo creepy minsan pero exciting nga sya eh!"

Nakangiti syang tumango-tango lang pagkatapos ay luminga-linga sa paligid siguro dahil nga may hinihintay sya.

"Uhm.. Maiko? May gusto sana akong sabihin kaso ayoko namang magmukhang pakialamera o kaya tsismosa."

"Bakit? Ano yun?"

Saglit syang tumahimik at inayos ang upo nya na para bang kanina pa sya hindi mapakali. Napansin ko pang huminga sya ng malalim bago ako ulit tinignan.

"Narinig ko kasi. Uhm.. Nung isang araw? Sa gym. Pinuntahan ko kasi si Keeno. Actually, kaming dalawa yung nakarinig. Sinabihan nya ako na wag mangialam kaso siguro nature ko nang mangialam lalo na't nagaalala ako."

"Ok?"

"Napansin ko na after nyo magusap ni Javier, umiiyak ka kaya i tried na sundan ka. Maiko, kung may gumugulo sa isip mo. O kaya kailangan mo ng kausap, wag mong iisipin na magisa ka huh? Baka kasi depression yan."

"Mukha nga.. Actually, sobrang dami ng gumugulo sa isip ko Sera. May mga gusto akong gawin kaso sarili ko rin ang pumipigil. Hindi ko maintindihan! Ang gulo gulo ko!"

"Baka natatakot ka lang? You know? Minsan kasi, we need to accept that some things may not work out for us. Pwede tayong masaktan kung magkakamali tayo ng mga desisyon sa buhay but actually, we need that! We need to feel pain to realize that we're still alive. Pain is part of life."

Seryoso kong tinitigan si Sera. Bukod sa nagagandahan ako sa mga sinabi nya, medyo naguguluhan rin ako. Pain? I know that pain is really part of life pero what does she really mean by that?

Natatakot ako? Yes. I must admit that i feel scared most of the time pero saan nga ba ako natatakot? Heto nanaman ako sa pagiisip na ultimo ako ay hindi talaga kilala ang sarili ko.

"Sera? Para sayo, ano bang tingin mo sakin? I mean, alam kong hindi talaga tayo close pero tingin mo ba, anong ugali mayron ako?"

Hindi agad sumagot si Sera at saglit akong tinitigan. Bahagya ko syang nginitian kasi baka nagaalangan syang sagutin ang tanong ko.

"Since naging kaibigan ko si Coreen, nakikita na kita. Halos lahat kami tingin sayo eh mataray tapos masungit tapos parang konti kibot madaling magalit! Tsaka, tingin namin napaka strikto mo kay Coreen na parang lahat ng iutos mo sakanya, dapat nya agad gawin. Takot kaya sayo yung kapatid mo."

Saglit ayang huminto at parang bumebwelo pa sa susunod nyang isasagot. Napaisip naman ako dahil yun na yun ang ugali ng Papa ko. Does this mean na naadopt ko na yun? Hindi pwede! Hindi yun pwedeng mangyari. The last thing i want is to be like my father.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon