Pahina 25
"Sige uminom ka lang para kumalma ka."
Hindi nawawala ang panginginig ng kamay ko habang hawak hawak ang bote ng tubig na inalok sakin ni Keeno. Hindi ko alam bakit of all people, ito pang malapit na kaibigan ni Javier ang nakabanggaan ko. We're not even close.
Dinala nya ako dito sa labas at inalalayang makaupo. He's still standing beside me habang hinihimas ang balikat ko. I kept looking at the ground at panay punas pa rin sa mukha ko kahit wala ng luhang lumalabas sa mata ko.
"Ok ka na?"
Dahan dahan akong tumango bilang sagot. Panay pa rin ako sa paghugot ng malalim na pag hinga para matigil ako sa paghikbi.
"Thanks"
"Yeah. It's ok. So uhm... Care to tell me what happened? Kung ayaw mo naman, ok lang."
Muli akong huminga ng malalim bago sya tinignan. Minsan nasasagi sa isip ko na medyo salungat yung mga bali-balita tungkol sakanilang magkakaibigan. Mukhang sensible itong si Keeno at parang seryoso which is not what i expected.
"May alam ka ba tungkol kay Javier? I mean—"
"Ahh... Nakita mo ba?"
"So may alam ka nga?"
"Hmm... You see Maiko, pag dating sa mga ganyang usapan, hindi namin pinapakialaman ang isa't isa." Huminto sya saglit at naupo sa lamesang bato. Pinaghawak pa nya ang kanyang mga kamay at nayuko bago ako tignan muli.
"Nakita ko sila nung isang beses. Alam kong kayo at mali yung ginagawa nila pero i'm sorry, I just don't want to interfere. Alam kong sasabihin naman nya yun sayo directly or katulad ngayon, ikaw mismo ang nakaalam. I'm just here for them if they will actually ask for some advice pero hindi para manghimasok talaga. Sorry."
"Ganun ba?" Hindi ko alam kung magagalit ako o ano talaga ang dapat kong gawin ngayon. I just clenched my fists in frustration.
"But hey! I really don't want to interfere, pero kung mangingialam narin lang ako, sasabihin ko lang na hayaan mo syang magpaliwanag. I'm not saying na agad agad eh patawarin mo sya or kalimutan mo nalang lahat ng nalaman mo pero, ang alam ko lang kasi, mahal ka ni Javi. Higit pa sa akala mo. It's just that, he screwed up."
Panay tango lang ako bilang sagot. Gusto ko rin namang malaman ang explanation nya. Gusto ko rin malaman kung ano ba talagang nangyari at nagawa nya yun ulit sakin. Anong kulang? O baka sumobra naman ako this time?
"Halika na. Ako na maghahatid sayo."
"No! Uhm... Kaya kong umuwi magisa."
"Maiko? Tara na."
Sa bandang huli ay pumayag nalang ako. Who am i even kidding? Wala akong sundo. Medyo dumidilim narin at kahit gusto kong lakarin lang pauwi ay baka kung ano pang mangyari sakin sa daan.
"Thanks. Pasensya na sa abala Keeno."
"Wala yun. Kayo lang kasi, laging ang init ng dugo nyo sa amin eh mababait naman kami. Lalo na ako."
Bahagya akong napangiti dahil sa pagbibiro nya. Pare pareho talaga silang magkakaibigan na marunong makipagusap sa mga babae. No wonder kaya nilang makuha kahit sino, kahit ilang babae, agad agad.
"So, mauna na ko. Magpahinga ka na."
"Yeah. Ingat! Thank you ulit."
Nginitian nya lang ako bago bumalik sa sasakyan nya. Pinagmasdan ko lang hanggang sa makaalis na sya. Dahan dahan lang akong naglakad papasok sa bahay. Si nanay Delia ang bumungad sa akin ng may malawak na ngiti. Agad iyon nawala ng mapansin nya ang ekspresyon at itchura ko.
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
Ficción General[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...