Pahina 18
"Girl, san mo gustong kumain?"
Kanina pa kaming magkakasama na tatlo. Kanina pa rin nakikisuyo si Bella sa vice nya na sya munang umasikaso sa iilang mga kailangan para sa foundation week.
"Maiko? Are you with us?" Dahan dahan kong nilingon si Ever. Wala akong kahit isang salitang inaayon at diretcho lang ang pagkakatitig sakanya.
Bahagya akong nginitian ni Ever bago hinimas himas ang braso ko. Sunod kong nilingon si Bella. Nakangiti lang rin sya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin sa ngayon. Alam kong magaan na ang loob ko pero hindi ko pa alam kung paanong klaseng approach ang iuumpisa ko.
Matapos ang komprontasyon namin ni Papa ay masaya akong sa wakas ay naintindihan na rin nya ang punto ko. Na sa wakas ay naramdaman kong may tatay akong nakakaunawa sa akin.
Kinausap ako ni Papa na hindi na nya ako pipilitin sa gusto nya pero kung magagawa ko raw na pagisipan pa lalo iyon ay gawin ko. Sabi nya na ang gusto nya lang daw ay bukod kay Mama at Coreen ay malaman ko rin ang pagpapatakbo sa sakahan kaya kahit papaano ay pinagiisipan ko pa rin ang bagay na yun.
Nauwi kami sa hindi paglabas dito sa school at si Bella nalang ang bumili ng makakain naming tatlo. Tahimik lang kaming magkakasama. Parang first time ito sa amin ni Bella dahil kadalasan ay kaming dalawa ang daldal ng daldal.
"Ay jusko! Hindi ko na kaya! Dati sabi ko sa sarili ko na gusto kong maexperience yung tahimik na buhay. Kahit minsan lang, pero mali. Hindi ko pala kaya! Ayoko na!"
Unti unti akong nangiti bago tuluyang napahalakhak. Ganun rin si Ever pero as always ay parang wala lang rin. Lumapit sa akin si Bella at niyakap ako. Kung tumatawa ako ay sya namang mangiyak-ngiyak si Bella.
"Sis! I'm so proud of you, alam mo ba yun? Kahit kailan hindi ka rin talaga papakabog ano? Ang galing galing mo. After all these years, finally, ok na ang lahat. You're amazing."
Gusto kong sabihan si Bella na napaka drama nya at hindi ako sanay pero kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nya. Kahit kay Ever, the way she looks at me speaks a thousand words, ni hindi na nga kailangan pang magsalita talaga.
"Well, Sino bang nagsabi na marunong sumuko ang isang Maiko Villafuerte?" Pagmamayabang ko pa.
"Ay true! Walang Maiko na marunong sumuko. Laban lang ng laban." Ayon pa ni Bella.
"Uhm, actually, may Maiko na kayang sumuko na... sa pagibig."
And as always, natahimik nalang kami sa sinabi ni Ever. I get her point pero isinuko ko na nga ba kay Javier ang puso ko? Again?
* * *
Kanina pa kami kinakabahan ni Bella. Ngayon na ang mr. and ms. AV at tutok na tutok kami kay Ever. Kung titignan mo sya, parang wala lang sakanya ang ginagawa nya. Na para bang sanay na sya at kalmado lang habang heto kaming dalawa na mas excited pa kaysa sakanya.
Nagsimula ang pagpapakilala nila isa isa. Ever's deep feminine voice made an impact agad. She never smile like the other contestants, laging kalahati lang. parang nakangisi nga lang sya na bumabagay naman sa matapang nyang pagtitig sa crowd. Ang fierce. Ang scary. Ang ganda ganda nya.
Isa isa silang rumampa sa suot nilang mga filipiniana. Napapansin ko rin si Lulu, ang kaibigan ni Coreen na representative naman ng business administration. She looks like she's used to this kind of things. Yung confidence nya pati na ang malaking hatak nya sa supporters ay nakakamangha.
Kahit todo ang pagtutok namin sa nangyayari ay di ko maiwasang pansinin ang katabi ko na ewan ko ba na parang akala mo nanay ni Ever kung maka asta.
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
قصص عامة[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...