Pahina 16

6.5K 153 1
                                    

Pahina 16

Dumaan ang ilang mga araw at masasabi kong maayos ang nagiging samahan namin ni Javier. Syempre hindi parin nawawala yung pikunan lalo na't di hamak na mas pikon sya sakin. Pati narin yung sigawan. Hobby na yata namin ang sigawan ang isa't isa dahil pareho kaming ayaw magpatalo. Pero all in all, i must say na nagiging maayos na ang lahat.

Hindi lang ang samahan namin. Kahit ako. Unti-unti ko ng nagagawang pakalmahin at ayusin ang sarili ko. Kung nung mga nakaraang araw ay parang bibigay na ako dahil lang hindi ko maintindihan ang sarili ko, ngayon ay parang wala nalang. Parang walang nangyari. Maayos na ang lahat. Masaya na ako.

"Matutong mamansin kapag may nagpapapansin. Grabe! Nasasayang ang effort ko!"

Tinignan ko ng masama si Javier. Nandito kami sa tea prime at kanina pa'ng magkasama. Mahaba haba ang vacant ko at heto sya para samahan ako at di maburyo.

"Ano nanaman ba?"

"Tinatanong ko lang naman po kung may gagawin ka po this weekend po?"

"Hmm.. Wala. Bakit ba?"

"Alis tayo. Magbeach tayo!"

Salubong ang kilay ko habang di inaalis ang tingin sakanya. Is he freakin' serious?

"Javier. Baka lang naman hindi mo alam ano? Tag ulan na! Minsan manood ka rin ng weather news."

"Alam ko po. Bakit ba? Anong masama kung mag beach kahit tag ulan na? Astig nga eh!"

"Ewan. Nilayasan ka na talaga ng sentido kumon mo."

"Ah basta! Sa sabado magbebeach tayo."

Tinantanan ko na sya ng makita kong para syang bata na excited maggala. Baka nga ayos lang yun. Gusto ko rin naman kaso tag ulan nga kasi. Di bale, bahala na.

Natapos ang huli kong klase na halos pigilan kong mangiti o matawa para di makita ng professor ko. Kitang kita ko si Javier na panay silip sa classroom namin at kumakaway sa akin. Siko naman ng siko sa akin si Bella at binibigyan pa ako ng malisyosang tingin.

"Hoy ha! Diretcho sa bahay. Javier! Sa bahay nila Maiko hindi sa bahay mo."

"Grabe naman! Sige, Masusunod po, donya Isabella."

Nakangising inirapan ni Bella si Javier bago sila humalik sa pisngi ko ni Ever. Diretcho sa mata ang pagtitig sa akin ni Ever. Walang ibang kahit anong ekspresyon sa mukha nya. Alam kong hindi pa ako nakakapagkwento sakanila ni Bella pero bakit naman ganito sya makatitig na parang binabantaan ako?

Naunang umalis ang mga kaibigan ko. Magkikita kita sila Coreen at ang mga kaibigan nya kaya nagtataka ako na nagalok pa si Javier na ihatid ako pauwi.

"Hindi ba magtatampo yung friends mo? Diba magkikita kita kayo kila Zancho?"

"Ayos lang."

"Naku! Kung ako nga, hindi kita uunahin kaysa sa mga kaibigan ko eh." Pagbibiro ko.

"Ikaw yun! Eh sinong maghahatid sayo pauwi? Sige nga?" Pangisi ngisi naman nyang sagot.

"May sundo po kami ng kapatid ko. Lagi."

"Ahhh.. Eh bakit pumayag kang ako ang maghatid sayo?"

Natigilan ako at nagisip. Oo nga ano? Sa tagal kong hindi nakasagot ay biglang pinisil ni Javier ang magkabila kong pisngi.

"See? Gusto mo kaya akong kasama. Ayaw mo lang umamin eh."

"Tigilan mo ko!"

"Sungit talaga! Kaya mas minamahal kita eh"

Tumigil ako maglakad at humalukipkip tsaka namang paghalakhak ni Javier. Nahihirapan na akong alamin kung kailan sya seryoso at kailan nagbibiro lang. Pero pinipilit ko pa rin na hwag agad maniwala sa mga banat nya dahil mahirap ng ma-fall kung hindi naman ako sigurado na sasaluhin nya.

Nasa sasakyan na nya kami pauwi. Walang tigil sa kapilyuhan at pagbibiro si Javier na talaga namang bumebenta sa akin ngayon. Ang gaan gaan lagi ng pakiramdam ko tuwing magkasama kami. Noon pa man ganito na talaga eh. Kaya nga siguro madali akong nahulog sakanya... Pero noon lang yun.

Pagdating sa bahay ko ay nadatnan naming nasa labas si Papa. Matapos patigilin ni Javier ang sasakyan ay agad syang bumaba at pinagbuksan ako.

"Uhm.. Good evening po Sir."

"Good evening rin Javier. Long time no see hijo."

"Oo nga po eh." Sagot agad ni Javier habang panay himas pa sa batok nya.

"Ang sabi ni Coreen kasama nya ang mga kaibigan nya kila Zancho. Bakit wala ka dun?"

"Uhm..."

Naramdaman ko ang konting pagkakaba ni Javier kaya agad akong humarang sa pagitan nila ni Papa.

"Hinatid nya po ako."

"Hmm.. I can see that."

"Sige na Javier. Thank you. Ingat ka!" Agad kong pagpapaalam sakanya at halos itulak ko pa sya para umalis na.

"S-sige po! Mauna na po ako." Pagpapaalam naman nya. Tumango lang si Papa habang bahagyang nakangiti sakanya.

Pilit na ngiti lang ang binigay ko bago sya tuluyang bumalik sa sasakyan nya at umalis na. Nilingon ko ulit si Papa bago sya inunahan papasok ng bahay.

"Is Javier your.. boyfriend?"

Napatigil ako sa paglakad at unti unting nilingon si Papa at inaral ang ekspresyon nya. Hindi naman sya galit. Puno lang sya ng pagtataka.

"N-no. Hindi po."

"Ganun ba? Well, we all know that Javier is a good guy. Wala akong reklamo sa batang iyon. Pero Maiko, para lang malaman mo, alam ko ang nangyari noon sainyo."

"Papa—"

"Ayoko lang na mapadaan ulit sa kwarto mo at makarinig ng paghagulgol. I understand that your immature that time. You fall in love and you get hurt. That's ok. Kailangan mong maranasan yun. Pero siguro naman ay gumagana ang utak mo ngayon para isipin na ulitin pa ang nangyari noon."

Halos mapapikit nalang ako at humugot ng malalim na pag hinga. Tama naman kasi si Papa. This time, i really do agree with him. But a part of me still believes that everything deserves a second chance.

"I know. Sige po, aakyat na ko."

Gustong gusto kong isipin na finally, this time, nagawa nyang iparamdam sa akin na anak nya ako at nagaalala sya. Pero agad agad na pumapasok sa isip ko na baka naman kaya nya lang yun ginawa ay dahil ayaw nya na pumasok ako sa isang relasyon dahil magiging sagabal yun para sa mga pinaplano nya sa akin. O baka naman that's another way of him telling me na wag kong pairalin ang kabobohan at katangahan ko for the second time.

Kanina ko pa binababad ang katawan ko dito sa hot tub habang nakakarami na ng sigarilyo. Gusto ko ng isuko ulit ang sarili ko kay Javier. Gusto kong bigyan kami ng pangalawang pagkakataon dahil baka ngayon, maayos na.

Pero laging may pero at baka. Dahil kung nagawa nya akong lokohin noon kahit alam kong mahal nya ako ay baka kaya nyang ulitin at maging doble na ang sakit. Pero kung palalagpasin ko ngayon, baka pagsisihan ko lang sa huli.

What should you do, Maiko? Should you keep fighting from falling again? Or should you just... retreat?

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon