Pahina 11
"Hi girls!"
"Uhm.. you're not welcome here Javi!"
"Bella naman! Hindi naman ako si Mon eh."
Matalas ang pagirap ni Bella kay Javier. Ng magtagpo naman ang mata namin ay basta kaming nagkangitian. Ang gaan na sa pakiramdam. Parang bago lahat.
"Hoy! Nakita ko yun! Ano yan? Bakit nagngingitian kayo? Aba! Umamin nga kayo samin—"
"Sorry. Aalis na kami, Diba Bella? Ang daldal mo kahit kailan!" Paningit ni Ever.
Habang kulang nalang ay kaladkarin ni Ever si Bella ay patuloy parin ito sa pagsasalita. Wala naman akong maintindihan dahil hindi parin inaalis ni Ever ang kamay nya sa bibig nito. Hay naku! Ang mga kaibigan ko talaga!
"Napaka protective naman ni Bella sayo!"
"Alam nya kasi lahat."
Iniwasan ko sya ng tingin at ibinalik ang atensyon ko sa pag design ng gagawing tarpaulin para sa mangyayaring band monster competition. Maliit na bagay lang tsaka gusto ko rin namang ito ang itulong sakanila.
Naupo si Javier sa harapan ko. Hindi sya nagsasalita pero bawat sulyap ko ay naabutan kong nakatitig lang sya sa akin pagkatapos ay nginingitian ako.
"Yes?"
"Ang ganda ng view!"
"Sira ulo! Wag ako!"
"Sungit!"
At wala na ulit nagsalita samin. Alam kong di naaalis ang pagtitig nya sakin. Dati kapag nagkakatinginan kami ay di ako mapakali dahil di ako komportable pero iba ngayon. Ewan ko ba!
"Nood ka ulit sa practice namin!"
"Ayoko na."
"Hala bakit?"
"Javier, akala ko noon manonood lang ako ng practice mo na maglaro ng bola. Aba! Pati pala yang bola mo pagpapraktisan mo mismo sakin!" Tinignan nya lang ako ng kunot ang noo.
"Ang slow! Grabe!"
Saglit pa syang tahimik at mukhang iniintindi ang sinabi ko bago nagsimulang humagikgik. Nabaliw na!
"Grabe! Promise! Hindi na. Manood ka lang ulit! Mas ginaganahan ako eh! Kahit patago ka manood, at least alam ko nandun ka."
"Pagiisipan ko. Ang boring eh!"
"Ano?!"
"Sabi ko, ang boring! Kasi boring ka maglaro! Mukhang mas magaling pa ako sayo."
Humalukipkip si Javier bago ako tinignan ng salubong ang kilay. Oh boy! Sabi ko nga bawal biruin to kapag tungkol sa basketball nya eh
"Akala mo naman talaga sya! Napanood ko kaya kayo mag p.e noon! Ang lampa mo kaya!"
"Wow ha! Bwiset! Lumayas ka na nga sa harapan ko!"
"Why? Do you hate me?"
"Duh? Sobra!"
"Ok! I love you too."
Natigilan ako at kunot noo syang tinignan. Anong pinagsasasabi nito? Out of the blue bigla syang humihirit. Kung di ko lang alam, sinusubukan nya lang kung kikiligin ba ako
"Excuse me?"
"Kasi the more you hate, the more you love. Eh you hate me so much, so i love you so much rin!"
Agad agad ko syang inabot at pinaghahampas sa braso at tinutulak paaalis. Ang kapal ng mukha nito!
At infairness naman sa akin, affected talaga ako! Pambihirang buhay!
* * *
"Ay sus! Alam mo naman yang si Javier. Malakas rin ang amats nun eh!"
"Yuna nga eh! Nakakaasar diba?"
"Naku! Isa ka pa eh! Alam mo ng natutuwa yun kapag naiinis ka, pinapatulan mo pa. Pareho nga kayo, ang lalakas ng trip nyo sa buhay!"
Bumalik si Bella sa pagdadrawing ng mga damit. Magkakasama kami dito sa hallway na tambayan namin. Solo na solo namin rito kaya ganun nalang kami maglayo layo ng upo.
Nakasandal sa magkabilang dingding at magkatapat kami ni Bella habang si Ever ay nagsusulat at nakaupo hindi kalayuan sa amin.
"Bella? Uhm.. Pwede ba akong maging honest tapos hindi ka magagalit?"
"Depende?"
"Kasi.. I'm falling for him again."
Saglit na tumigil si Bella at sinulyapan ako bago agad rin bumalik sa pagguhit nya.
"Tapos?" Tanong nya ng hindi na ako tinitignan.
"Ang sabi nya, mahal nya pa rin ako. Yung nangyari kanina? Alam kong hindi yun basta biro nya lang. Kilala ko sya! Kaso, Ano bang gagawin ko?"
"Ano ba talagang nararamdaman mo?"
"Well, masaya! Kasi masaya naman talagang kasama si Javier. Medyo kinikilig rin. Sino ba namang babae ang hindi diba? Kaso..."
"Ayan! Jan tayo mag focus. Kaso ano?"
Saglit akong tumahimik at nagisip. Nilingon ko pa si Ever pero mukhang di nya naman kami iniintindi.
"Kaso, may takot eh! Natatakot akong ulitin nya yung ginawa nya sakin noon. Alam nyo naman kung gaano ako nasaktan diba? Halos maubusan na ko nun ng tubig sa katawan kakaiyak. Nagaalala rin ako na baka di ko sya magawang pagkatiwalan as in ng one hundred percent talaga."
Tumigil sa ginagawa nya si Bella at ibinaba ang gamit nya sa gilid nya. Saglit nyang hinawi ang bangs nya na humaharang na sa mga mata nya bago ako tinignan ng diretcho.
"Kung tatanungin mo ko kung ok lang sakin na papasukin mo ulit sya sa buhay mo, you think kahit sabihin kong ayaw ko ay aayaw ka rin? Kung masaya ka sakanya, balewala ang pagtutol ko, diba?" Saglit syang tumigil at ng itutuloy nya na sana ang sasabihin nya ay syang pagsingit naman ni Ever.
"But you don't have the right to start a relationship when you're still having trust issues. That's the rule. Kapag walang tiwala, masasaktan mo na ang sarili mo, masasaktan mo pa ang partner mo. Kasi it will end up sa process na kailangan mo syang bantayan para lang mapanatag ka habang sya masasakal lang."
"There you have it! Napunto na ni Ever. Kaya ang sakin nalang ngayon, kung gusto mong magkaroon kayo ng second chance, kailangan mong matutong magtiwala. Patunayan mo na mahal mo na ulit sya kasi kaya mo syang pagkatiwalaan ulit."
"And i beg to disagree sa last part ng sinabi mo. Maiko will not love Javier 'ulit'. Because in the first place, She never stopped loving him."
Pansin ko ang biglang pananahimik ni Bella at bumalik nalang sa ginagawa nya kanina.
Para naman akong sinampal sa katotohanan. Alam ko naman eh. Pinilit kong iwasan si Javier. Pinilit kong alisin sya sa sistema ko. Pinilit kong magtaray, magsungit at magalit tuwing lumalapit sya sa akin para lang ipakita sakanya na hindi kami ok. Na galit ako at di na mawawala ang galit ko.
Pero sa kabila nun, para ko lang rin pinilit na pagtakpan yung katotoohan na sya parin naman. Sya lang. Kahit gaano nya ako nasaktan, sya pa rin ang nasa isip ko. Sya pa rin ang gusto kong makasama. Sya pa rin pala ang mahal ko.
"Hay naku! Pag-ibig, hindi ko talaga mawari kung anong hiwaga ang mayron ka! Basta ang alam ko sa ngayon, bagay kay Ever 'tong gown na na-drawing ko. Hoy Severina! Galingan mo ha! Angkinin mo ang korona as this year's Ms. Academia Valenciana!"
BINABASA MO ANG
US3: Her Retreat [SPG]
General Fiction[Unpredictable Series III] WARNING: Some chapters in this story contains mature scenes that may not be appropriate to readers 17 and below. Maiko Bernadette Villafuerte takes everything seriously. Wala syang panahon sa mga laro o pagbibiro. Kah...