Pahina 12

6.8K 165 1
                                    

Pahina 12

"Maiko! Ano ba? Kinakausap pa kita!"

"Ano nanaman po ba yun?"

Heto nanaman kami sa diskusyon namin ng Papa. Hindi ko sya maintindihan! Una, he wants me to take this course dahil yun daw ang gusto nya para sakin. Ngayon, ano nanaman ba ito?

"I'm explaining to you everything you need know about our business!"

"Eh ano naman po bang pakialam ko dun? Papa, medical technology ang pinapakuha mo sakin! Anong kinalaman nun sa pagtatanim at pagsasaka?!"

"Now don't you give me that tone, Bernadette! Wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses!"

"Eh mukha kasing hindi nyo ako naiintindihan! So might as well, ipaintindi ko diba? Siguro naman maiintindihan nyo na ang sinasabi ko sa lakas ng boses ko!"

Nagsimula akong tumakbo paakyat papunta sa kwarto ko. Alam kong galit sya sa akin lalo sa inasal ko. Kailan ba hindi?

"Hindi pa tayo tapos, Maiko! I'm telling you! I will not tollerate your actions!" Sigaw ni Papa.

Malakas kong isinara ang pintuan ng kwarto ko hudyat na tapos na akong makipagtalo sakanya. They say na mali ako. Maling mali ang sumagot at bastusin ang magulang mo. Pero may alam ba sila sa nangyayari?

Pinilit kong intindihin si Papa. Hindi nya ako mahal as his daughter? Fine. Gusto nya na mag medtech ako? Ok, Sure. Gusto nya ng matataas na grades? No problem. Lahat naman ginawa ko na just to please him pero he's being too unreasonable this time. Ang gulo gulo nyang kausap. Nakakapuno na!

At ngayon, kapag hindi ko sya inintindi at sinunod, ako nanaman ang masama. Like, nagiisa lang ako. Mukha bang kaya kong gawin lahat ng utos nya ng ganun ganun nalang? Ni hindi ko nga maenjoy ang pagkadalaga ko. Ang bata bata ko pa, stressed na ko. Sh*t!

Ilang oras akong nagkulong sa kwarto bago may kumatok at pumasok. Hindi ko nililingon kung sino yun. Tagilid lang akong nakayakap sa unan ko at patuloy sa paglipat ng channel sa tv.

"Hija. Nakaalis na ang Papa mo."

Naupo ako at nilingon si Nanay Delia. Naupo sya sa gilid ng kama ko bago ako inabot para hagurin ang likod ko.

"Alam kong galit ka. Alam ko rin na napupuno ka na sa pagiintindi sa Papa mo. At alam mo na ang kasunod ng sasabihin ko... Anak, mali ang ginawa mo kanina. Kahit saang anggulo mo tignan, mali yun eh! Kabastusan yun."

"Nakakapagod na kasi, Nay! Para akong robot na de-susi dito. Hindi ba pwedeng kahit minsan ako naman ang masunod? Buhay ko naman to. I-i just want my freedom. I want the life just like what Coreen has!"

"Oh tama na! Lagi kong sinasabi sayo na huwag na huwag mong ikukumpara ang kapatid mo sayo. Siguro nga nakikita mo na iba ang trato nila kay Coreen pero hindi ibig sabihin nun na sya lang ang mahal ng mga magulang mo."

"Ewan! Ganun naman kasi po yung nakikita ko mula pa noon. Mahal ko si Coreen pero minsan hindi ko mapigilang mainis at mainggit nalang sakanya."

"Ay anak! Yan ang wag na wag mong gagawin! Isang tao lang sa bahay na 'to ang hindi mo kasundo. Huwag mong idamay pati yung mga tao na hindi umaalis sa tabi mo para damayan ka, intindihin at unawain."

Tahimik akong napayuko nalang. Alam ko naman yun. Sa totoo lang, hindi man pumasok rito sa kwarto ko si Coreen ay panay text naman sya sakin at kinakamusta ako. Wala naman syang magawa kanina eh. Kapag nagsasalita si Papa ay tahimik lang siya pati si Mama. Ako lang talaga ang may ganang sumagot sagot sakanya lalo tuwing napupuno na ako.

"Sige na! Pinaalam ko lang sayo na nakaalis na ang Papa mo at baka gusto mo ng lumabas na ng kwarto mo o kaya dito sa bahay." Ayon pa ni Nanay.

US3: Her Retreat [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon