TINUNGGA ni Jason ang alak deretso sa bote, sabay turo ng nguso niya sa kaharap niyang puntod. “It’s been ten years, babe. Kumusta na kayo d’yan ng anak natin?”
Kung may makakakita siguro sa kanya, iisipin nitong nababaliw na siya. Pero kung sakali mang may makakita sa kanya ngayon at pag-isipan siyang may tama sa pag-iisip, bale-wala iyon sa kanya. Nawala na ang lahat sa kanya ng mawala si Kiana at ang anak nila sampung taon na ang nakakalipas. Ano pa ba sa kanya kung nawala na rin pala ang katinuan niya?
Muli siyang tumungga ng alak. Gumuhit ang init sa lalamunan niya diretso sa sikmura niya. Iyon na ang ikalawang bote na naubos niya simula nang magpunta siya ro’n sa sementeryo kaninang ala-siete ng gabi.
Sa tuwing dumarating ang araw ng kamatayan nina Kiana, may kakaibang sakit na pumapatay sa kanya sa loob. Hindi iyon maalis kahit ano’ng klaseng paglilibang at pagluluksa ang gawin niya. Sa paglubog ng araw, mag-isa pa rin siya at mapait pa rin ang lasa ng emosyong nararamdaman niya.
Minsan nakakalimot siya. Pero may mga oras pa rin na lumalalim ang malaking butas sa puso niya. Pinapaalala niyon na may malaking kulang sa pagkatao niya.
May mga maliliit na bagay na naging dahilan para mabuhay siya sa sampung taong lumipas, gaya ng pamilya at pangarap niya. Pero hindi sapat ang mga iyon dahil minsan, nahihiling niyang sana ay hindi na siya magising.
Bumaba ang tingin niya sa puntod at hinaplos ang mga letrang nakaukit do’n. Kung ikamamatay niya ang matinding sakit ng kalooban niya, ikakatuwa niya 'yon. Pero alam niyang hindi si Kiana.
“Huwag ka nang tatakbo uli...”
Ngumiti siya ng malungkot nang maalala ang mga huling salitang binitawan ni Kiana. Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya sumusuko kahit wala na siyang gaanong gana sa buhay.
“Kiana, bigyan mo ko ng dahilan para mabuhay. Para manatili dito habang nand’yan kayo ng anak natin,” pakiusap niya sa puntod ni Kiana sa basag na boses.
Bumigat na ang mga talukap niya. Alam niya, pagpatak na ang mga luha niya. Bago pa siya umiyak sa harap ni Kiana ay nagpaalam na siya rito.
Naglalakad siya sa madilim na parte ng sementeryo nang may pumatid sa kanya. Dahil nakainom, nawalan agad siya ng balanse at sumubsob ang mukha niya sa damuhan.
“Fuck!” reklamo niya habang tumatayo.
Bumaba ang tingin niya sa bagay na pumatid sa kanya – na isa palang dalaga na natutulog sa tabi ng isang puntod. The girl was curled in a ball, her long hair sprawled across her face.
Nawala bigla ang kalasingan niya. Alam niyang may mga taong tumitira sa sementeryo, pero hindi niya inakala na may babaeng maiisip matulog sa tabi ng puntod. Delikadong manatili ito ro’n dahil baka mapagsamantalahan ito ng masasamang loob.
Niluhod niya ang isang tuhod niya sa damuhan at marahang niyugyog ang balikat ng babae. “Miss, wake up.”
Umungol ang babae pero hindi ito nagmulat. Napansin niyang mabigat ang paghinga nito.
Sinalat niya ang noo ng babae. Nanlaki ang mga mata niya. Inaapoy ito ng lagnat! Great. Just great. He just so happened to have a soft spot for vulnerable girls. Pakiramdam niya kasi, misyon niyang iligtas lahat ng babaeng kakailanganin ang tulong niya.
Binuhat niya ang babae at dinala ito sa kotse niya. Maingat na binaba niya ito sa passenger’s seat. Hinubad niya ang jacket niya at pinatong iyon sa katawan nito.
“Saan mo ko dadalhin?” nanghihinang tanong ng babae.
“Sa ospital.”
Naglakas-loob na siyang lingunin ang babae na gising na at masama ang tingin sa kanya. Nabigla siya sa kung gaano ito kaganda na kitang-kita dahil sa ilaw sa loob ng kotse niya.
Mesmerized by her angelic features, he just stared back at her while admiring the bravery on her face despite her condition. She was a fucking hot female warrior in plain black T-shirt, faded denim jeans and dirty old sneakers, with her hair tied in a messy bun. Pero mas naakit siya sa mga mata nito. Her eyes were burning with pure passion – or was it hate?
Man, I want to see that look when we’re alone in my room.
Generally, he wasn’t a pervert. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit kung anu-anong kamunduhan ang pumapasok sa isip niya habang tinitingnan ang babaeng wala namang ginagawa para akitin siya.
“Ano’ng tinitingin-tingin mo d’yan?” galit na tanong ng babae.
“Gusto ko lang tumulong. Wala akong gagawing masama sa’yo,” sabi niya sa babae.
“Kung iniisip mong galawin ako,” nagbabantang sabi nito. “Malaya kang gawin 'yon, pero pagsisisihan mo 'yon.”
Wala siyang masamang balak dito, pero tila ba hinahamon siya nito. “And why is that?”
“May AIDS ako. Kaya kung may masama kang balak sa’kin, sige lang. Hindi kita pipigilan.”
Nagulat siya. “Talaga?”
Pinakita nito sa kanya ang mahahaba nitong kuko. “Subukan natin?”
Mabilis na umiling siya. “Naniniwala na ko, kaya huwag mo kong kakalmutin. And for the record, I just want to help you!”
“Ayoko sa ospital,” sabi ng babae sa mas kalmadong boses. “Dalhin mo na lang ako sa kaibigan ko.”
Sinabi ng babae ang address ng kaibigan nito.
Sinulyapan niya uli ito. She didn’t look that sick.
He has been with different women every now and then. Masasabi niyang magaling siyang kumilatis ng mga babae. May pakiramdam siyang nagsisinungaling ang dalaga sa kanya. Nakabuo siya ng ideya: maaaring sinabi lang nito na may nakahahawa itong sakit para protektahan ang sarili nito dahil nanghihina ito para lumaban.
Napangiti siya. Something inside him started to function again.
BINABASA MO ANG
I Married The Wrong Guy
RomanceYoomi married Jason for his money. But it turns out he isn't the rich heir she thought he is. Ang kuya pala nitong si Chess ang totoong tagapagmana. At si Chess din ang kailangan niya para mabayaran ang mga utang niya. Dang, she married the wrong gu...