Kabanata 3

925 20 0
                                        

Pamilya.

Dahil sa magandang hatid na balita ni Diwani, nagkaroon muli ng kasiyahan ang Mahal na Haring Ares.

Nagpatawag ang Hari ng isang pagpupulong para sa kanyang mga kawal. Maging si Diwani ay nasa kanyang tabi lamang, naghihintay rin ng kanyang kautusan.

Sa pagdating ng mga kawal sa harap ng Hari ay lumuhod ang lahat bilang pagbati. Samantalang nakamasid lang sa kanila ang Hari na nakaupo sa kanyang trono. Pagkatapos nang pagluhod nila at inatasan na sila ng Haring tumayo at humarap sa kanya.

"Nais kong inyong malaman ang magandang balitang hatid ni Diwani." Panimula ng Hari. "Sa kanyang paglalakbay sa malayong lugar ng kaharian. Natagpuan nya ang aking anak na si Prinsesa Esmeralda."

Malugod na nakitaan ng galak at tuwa ang ibang kawal, subalit meron namang iba na hindi makapaniwala. Gayon pa man nagpatuloy parin ang Hari sa kanyang pagsasalita.

"Labis akong natutuwa dahil pagkatapos ng labing limang taon ay nalaman kong buhay ang Prinsesa." Gusto man maiyak ng Hari sa saya ay nakaya nya etong pigilan.

"Subalit napakalayong paglalakbay pa ang kakailanganin natin para sya ay maibalik dito sa Palasyo. Sa pagkat ang mahal na Prinsesa ay nasa mundo ng mga tao. Walang kaalam-alam sa pagkatong meron sya, kaya inaasahan kong ibabalita nyo eto sa buong kaharian."

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon