Paghaharap.
Pagkatapos ng panibagong linggo, hindi parin nagpapakita si Diwani. Ganun pa man umaasa ako na makakagawa na sya ng paraan, bago pa malaman nang masamang Diwani ang tungkol sa totoong pagkatao ng Prinsesa Esmeralda.
Sa loob ng ilang buwan labis na ang paglalapit loob ng Prinsesa at Prinsipe ng Silla. Naging mailap naman samin ni Ginoong Clever ang pagkakataon. Palagi ko syang tinatang-gihan kapag madalas nya akong anyayahan mamasyal.
Kinakailangan kong palaging nasa tabi ng Prinsesa para meron akong nalalaman tungkol sa mga pwde nilang gawin ng pekeng Diwani.
"Paumanhin sa aking mapangahas na pagtatanong, Binibini. Maaari ko bang malaman kung ano ang iyong nasa isipan?"
Naramdaman ko ang lungkot at pag-aalala sa tinig ng Ginoo. Nandito kame ngayon sa hardin ng Palasyo, nasa puntod naman ng mahal na Reyna ang Prinsesa at Prinsipe.
Gustuhin ko man sabihin sa kanya ang lahat ay hindi rin pwde. Maaaring hindi sya maniwala sakin, at isa pa hindi ko pa sya lubos na kilala. Kahit magaan ang loob ko sa kanya mahirap parin magtiwala sa ganitong sitwasyon.
"Walang anuman, Ginoo." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Labis lang ang pagkasabik ko sa aking mga magulang."
Yun nalang ang nasabi ko dahil nanabik naman talaga ako sa kanila. Kung sana hindi na lang nila ako iniwan,hindi ko sana malalaman na ampon lang ako. At hindi ako makakarating sa lugar na to. Paulit ulit ko man isipin ang bagay na yun, alam kong wala ring pagbabago.
"Anong kailangan kong gawin para mapasaya kita, Binibini?" Binigay nya sakin ang hawak nyang gumamela. "Alam kong hindi sapat ang bulaklak, ganun pa man gusto parin kitang mapasaya."
"Maraming salamat, Ginoo."
Tunay ngang makapangyarihan ang bulaklak ng gumamela. Binigyan ako nito ng panandaliang saya, at sympre ang Ginoo na hindi nagsawang pasayahin ako.
Nang umalis na ang Prinsipe at Ginoo, sinamahan ko narin ang Prinsesa sa kanyang silid. Nais na daw nyang magpahinga dahil sa pagod na kanyang nadarama. Hindi rin nagpakita sa silid nya ang pekeng Diwani.
Agad ko ring nilisan ang silid ng Prinsesa nang makatulog na sya ng tuluyan. Dumiretso narin ako sa aking silid para makapagpahinga rin ng panandalian nang sa ganun handa ako kapag kanyang kinailangan.
Upang maibsan kahit konti ang aking pagod ay humiga ako sa aking higaan. Gustuhin ko man wag makatulog subalit nais yata nang aking mata ang pumikit man lang.
"Esmeralda...
"Esmeralda...
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang isang tinig na tumatawag saking tunay na pangalan. At saking palagay nangagaling ang tinig na yun sa labas ng aking bintana.
Kaya bumangon ako at lumapit sa bintana, bumungad sakin ang isang napakagandang babae. Kulay ginto ang kanyang buhok na kulot, porselana ang kanyang kutis at tunay ngang elegante ang kanyang kasuotan.
Pamilyar na pamilyar sakin ang babaeng nasa harap ko at nakangiti. Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon at tumakbo palabas sa aking silid.
Nang tuluyan ko na syang makaharap ganun kabilis bumagsak ang aking mga luha. Dahil sa pananabik namin sa isat-isa ay agad nya akong hinagkan sa kanyang mga bisig.
"Tumahan ka na, aking Esmeralda." Ang tinig nyang napakagaan sa pandinig at ang mga haplos nya sa aking buhok. "Tunay ngang bumalik ka na sa ating Kaharian aking anak."
Pinunasan nya ang aking mga luha nang akoy kanyang harapin. Agad ko rin naramdaman ang banayad nyang halik sa aking noo. Ang paghaharap na hindi ko inaasahan pero lubusan kong nagustuhan.
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...