Takipsilim.
"Sundin mo ang sinisigaw ng puso mo, subalit nais kong sabihin na hindi yan magiging madali. Ikaw nag-iisang Prinsesa ng Kaharian, handa mo bang talikuran ang lahat ng meron ka kapalit ng pag-ibig mo para sa Ginoo? Dahil kung ganun, ngayon pa lang parang tinalikuran mo na ang iyong Mamamayan at buong Kaharian. Sa pagkakataon na hirangin ka na bilang Prinsesa, ang salita mo na ang mananaig sa lahat. Pag-isipan mong maigi, na sayo paring mga kamay ang magiging kapalaran mo at nang buong Kaharian."
"Tila kay lalim ng iyong nasa isipan, kAmahalan? Hindi ko magawang mabasa yun mula sa iyong mga mata."
Napalingon ako kay Clever nang makita ko syang palapit saking kinaroroonan. Simula nang iwan ako ni Reyna Nasha, hindi nawala saking isipan ang kanyang mga sinabi.
At dahil dun hindi ko namalayan ang pagdating ni Clever. Hindi ako umalis sa lugar kung saan kame nagkita, dahil ang totoo ay hinihintay ko sya.
"Ako ba ang dahilan, kamahalan?" tuluyan na syang nakalapit sakin at tumingin saking mga mata ng walang pagaalinlangan.
Umiling ako.
At ngumiti sa kanya.
"Hindi pa pala ako nakapag-pasalamat sa ginawa mo, Clever. Salamat kasi kung hindi ka dumating, baka napahamak na ako."
Ngumiti sya saka binigyan ako ng malungkot na tingin. Naramdaman ko agad ang kanyang nais sabihin ngunit hindi nya yun magawa. Kahit ako nakakaramdam ng maninikip sa dibdib, bigla na lang kasing sumakit.
Yung sakit na parang hindi ko alam kung paano mawawala. Nagsisimula ng magbadyang bumagsak ang mga butil ng luha saking mga mata. Tumalikod ako sa kanya ng hindi ko na yun napigilan.
Subalit agad nya akong hinila at hinagkan. Dun ko na hindi napigilang umiyak, yung iyak na may kasamang hikbi. Dahil ang totoo hindi ko na kayang pigilan ang sakit.
"Hindi mo maitatago sakin... ang tunay mong nararamdaman, Joury."
Bagamat alam naming bawal, hindi parin namin napigilan hagkan ang isat-isa. Ang dame kong tanong?
Bakit hindi kame pwde?
Bakit hindi sya maharlika?
Bakit kame nasasaktan ng ganito?
Kasi ang alam ko pareho kame ng nararamdaman. Pero bawal at hindi katangap-tangap dahil magkaiba kame ng mundong kinalakihan.
Ihinarap nya ako sa kanya, pinunasan nya ang mga luha saking magkabilang pisngi. Naalala ko sa kanya si Rawan, ganun din kasi ang ginagagawa nya kapag umiiyak ako.
"Nais mo bang mamasyal?" nakangiti nyang sabi sakin. hindi ko na nakita ang lungkot sa mata nya. hindi ko akalain na sya ang magiging kahinaan ko sa panahon na to.
Namasyal kame ni Clever sa magagandang lugar sa Bulasan. Umakyat kame ng bundok, dun namin nakita ang isang lugar na maraming bulaklak.
Ibat-ibang uri ng bulaklak, makukulay at magaganda. Nagliliparan din ang mga munting paro-paro sa paligid, sumasayaw sa hangin ang mga bulaklak.
Nang makarating kame sa gitna, binitawan nya ang aking kamay. Hinawakan ko agad ang aking mahabang buhok na sumasabay sa lakas ng hangin. Samantalang nakahawak din ang kanan kong kamay saking mahabang kasuotan.
Pumitas si Clever ng isang gumamela at nagmadaling lumapit sakin. Inalis nya ang kamay kong nakahawak saking buhok at sinabit saking tenga ang gumamela.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanyang tinuran. Pinagkislop nya ang aming mga kamay at sabay na tumakbo. Para kameng nasa isang palabas na tumatakbo sa napaka romantikong lugar.
Hindi namin mapigilan matawa, dahil saksi ang mga bulaklak sa kasiyahan naming dalawa. Pagkatapos umakyat si Clever sa puno ng mansanas, kakaiba ang mansanas na yun dahil kulay itim.
Pumitas sya ng dalawa at ibinigay sakin ang isa. Inalalayan ako ni Clever umupo sa ilalim ng puno, sabay namin kinain ang mansanas. Sobrang tamis kahit kulay itim sya, pero masarap lalo na at bagong pitas.
Sunod naming pinuntahan ang maliit na batis malapit sa labasan ng Bulasan. Medyo mabato at malakas ang agos nito, napakalinaw rin ng tubig ng batis.
"May mga isdang maliliit." natutuwa akong nararamdam sila saking mga paa. Lumusong kame ni Clever tapos inalalayan nya ulit akong umupo sa may bato. "Nakikiliti ako sa kanila, Clever." natawa ako.
"Mukhang ang mga isda ay gustong- gusto ka, kamahalan."
Malaki ang pasasalamat ko kay Clever dahil napasaya nya ako sa araw na eto. Ang huli naming ginawa ay sabay kameng nag-tampisaw sa tubig. Walang pagsidlang ang aming kasiyahan, marahil eto man ang huli nais ko paring maging parte eto ng aking ala-ala sa kanya.
Pagkatapos ng aming pamamasyal, hinatid na ako ni Clever kila Diwani.
"Masaya ka ba sa naging pamamasyal natin, kamahalan?" tanong nya habang sabay kameng naglalakad.
Tumingim ako sa kanya at ngumiti. "Masaya ako na ikaw ang kasama ko, sana lang maulit pa natin to."
Di ko maiwasan malungkot sa huling nasabi ko, dahil alam ko naman sa sarili ko na eto na ang huli saming dalawa. Pero sa halip hindi ko yun pinahalata kay Clever, baka kasi mag-alala na naman sya sa akin.
"Kamahalan..."
Huminto kame sa paglalakad at sabay na nagkatinginan. Meron syang kinuha sa kanyang bulsa at pinakita nya sa akin. Isa iyong kwintas na gawa sa pisi, at nakalawit dun ang kalahati nang buwan na may butuin sa gitna. Isa etong gawa sa kahoy na marahil ay inukit para magkaron ng hugis buwan at bituin.
"Hayaan mong isuot ko sayo, kamahalan." pumunta sya sa aking likuran. tinipon ko naman ang aking buhok at itinaas para maisuot nya yun sakin ng maayos.
"Salamat, Clever." hawak ko ang kwintas habang nakayuko at nakapikit.
Dumilat ako nang kunin ni Clever ang aking kamay, nabasa ko sa kanyang mata ang kalungkutan. Kalungkutan na parehas naming nararamdaman.
"Salamat din, kamahalan. Dahil sa kabila ng pagkatao mo ay nagawa mo parin akong tanggapin." ngumiti sya. "Nais ko sana na palagi kang mag-iingat sa lahat ng pagkakataon. Wala man ako sa iyong tabi, nariyan naman ako sa iyong puso. At sapat na sakin na patunayan mo na hindi hadlang ang estado ng pagkatao ko para makilala ang katulad mo."
"Clever." sambit ko.
"Hanggang sa muli nating pag-kikita, kamahalan. Wag mo sanag kakalimutan ang mga sinabi ko." dahan-dahan nya akong hinalikan sa aking noo, napayuko na lang ako sa kanyang ginawa.
Kasabay nang pagbitaw nya saking kamay ay bumagsak narin ang luha saking mata. Nakangiti akong tinalikuran ni Clever, kumaway pa sya sakin nang hindi tumitingin.
Pinakamasakit na makita ang taong dahilan ng iyong kasiyahan, ay unti-unting naglalakad sayo palayo. Hindi ko kailanman kinurap ang aking mata kahit lumalabo na dahil sa luha.
Hanggang tuluyan ko na syang hindi nakita pa. Lumakas ang hangin, lumamig ang paligid. Nasaksihan ko ang pagdating ng takipsilim.
Kasabay ng pagdating ng takipsilim ang pagliwanag ng kwintas na nakasuot saking leeg. Tama si Clever, wala man sya saking tabi, nananatili naman sya saking puso.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Dumating narin ang aming pinakahihintay, ang pagsapit nang aking kaarawan.
Naging abala ang mga taga Bulasan, maging si Diwani ay hindi ko matagpuan. Marahil sya ang nangu-nguna sa mga magaganap. Hindi narin ako makapaghintay na makita si Amang Ares, at makilala ako ng buong kAharian.
Ang nag-iisang Prinsesa ng apat na kAharian ay malapit na nilang makilala. Isa etong malaking kaganapan na mag-iiwan sa kanila ng marka. At handa kong gawin lahat para sa Kaharian at aking mga nasasakupan.
susunod...
Maraming Salamat.
Wag kalimutang bomoto at magkomento, makadagdag naman saking kagalakan.😊
@MisReika
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
