Kabanata 21

507 23 0
                                        

Hambog.

Lubos ang aking kasiyahan ng muli kameng magtagpo ni Diwani. Inaamin kong marami akong iniisip na takot na hindi ko na sya makikita pa. At hindi ko inaaasahan na dito ko lang pala sya matatagpuan.

Nasa tabi kame ngayon ng lawa at pinapanuod ang ganda ng mga bituwin sa langit. Payapa masyado ang gabi at tanging kaluskos ng mga dahon sa puno ang aming naririnig.

"Nais kong pasalamatan ang Ginoo dahil sa lubos nyang pagtulong sayo, kamahalan." pagbasag ni Diwani sa katahimikan.

Bumalik na naman saking ala-ala ang huling sinabi ng Ginoo bago kame maghiwalay. Nais ko sanang makasama sya saking paglalakbay, subalit mukhang desidido na sya sa kanyang desisyon. Kung tunay ngang yun na ang huli namin pag-uusap, nakakalungkot lang.

"Kamahalan, tila kay lalim ng iyong nasa isip?" ngumiti ako sa kanya at umiling-iling.

Muli akong tumingala sa mga bituwin at pinakawalan ang pinakamalalim kong paghinga.

"Diwani, nais ko lang malaman kung... si Clever ba ang gusto ko maka isang dibdib, papayag ba si Ama?"

Yumuko lang ako at hinintay ang isasagot sakin ni Diwani. Gusto ko si Clever ang aking mapapangasawa, dahil sa kanya ako panatag. Sa kanya ko nararamdaman ang tunay na pag-ibig sa mundong aking kinabibilangan. Kung hindi lang din si Clever...hindi na lang.

"Saking palagay maaaring ikaw ang masunod sa Prinsipeng pipiliin mo, kamahalan." tumingin ako sa kanya at seryoso nyang pinagpatuloy ang sasabihin nya. "Subalit hindi Prinsipe ang Ginoo, hindi maaari ang gusto mo dahil isa lamang syang ordinaryong mamamayan. At ikaw bilang taga pagmana ng kAharian, ay nararapat lang na itakda sa kapwa mo maharlika. Nauunawaan mo ba ang pinupunto ko, kamahalan?"

Tuluyan nang nabago ang emosyon na nararamdaman ko, kawalan ng pag-asa para samin ng Ginoo. Hindi ako makapaniwala na magkaiba talaga ang tradisyon dito at sa mundo ng mga tao.

Sa mundo namin, nagsasama at nagpapakasal ang mga taong may pagmamahal sa bawat isa. Meron din pinagkakasundo, subalit sa kalaunan ay nauuwi rin sa pagmamahalan. At ibang-iba yun sa mundong eto, kung saan pwdeng kong piliin ang taong gusto ko pero kaylangan ay maharlika.

Kinaumagahan nagising ako sa ingay ng mga hayop na pinapastol. Sumilip ako sa bilog na bintana ng aking silid, nakakatuwang masaya ang mga nilalang dito sa bulasan. Pinagawa talaga ni Diwani para sakin ang silid tulugan, kasama ko dito si Mira.

Bumangon ako at naghilamos.

Sinalubong ako ni Mira paglabas ko pa lang nang aking silid. Matangkad si Mira at payat, mahaba na itim ang kanyang buhok, kayumangi ang kanyang kulay at sya ay maganda.

"Nakahanda na ang umagahan,.. kamahalan." ngumiti ako sa kanya. Hindi makapaniwala si Mira sa kanyang nalaman na ako ang tunay na Prinsesa. Iginiya nya ako papunta sa labas kung saan naghahanda ang pamilya ni Diwani ng makakakain.

Isa etong mahabang lamesa na may tamang laki ng silya, kame lang ni Mira ang nakaupo roon dahil ang pamilya ni Diwani ay may sariling kainan sa ibabaw din lamesa.

"Kumusta ang iyong tulog, kamahalan?" magalang na bati ni Diwani. Pinagsilbihan naman ako ni Mira saking pagkain, nilagyan nya ng mantikilya ang mainit kong tinapay pagkatapos nilagay nya sa aking pinggan.

"Maayos naman, Diwani." nakangiti kong sagot. Inalapag ni MIRA saking tabi ang mainit na tsokolateng ginawa nya para sakin. "Salamat, Mira. Kumain ka na rin." baling ko sa kanya at ngumiti lang sya pabalik.

Masarap ang agahan na inihanda nila para sakin, masaya namin yun pinagsaluhan. Napuno ng kwentohan at tawanan ang hapagkainan, sa kabila ng takot ko sa kamatayan maaari rin pala etong mapalitan ng kasiyahan kahit panandalian.

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon