Kahalagahan ng Apat na Kaharian.
Inalis ko lang ang aking paningin sa Ginoo ng maramdaman ko ang presensya ng isang Diwata. Napakaganda nya at lubos na makulay ang kanyang munting pakpak. Kulay itim na habol-habol ang kanyang buhok. Mula sa mga halaman at bulaklak ang kanyang kasuotan. Malaki rin ang kanyang tainga at kulay asul ang mata.
Kasalukuyan syang nakaupo sa puno na malapit sakin, hawak nya ang isang katamtamang haba ng istik na may hugis bituin sa dulo nito.
"Kinagagalak kong makilala...ang nag-iisang Prinsesa ng Apat na Kaharian." Inayos nya ang kanyang upo mula dun sa puno, at nagpakita ng isang pagbati gamit ang kanyang kanang kamay na ipinatong nya sa kanyang dibdib at yumuko.
Pinakilala nya sakin ang kanyang sarili, hindi ko lubos maisip na ang Reyna ng Bulasan ay nasaking harapan lamang. Nang ako naman ang yuyuko sa kanya ay agad nya akong pinigilan.
"Isang karangalan ang makilala ka kamahalan, at sapat na sakin ang yung presensya dito saking nasasakupan."
"Maraming salamat, Reyna Nasha."
Ibinahagi ni Reyna Nasha sakin ang pagpipilit pumasok ni Clever dito sa Bulasan. Hindi maharlika si Clever kaya wala syang karapatan tumapak sa pag-aari ng lahi nila.
"Ang Ginoo na yun, hindi ko lubos maisip na magkakaron ako ng pagkakataon makaharap ng isang ordinaryong mamamayan." tahimik lang akong nakikinig sa kanyang mga kwento. "Batid ko ang kanyang kagustuhan makapasok dito, para masilayan ka kamahalan." tumingin sya sakin.
Inalis ko sa kanya ang aking paningin at ibinaling yun sa malayong bahagi ng Bulasan kung san ko huling nakita ang Ginoo. Naramdaman ko saking tabi ang paglapit ng Reyna at tumabi sakin ng walang pag-aalinlangan.
"Kakatwang nababasa ko agad ang iyong nasa isipan, kamahalan." at dun ko naramdaman ang malalim nyang paghinga. "Nais mo bang malaman ang kahalagahan ng apat na kaharian?" Seryoso nyang dagdag.
At saking palagay may kinalaman kay Clever ang nais nyang iparating sakin.
Tuluyan ko nang naibaling sa Reyna ang aking paningin. Batid ko rin na napakahalaga ng kanyang sasabihin, at dapat lang na itoy aking bigyan pansin. Nagsimula nang magkwento ang Reyna at tahimik lang akong nakikinig sa bawat sabihin nya.
"Ang apat na Kaharian ay sumisimbolo sa ating Kalikasan." ikinumpas nya mula sa hangin ang hawak nyang istik at dun lumabas ang imahe na sumisimbulo ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga.
Sa Silangan ang KAharian ng Esmeralda, Sa Kanluran ang KAharian ng Silla, Sa Hilaga ang KAharian ng Akvo at Sa Timog ang Kaharian ng Gesu. Natutunan ko ang mga eto ng ituro sakin ni Tatay at Nanay noon. Ngayon ko na lubos nauunawaan ang mga kahulugan ng kwento nila sakin.
Hindi kaya alam nila Nanay kung sino talaga ako? Sabi kasi ni Tatay ay espesyal daw ako, ang pagiging Prinsesa ko kaya ang kanyang ibig iparating.
"Ang Kaharian ng Akvo sa Hilaga ay sumisimbulo sa tubig, kaya ang Palasyo ng Akvo ay nasa gitna ng isang karagatan." kumumpas muli sya at lumabas ang imahe ng Palasyo sa gitna ng dagat.
Ganun kaganda ang kanilang Palasyo, marahil mas maganda eto mula sa loob. Isang isla sa gitna ng dagat at isang Palasyo ang nakatayo rito, hindi ako makapaniwala.
"Sila ang nanganga-laga sa mga anyong tubig, sa kanila rin nagmumula ang mga pagkain. Katulad ng mga isda, hipon, at marami pang iba na may kinalaman sa tubig."
Sumunod nyang pinakita ang Timog na sumisimbulo sa mga halaman o anyong lupa. Katulad ng Kaharian ng Esmeralda ang kanilang Palasyo ay nasa gitna ng kagubatan. Sa kanila nagmumula ang mga pangunahing sangkap sa pagawa ng mga halamang gamot.
Pangatlo ang Kanluran kung san nakatayo ang Palasyo ng Silla. Sa kanila naman matatagpuan ang ibat-ibang uri ng mga prutas at gulay. Sumisimbulo ang Kaharian ng Silla sa pangunahing hangin na nagbibigay proteksyon upang mapanatili ang pagiging sariwa ng mga prutas at gulay.
"At sumunod ang Kaharian ng Esmeralda." sa isang kumpas nya ay lumabas ang Palasyo ng Esmeralda. Tumingin ang Reyna sakin saka nya ako binigyan ng makahulugang tingin na para bang sinusuri nya ako. "Ano sayong palagay ang simbulo ng iyong Kaharian?" tanong nya.
Saking palagay nais ng Reynang subukan ang aking kakayahan. Kaya sa pagkakataon ngayon, kaylangan ko syang mabigyan ng tamang kasagutan.
Pinagmasdan ko mabuti ang Palasyo ng Esmeralda. Katulad ng una kong pagsulyap dito noon ng ipakita sakin ni Diwani. Gawa sa bato ang Palasyo at kumikinang ang ganda nito kapag nasisinagan ng araw at buwan.
"Bato..." walang pag-aalinlangan kong sagot sa kanya. "Ang simbulo ng Kaharian ng Esmeralda ay bato."
Nakita ko ang kagalakan sa mukha ng Reyna dahilan na mapangiti kame sa isat-isa. Sunod nyang pinakita sakin ang imahe ng isang kulay berdeng bato na hugis bilog.
"Esmeralda... o Emerald ang ibig sabihin ay berdeng bato na simbolo ng inyong Kaharian." malalim at makahulugan nyang paliwanag. "Sa apat na kAharian, ang Esmeralda ang pinaka-angat, pinaka-natatangi at pinaka-maunlad. Sa kanila nila nagmumula ang mga pangunahing produkto, tulad ng mga tela, sinulid, at mga kagamitan antik."
"Yun na po ba ang kahalagahan ng Kaharian ng Ermeralda, Reyna Nasha?" tanong ko sa kanya.
Nababatid kong angat nga ang Kaharian ng Esmeralda sa apat na Kaharian. Subalit hindi ko maunawaan ang nais nyang iparating tungkol sa mga sinasabi nya. Hindi ko alam kung anong yaman ang meron at iniingatan ang Kaharian namin.
Seryoso syang tumingin sa imahe ng Palasyo at tahimik na nagkubli. Di nagtagal ay muli syang nagsalita at tahimik akong nakinig.
"Hindi dapat sakin magmula ang kaalaman na eto, subalit ikaw ang nagtanong kamahalan. At wala akong sapat na dahilan para manahimik na lamang." at tumingin sya saking mga mata. "Isang minahan... minahan ng mga brilyante ang pag-aari ng iyong kAharian, kamahalan. At bilang nag-iisang anak ng mahal na Haring Ares, ikaw ang Prinsesa ng mga Brilyante."
Sa sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko, parang matagal bago naunawaan ang kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na ganun ako ka espesyal sa mundong eto. Ang emerald ang nagpapatunay na brilyante nga ang simbulo ng kAharian ng Esmeralda.
Ganun na lang ang pag-iwas ko nang bumagsak ang luha saking mga mata. Malungkot at masaya. Halo-halong emosyon ang aking nadarama sa mga oras nato. MAsaya kasi nalaman ko kung gaano ako kahalaga sa mundo nato. Malungkot kasi nagpapatunay lang eto na walang puwang samin ni Clever ang kapalaran o hindi kame maaring magsama dahil sa magkaiba naming pagkatao.
"At bilang Prinsesa ng mga Brilyante, kamahalan. Ikaw ay nararapat lamang sa isang maharlika, dahil sumisimbulo rin ang batong Emerald sa tunay na Pag-ibig."
Gustong-gusto kong bumalik sa simula kung saan una kameng nagkakilala ni Clever. Dun pa lang pinatunayan nya na sakin ang kanyang sarili. Prinsesa man ako o hindi, hindi nya ko kahit minsan pinabyaan.
Paano ko sisimulan ang panibagong kabanata ng buhay ko, na walang Clever na mananatili saking tabi. Paano ko susuklian ang mga panahon na napapasaya nya ako. Paano ko sasabihin sa kanya...
...ang tunay kong nararamdaman?
susunod...
Note:
Pasensya na sa matagal na update, inaasahan ko ang inyong pag-unawa. Dumadami narin kayong mga silent reader, and Im so happy for it. Wag lang natin kaligtaan bomoto at magkomento. Pwde nyo rin ibahagi sakin ang laman isip nyo tungkol sa takbo ng kwento. Linawin ko lang ang lahat ng nababasa nyo, ay pawang kathang isip ko lang at walang kinalaman sa totoong buhay. Ang mga pagkakaparehas ay hindi sinasadya ng may akda. Meron din tayong MisReika page sa Facebook, pa Like na lang.
Maraming Salamat.
@MisReika
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
