Kabanata 7

613 48 0
                                        

Babalik ako.

Kasabay ng katotohanan na nalaman ko ang pag-asang meron pa akong magiging pamilya. Masakit kasi ang malaman na hindi sila ang totoo kong mga magulang. Pero kahit ganun meron sa puso kong hindi magsisi dahil kahit wala na sila, mananatili silang pamilya ko at mamahalin habang ako'y nabubuhay.

Sinundo ako kanina ni Rawan at sabay parin kameng pumasok. Ano man ang nangyari kailangan ko paring magpatuloy sa buhay. Hindi sapat na maging malungkot palagi, kung nandito sila Nanay matutuwa sila dahil hindi ako sumusuko agad.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Rawan sakin. Pauwi na kasi kame kaya hindi ako sasabay sa kanya.

"Oo naman. Wag ka na mag-alala sakin, dadaan lang ako dun tapos uuwi rin ako." Sagot ko sa kanya.

Maayos na ang pakiramdam ko kahit papano, nakakatulong sakin ang hindi pag-iwan sakin ni Rawan at Reema. Nakakatuwa dahil naging tunay silang kaibigan sakin, sa saya at lungkot ay nanjan sila.

Kaya naging matatag rin ako sa pagsubok nato, lalo na nung nalaman ko ang totoong pagkatao ko kahit hindi pa man ako tunay na sigurado. Ang iniisip ko lang ngayon ay kung saan at pano ako magsisimula.

"Mag-iingat ka. Dadaan ako sa bahay nyo mamaya para masiguro kong nakauwi ka." Nakangiting sabi ni Rawan. Ngumiti rin ako sa kanya saka sya inakbayan.

"Okay pare koy, ingat ka rin sa pag-uwi. Kita tayo mamaya." Saka ako bumitaw sa kanya. Sumakay na sya ng bike saka kumaway sakin paalis.

Salamat sa lahat ng tulong Rawan. Kailanman hindi ko makakalimutan na nagkaron ako ng kaibigan na tulad mo. Ano man ang haharapin ko sa mga susunod kong kapalaran, asahan mong babalik at babalik ako para sayo.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa bahAy ni Aling Marikit. Pagkatapos kasi ng nangyari sakin hindi na ako gaanong nakapunta sa kanya. Ngunit alam kong naiintindihan nya ako. Kaya ngayon gusto ko sanang makarinig ng mga kwento nya kaya pumunta ako.

Malapit lang naman sa skwelahan ang bahay nya kaya pwde ko narin lakarin ang pauwi sa amin. Pagtapat ko sa bahay ni Aling Marikit ay nakasarado ang gate nila. Kahit ganun binuksan ko parin yun saka pumasok sa loob.

Sabi kasi sakin ni Aling Marikit maaari akong pumunta dito kahit kelan ko gusto. At kung sarado man ang gate ay buksan ko na lang at tumuloy. Kaya dumiretso ako sa hardin kaso wala sya dun.

Siguro nasa loob sya ng bahay kaso nahihiya naman akong pumasok dun. Umupo na lang ako dun sa lagi kong inuupuan, dun ko napansin ang Bulaklak ng Luha. Napakaganda tlaga nya kaso hindi ko pwdeng basta na lang pitasin, dahil bihira lang daw umusbong ang ganitong bulaklak.

Bigla na lang akong napatayo ng maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa balikat ko. Napahawak akong bigla sa dibdib ko dahil sa kabang naramdaman ko.

"Pasensya na kung nagulat kita, hija." Nakangiting bati ni Aling Marikit. "Kanina ka pa ba rito?"

"Kararating ko lang po." Sagot ko. "Nahihiya naman po akong pumasok sa loob, kaya dito na lang po ako sana maghihintay."

"Pumasok tayo sa loob, meron akong ipapakita sayo." Sabi nya saka ako tinalikuran.

Kahit nawiwirduhan ako sa kinilos ni Aling Marikit ay sumunod parin ako sa kanya. Pagdating namin sa loob kusina agad ang bumungad sakin. Pagkatapos ang malinis nyang sala saka kame umakyat sa pangalawang palapag ng bahay.

Masasabi kong maganda ang mga kagamitan dito, mukhang mamahaling mga antique. Meron din mga larawan na dadalhin ka tlaaga sa mundo ng fairytale. Mga bahay, bundok, lawa at makukulay na bulaklak. Pero isang larawan ang nagpahinto sakin sa paglalakad. Nakasabit eto malapit sa orasan na nasa dingding.

Pamilyar ssakin ang larawan na yan.. Tama yan yung Palasyo na nakita ko sa panaginip ko. Ang sabi ng duwende ay Palasyo daw yun kung san dapat ako nakatira. Mahirap man paniwalaan pero may nagtutulak sakin na maniwala.

"Anong problema?" Nakalimutan kong kasama ko pala si Aling Marikit.

"Pamilyar po kasi sakin yung larawan." Tinuro ko sa kanya yung larawan ng Palasyo. "Nakita ko po yan sa panaginip ko."

"Kung ganun sumunod ka sakin, para maintindihan mo ang lahat." Seryoso nyang sabi saka ako muling tinalikuran.

Ganun na nga ang ginawa ko kundi sumunod sa kNya. Pumasok kame sa isang kwarto mula sa dulo sa pasilyo.

Mas lalo pa akong namangha ng bumungad sakin ang nàpakaraming libro. Hindi ko akalain na meron pa lang sariling library si Aling Marikit. Malinis din ang kwarto halatang inaalagaan talaga ng husto.

"Maaari mong kunin ang yung magustuhan." Napalingon ako kay Aling Marikit ng mGsalita syang muli. "Subalit wala ka naring panahon, dahil kailangan mo na agad umalis."

Kunot noo ko syang hinarap. "Ang daya nyo naman po, bibigyan nyo ako ng libro pero papaalisin nyo rin agad ako?" Nakanguso kong sabi.

Bakit nya pa pinakita sakin to kung hindi rin pala akong pwdeng humiram para may mabasa naman ako. Minsan tlagA hindi ko maintindihan si Aling Marikit. Siguro dahil narin tumatanda na sya kaya pati ako napapagtripan nya.

"Esmeralda hindi mo na kailangan magtagal, hinihintay ka na nya."

Esmeralda? Hindi naman ako nanaginip pero tinawag nya akong Esmeralda? Ang pangalan na tinatawag sakin ng duwende sa panaginip ko. Ibig sabihin nanaginip nga lang ako, kaya maingat kong sinampal yung mukha ko kaso nasaktan ako eh.

"Ano bang ginagawa mo?" Lumapit ako kay Aling Marikit. Kinuha ko yung kamay nya saka ginamit yun para sampalin muli ang sarili ko.

"Baka po kasi nanaginip ako, kaya pakisampal po ako para magising ako--"

Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang hinila nya ako papasok sa susunod pang kwarto. Ganun na lang ang gulat ko nang bumungad samin ang gubat. Meron isang tulay na gawa sa kahoy at mga halaman sa gilid.

Sa sobrang mangha ko wala na akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Basta lakbayin mo lang ang tulay na yan... Sa dulo nyang naghihintay na sya sayo..." Sa sobrang seryoso nya mukhang hindi tlaga ako nanaginip.

"Aling Marikit wala po akong maintindihan sa sinasabi nyo." Pero may kaba sa dibdib ko na hindi mawlaa. "Bakit po may ganitong lugar sa loob ng bahay nyo at sino po ang naghihintay sakin?"

Hinawakan ny ako sa balikat saka hinarap sa kanya.

"Makinig kang mabuti.. Kung gusto mo talagang malaman kung sino ka at ano ang iyong pagkatao.. Sundin mo lang ako at magtiwala ka.. Dahil ikaw mismo ang magdadala sa lugar kung san kA talaga nararapat."

"Natatakot po ako."

"Wag kang matakot... Special ka Esmeralda at nasa mga kamay mo ang kasagutan basta magtiwala ka lang sa sarili mo."

"Makakabalik pa po ba ako dito?" Hindi ako natatakot sa pagpasok sa lugar na yun, ang ikinakatakot ko kung makakabalik pa ba ako dahil siguradong mag-alala si Rawan sakin.

"Makakabalik ka.. kapag pinili mong mabuhay sa mundong iyong nanaisin... kaya sana ano man ang maging desisyon mo kailangan mong pagkatiwalaan.. Mag-iingat ka..."

Di ko napigilan ang mga luhang bumagsak galing sa aking mga mata. Kung pipiliin kong pagkatiwalaan ang sarili ko, alam kong makakabalik pa ako. Pero gusto ko rin malaman ang lahat kung sino ako at anong kahulugan ng mga panaginip ko.

Habang naglalakad ako sa tulay panay ang punas ng luha ko sa mukha ko. Iiwan ko ang mundong eto, iiwan ko ang mga taong nakasama ko. At higit sa lahat iiwan ko si Rawan. Masakit man pero nangangako akong babalik ako kahit ano man ang mangyari.

Babalik ako Rawan.
Babalik ako para sayo.

TBC...

"Parang awa nyo na magvote kayo.hehe

VOTE&COMMENT&SHARE.
THANK YOU.

@MisReika

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon