Dyosa ng Esmeralda.
Nasilaw ako sa sinag ng araw mula sa bintana pagmulat nang aking mata. Maingat akong bumangon at ginala ko ang aking paningin sa paligid, hindi naman ako makapaniwala sa silid na nakikita ko ngayon.
Halos kulay ginto ang buong silid, kulay ube ang mga kurtina. Maging ang ibang upuan at salamin ay ganun rin ang kulay. Pinagsamang puti, ginto at ube ang aking higaan, pati ang nakapalibot sa mga ilaw ng kisame.
Isang bilog na karpet ang nasa ilalim ng aking higaan, napapalibutan ng mamahaling kagamitan ang silid na eto. Tunay ngang nakauwi na ako sa aking kaharian, nakauwi na ako sa aking tunay na pamilya at yun ang Kaharian ng Esmeralda.
"Magandang umaga, kamahalan." sinalubong ko ng ngiti ang pagpasok ni Diwani sa aking silid. "Gusto ko lang malaman kung natutulog ka pa kaya pumasok na ako, kamahalan."
"Ayus lang, Diwani. Maari kang pumasok saking silid ano mang oras." bumangon ako at binuksan ang kurtinang malapit sakin.
Kay ganda pagmasdan ang bagong umaga sa aking kaharian. Ang bughaw na langit, berdeng mga puno at ang humuhuning mga ibon na nagliliparan sa himpapawid.
"Kumusta ang tulog mo, kamahalan? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" umupo sa Diwani sa aking higaan at pinagkrus nya ang kanyang dalawang braso.
"Maayos na ako, hindi narin masakit ang aking likod." lumapit ako sa malaking salamin, binaba ko ng kaunti ang aking puting kamiseta, dun bumungad sakin ang malaking marka saking balikat na hindi ko maunawaan ang kahulugan.
"Napagod ka marahil at napahaba ang iyong pagtulog." minamasdan ko ang bawat sulok ng aking silid. hindi parin ako makapaniwala saking nakikita. "Mukhang lubos mong nagustuhan ang iyong silid, kamahalan." ngumiti ako sa kanya.
"Sobrang ganda neto, Diwani. Lahat ng nasa loob ng aking silid ay sobra kong gustong-gusto." umupo ako sa puting silya sa harap ng salamin.
"Ikaw ang Prinsesa ng apat na kAharian, nararapat lang sa iyo ang ganitong uri ng pamumuhay, kamahalan." tumango lang ako sa kanyang sinabi. "Hinihintay ka na ng iyong Ama para sa agahan, maiwan na kita kamahalan."
"Susunod na ako, Diwani."
Tumayo narin ako ng lumabas si Diwani, lumapit ako sa malaking kulay puting aparador. Binuksan ko ang unang bahagi at tumambad sakin ang mga nagagandahang mga kasuotan. Sunod-sunod ko pang binuksan ang pangalawa, pangatlo at huling pang-apat.
Sa pangalawang bahagi ay mga makukulay at iba-ibang klaseng gora (sombrero). Ang pangatlo ay mga sapatos ibat-ibang disenyo at meron ding mga bota. Ang huling bahagi ay mga gintong alahas, korona, mga laso at mga perlas na talaga namang masasabi kong hindi basta-basta.
Ganito pala talaga ang pamumuhay sa mga mahaharlikang nilalang na katulad ko. Naalala ko nung nagkasakit si Nanay, kinaylangan ko pang magbenta ng gamit para lang may pambayad sa ospital.
Kung sana nabubuhay sila Nanay at Tatay, mabibigyan ko na sana sila ng magandang pamumuhay na katulad ng ganito. Masakit isipin na nawala muna sila bago ko marating ang lugar na nakatadhana para sa akin.
Iniwasan kong maging emosyonal, alam kong natutuwa naman sila sa kinalalagyan ko ngayon. Naligo, nagbihis at nag-ayos na ako, ayokong paghintayin si Amang Ares sa unang agahan naming magkasama.
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasíaSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
