Pag-asa.
Pinasok ako ng mga kawal sa silid na gawa sa pilak. Ang pakiramdam ko sa mga oras nato ay hindi ko na kayang ikubli pa. Labis ang aking kalungkutan at takot sa pwdeng kalabasan ng aking parusa.
Ang galit sa mga mata ng mahal na Hari at tuwa sa mga mata ng Prinsesa at ng pekeng Diwani ang palaging nagpapa-alala sakin. Hindi ko lubos maisip na magagawa nilang ibintang sakin ang kasalanang hindi ko naman ginawa.
Nakaupo lang at yakap ang aking tuhod habang tahimik na nagdarasal. Nasasaktan ako dahil mamamatay ako sa mundo na eto na hindi man lang ako nakilala ni Ama. Na hindi ko man lang naipaglaban ang karapatan at pagkatao ko sa aking Kaharian at mga nasasakupan. Halos hindi ko na magawang umiyak pa, wala rin naman kasing magagawa ang aking pagiyak.
Marahil sa ngayon hinahanap na ako ni Diwani at kung malaman nya man ang nangyari sakin, makagawa na sya ng paraan dahil hindi parin ako mawawalan ng pag-asa. Pag-asa na maililigtas nya ako sa kamatayan, pag-asa na malaman ni ama ang katotohanan sa aking pagkatao.
"Nababagay pala sa isang tulad mo ang ipasok sa ganitong silid."
Ang galit sa boses ng Prinsesa ang nagpamulat sakin. Kasama nya ang pekeng Diwani na pumasok sa silid. Agad akong tumayo sa harap nila at yumuko bilang pag-galang.
Marahil alam na nilang dalawa kung sino talaga ako. Hindi na ako magtataka sa kaalaman na yun, dahil alam kong kasinungalingan lang nila ang bagay na ibinintang sa akin upang maparusahan ako.
"Ang lakas naman ng loob mong pasukin ang Kaharian... na walang kasiguraduhan sa iyong pupuntahan." Kalmadong sabi ng pekeng Diwani.
"Akala mo siguro hindi namin malalaman kung sino ka.." Nakangising dagdag ng Prinsesa. "Tunay ngang matalino si Diwani para makagawa ng paraan at makapasok kayo ng walang nakaka-alam sa pagkataong meron kayo."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang mga sinasabi. Inaaasahan ko na ang paghaharap namin nato, subalit bakit hindi ako makaramdam ng galit sa kanila.
Gusto ko ring pagsalitaan sila ngunit wala akong lakas ng loob para gawin yun dahilan para magalit sila. Ano man ang maging kalabasan nito ay malugod kong tatanggapin.
"Wala ka bang nais sabihin....
...Prinsesa Esmeralda.?" Nakangising sabi ng Prinsesa sakin. Humarap ako sa kanilang dalawa ng maayos. Nais kong unawain ang mga sitwasyon.
Di ko inaasahan na ganun nila kabilis malalaman ang totoo, kaya pala nakagawa narin sila ng paraan para hindi ako makasagabal sa tunay nilang hangarin.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang nakapagsalita. "Patawad kamahalan... subalit hindi ko po maunawaan ang inyong sinasabi."
Naramdaman ko na lang sa mukha ko ang malakas na sampal ng Prinsesa. Hindi pa sya nakontento at tinulak ako dahilan ng pagkasadlak ko sa sahig. Pero hindi ko parin nagawang umiyak, nais kong patunayan sa kanila ang aking pinaglalaban.
"Sadara tumigil ka na." Narinig kong banggit ng pekeng diwani sa nagagalit na Prinsesa. "Ano man ang kanyang sabihin ay wala na ring saysay dahil... bukas narin ang kanyang kamatayan."
"At sisiguraduhin kong hindi ka makakaligtas." Sigaw sakin ng Prinsesa at dali-dali syang lumabas ng silid kasunod ang pekeng diwani.
Nakahinga na ako ng maluwag nang tuluyan na silang makaalis. Agad naman sinara ng kawal ang aking silid. Naramdaman ko na lang ang lasa ng dugo sa aking labi, marahil nasugatan ako sa nagawang sampal ng mahal na Prinsesa na tinawag nya sa pangalang Sadara.
Pinahid ko yun gamit ang aking kamay, pagkatapos tumayo ako para makadungaw sa maliit na bintana sa silid nato.
"Tuluyan na ba akong hindi makakabalik sa aking mundo? Makakasama ko na ba sila Nanay at Tatay? Maging si Inang Reyna?"
Hanggang sa dumilim sa labas ay nanatili parin akong nakadungaw roon. Bumukas ang mga ilaw sa paligid ng Palasyo kasabay ang isang panibagong gabi.
Natauhan lang ako ng pumasok ang kawal sa aking silid at dinalhan nila ako ng pagkain. "Maraming salamat." Pahabol ko sa kanila.
"Walang anuman.. huling kain mo narin naman yan binibini." Saka sila umalis na nagtatawanan.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimulang kumain. Kung tunay ngang huling kain ko na to dapat lang siguro na ubusin ko ang lahat. Hindi ko kailangan magsayang ng pagkain.
Mayrong isang buong inihaw ng manok, isang inihaw ng isda, isang platong kanin at ibat-ibang klase ng prutas. Meron ding gulay at isang baso ng inumin. Nagdasal muna ako bago kumain.
"Lagi mong tatandaan na espesyal ka, Esmeralda. Lagi.
"Walang dahilan para hindi ka makilala ng iyong Amang Ares."
"Magpatuloy ka anak, magpatuloy ka."
Nagising ako sa kalagitnaan ng isang panaginip. Alam kong pinalalakas ang loob ko ni Inang Reyna, alam kong hindi nya ako papabayaan.
Napabalikwas ako ng bangon ng bumukas ang aking silid at pumasok ang taong gustong-gusto kong makita. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko sa mga oras nato dahil sa pagdating nya.
Agad akong tumakbo palapit sa kanya at tuluyan syang hinagkan. Dun narin nagsimulang bumagsak ang mga luhang hindi ko na kaya pang pigilan. Ang sakit na kanina ko pa naramdaman ay tuluyan ng sumabog.
Ang ulan bumabagsak dahil hindi na kayang dalhin ng ulap ang bigat. Ang luha ko ay bumagsak dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang sakit.
"Binibini..."
Mas lalo pa akong umiyak ng marinig ko ang kanyang tinig, naramdaman ko rin ang mga bisig nyang nakayakap sa aking likuran. Para ako batang umiiyak na naagawan ng laruan at nagsusumbong sa kanya.
Si Rawan ang bestfriend ko, palagi syang nandyan para sakin. Lagi nya akong pinagtatanggol kapag may umaaway sakin. Palagi nya akong binabantayan at pinoptotektahan. Kaya kahit wala sya sa mga oras nato, nagpapasalamat parin ako dahil merong isang Ginoo na masasandalan ko sa kalungkutan.
"Tumahan ka na, binibini." Malambing nyang tinig habang hinahaplos ang aking buhok. Tuluyan ngang sumabog ang aking emosyon.
Ihinarap nya ko sa kanya, hinawakan nya ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha. Nakangiti sya sakin na para bang sinasabi nya na ligtas na ako dahil nandyan na sya.
"Paumanhin sa aking pag-iyak, Ginoo." Nakayu kong sabi sa kanya.
Masaya na akong mamatay dahil sa wakas nakita ko narin ang Ginoo. Para narin akong nakapagpaalam kay Rawan, hindi narin siguro sya magtatampo pa sa akin. Sana makita ko narin si Diwani para makapagpasalamat narin ako sa kanya.
"Anong kailangan kong gawin para mailigtas ka... Binibini?" Ramdam ko ang sensiridan sa kanyang sinasabi. "Sabihin mo ang nais mo aking...-
Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin na tuluyan ko syang hinagkan sa kanyang pisngi. Alam kong kabastusan ang aking ginawa pero pasasalamat ko yun para sa kanya.
Tunay ngang makapangyarihan ang huling halik, niyakap ko sya mahigpit para sa huli naming pagkikita.
"Wala kang kailangan gawin... aking Ginoo."
"Sapat na saking nasa tabi kita. Sapat na."
Ang buhay nang isang tao ay dapat na ingatan at pahalagahan, dahil isang beses lang tayo mabibigyan ng pagkakataon mabuhay. At kung eto man ang huling buhay para sakin, tatanggpin ko nang buong puso. Dahil alam ko sa sarili kong pinalalakas ako ng pagiging mabuti kong tao.
Mawawala man ako pero ang mga mabuti kong nagawa ay magpapatuloy. Magiging aral at kapaki-pakinabang dahil nakagawa ako ng desisyon na hindi ko pagsisihan. Maging mabuting tao at tumanggap ng pagkatalo. At magpatuloy sa panibagong buhay na ibibigay sakin ng Diyos at ni Bathala.
Susunod...
"Bomoto at magkomento.
Maraming Salamat.😊
@MisReika
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
