Kabanata 12

554 22 0
                                    

Ginoong Clever.

Ngayon ko lang nasaksihan ang kakaibang padiriwang mula sa palasyo. Kung dati sa telebisyon ko lang eto napapanuod, ngayon ay nasaksihan ko eto mismo.

Makukulay na mga ilaw, mga tawanan at usapan ng mga panauhin. At ang mga nag-gagandahan nilang kasuotan lalo na ang mga babae.

Kasabay ng musika ang pagsasayaw ng mga kababaihan kasama ang kanilang kapareho. Dumating din ang Hari at Reyna mula sa Kaharian ng Silla sa Kanluran. Kasama nito ang kanilang anak na si Prinsipe Angelito. Maging ang mga namumuno sa ibang kaharian ay dumating rin para sa pagdiriwang, ang Kaharian sa Timog at Hilaga. Si Tiya ang nagsabi sakin tungkol sa mga panauhin ng Palasyo.

Nandito ako ngayon malapit sa kina-uupuan ng mahal na Prinsesa. Labis ang kanyang kaligayahan sa kanyang mga nakikita. Malapit rin sa kanya ang trono na kinauupuan ng mahal na Hari.

Napansin ko ang pagsulyap sa kanya ng Prinsipe ng Silla maging ang ibang Prinsipe sa ibang Kaharian. Tunay ngang napakaganda ng Prinsesa sa kasuotan nyang kulay asul. Mahaba eto at paekis ang disenyo mula sa pangitaas. Nakatali rin ang kanyang buhok at lalo pa syang gumanda dahil sa munting gintong koronang suot nya.

Tumayo ang mahal na Hari kaya sumunod din tumayo ang mahal na Prinsesa. Kasabay nun ang pagtigil ng musika at pagharap sa kanila ng mga panauhin.

"Ikinagagalak ko ang inyong pagdalo.." Makapangyarihang pagbati ng mahal na Hari. "Matagal narin ang lumipas simula ng magkaroon ng ganitong pagdiriwang sa aking Palasyo. Dahil sa pagkawala ng aking anak at pagkamatay ng mahal kong Reyna.."

Labis ang lungkot sa mata ng Hari subalit napalitan rin eto ng saya ng sumulyap sya sa mahal na Prinsesang nasa tabi nya. Kapwa seryosong nakikinig ang mga panauhin, maging ang mga maharlikang angkan.

"Kaya nais kong ipakilala sa inyo.." Lumapit sa kanya ang mahal na Prinsesa at ngumiti sa mga panauhin. "Natagpuan ko na ang nag-iisa kong anak na si Prinsesa Esmeralda. Labis ang kaligayahang aking nadarama, kaya nais kong ibahagi yun mula sa inyo. Ngayong gabi ay pagdiriwang mula sa pasasalamat, nawa'y maging masaya tayong lahat.."

Kasabay nun ang palakpakan ng lahat, niyakap naman ng mahal na Hari ang Prinsesa. Pagkatapos sinimulan na nila ang pagsasaya kasabay nang napakagandang musika. Lumapit naman ang mga maharlikang panauhin sa Hari at Prinsesa.

Maligayang pinakilala ng mahal na Hari ang kanyang anak sa mga eto. Labis rin ang saya ng Prinsesa na makilala ang mga Prinsipe ng ibat-ibang kaharian.

Ang totoo masaya akong nakikitang masaya ang mahal na Hari, kaya walang dahilan para malungkot ako.

Si Diwani at ako lang naman kasi ang nakaka-alam sa tunay kong pagkatao eh. Kaya dapat lang siguro na maging masaya narin ako para sa kanila, kahit meron sa puso kong naghahangad na mayakap ang ama kong Hari. Hindi ko kailanman hinangad ang kapanguarihan bilang isang Prinsesa, ang tanging hangad ko lang ay makilala kung sino tlaaga ako. At makilala ang pamilyang gustong gusto kong makasama.

Naalala ko na naman si Nanay at Tatay, hindi naayon sa pagdiriwang na malungkot ako. Wala rin naman akong gagawin kaya lumabas na lang ako ng Palasyo. Nagpunta ako sa labas para narin makapagpahinga, masakit narin kasi ang paa ko sa matagal kong pagtayo. Nang makita ko ang bukal malapit sa bakal na pinto ng palasyo, lumapit ako dun at umupo.

Hinimas himas ko pa ang paa ko para kahit papano mawala ang sakit nun. Pagkatapos dumungaw ako mula sa bukal nakita ko ang sarili ko sa repleksyon sa tubig nito.

Ganun na lang ang gulat ko nang may lalaki ring dumungaw dun, kaya agad akong napaharap sa kanya. Dahil ang totoo pamilyar sya sakin... kamukha nya si Rawan. Hindi nya kamukha... kundi kamukhang kamukha.

"Nagulat ba kita, binibini?" Magalang nyang sabi sakin. "Paumanhin, nais ko lang sanang magtanong.."

Kung ganun hindi sya si Rawan, dahil hindi nya ako nakilala katulad ni Reema na kamukha ng Prinsesa. Pero bakit kamukha nila ang mga kaibigan ko? Imposible naman kasing nandito rin sila tapos hindi nila ako kilala.

"Binibini?"

"Ahh.. hindi naman. Ano bang maipaglilingkod ko sayo?" Sabi ko na lang saka tumayo ng maayos sa harap nya. Mukhang kailangan ko narin talagng masanay sa purong tagalog sa mundong eto.

Katulad ng mga kalalakihan ang kanyang kasuotan, subalit nasisiguro kong hindi sya maharlika o isa man sa mga panauhin. Kulay pula ang pangtaas at itim ang pambaba, kulay tsokolate rin ang kanyang bota. Maputi sya at matangos ang ilong, gwapo sya at makisig tignan.

"Nais ko lang malaman kung anong oras ba matatapos ang pagdiriwang?"

"Patawad, pero hindi ko rin alam." Nakayuko kong sagot. Ngumiti naman sya sakin saka napakamot sa batok.

"Naku binibini hindi ako maharlika kaya wag kang yumuko sakin.." Nahihiya nyang sabi kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

Sa oras na yun nakahanap ako ng kausap sa istrangherong nakilala ko. Isa daw syang kutsero ng maharlikang pamilya mula sa kàharian ng Silla. Kung ganun ang Prinsipe Angelito ang kanyang pinagsisilbihan.

Magaan ang loob ko sa kanya dahil nakikita ko si Rawan na kaibigan ko. Parehas silang mabait di tulad ng Prinsesa na kamukha ni Reema pero ang ugali malayong-malayo.

"Malayo na ba rito ang inyong kaharian?" Tanong ko sa kanya habang parehas kameng nakaupo sa gilid ng bukal. Pinagmamasdan namin ang mga bituing nang-nining sa langit.

"Hindi gaano, kung mabagal ang takbo ng karwahe mahigit isang oras. Kung tama lang sa bilis nasa kalahating oras naman." Sagot nya.

Marami syang ikinuwento sakin, ang mga ginagawa nya. Tulad ng pangangaso sa gubat kasama ang Prinsipe Angelito. Pag-eensayo sa pag-gamit ng espada, pagbabasa at marami pang iba. Kasa-kasama sya ng Prinsipe sa lahat ng yun kaya labis syang masaya sa kanyang natutunan.

"Ang galing naman, buti ka pa. Sana minsan makasakay rin ako sa kabayo, hindi pa kasi ako nakakasakay dun.."

"Ganun ba? Hayaan mo minsan kapag nag-aya ang Prinsipe makipagkita sa Prinsesa, tuturuan kita.."

Sympre gusto ko, subalit ayokong umasa dahil sa ugali pa lang ng Prinsesa alam kong hindi nya ako kayang pakisamahan. Galit sya sa mga tulad naming simpleng mamamayan. Kaya hindi kame magkkasundo kahit gustuhin ko man.

"Joury... Joury.."

Napatayo agad ako sa humahangos na si Tiya palapit sakin.

"Joury kanina ka pa hinahanap ng mahal na Prinsesa, halika na.." Inis na sabi ni Tiya, maaaring napagalitan sya dahil sakin.

"Paumanhin po, Tiya.." Hindi na sya nagsalita pa saka ako hinila sa kamay. Sumunod narin ako sa kanya kesa parehas pa kMemg mapagalitan.

Subalit kabastusan naman kung basta ko na lang syang tatalikuran. "Tiya sandali lang po, magpapaalam lang ako sa kanya susunod po ako agad." Tumango si Tiya at nag-pauna na syang pumasok, bumalik naman ako para magpaalam sa kanya.

"Paumanhin, Ginoo. Pero kailangan ko nang pumasok, maraming salamat sa inyong oras.." Nakangiti kong sabi.

"Walang anuman, Binibining..?"

"Joury."

Nilahad nya sakin ang kanyang kamay. "Kinagagalak kitang makilala, Binibining Joury.. Ako nga pala si Ginoong Clever.."

Tinanggap ko ang kanyang kamay. "Kinagagalak din kitang makilala, Ginoong Clever.."

Nakangiti akong kumaway sa kanya bago ako makapasok sa palasyo. Ganun na lang ang saya ko dahil nakilala ko ang aking bagong kaibigan. Wala man ngayon dito si Rawan, nakikita ko naman sya sa katauhan ni Ginoong Clever.

At sana magkaron pa kame ng pagkakataon para lubusang magkakilala. Para naman maturuan nya ako sumakay sa kabayo, gumamit ng espada at nang kung ano-ano pa. Hihintayin ko ang araw na yun, Ginoong Clever..

Tobecontinued...

-Hahha Kaharian ng Silla nakakatawa, kinain ako ng sistema ng Hwarang. Grabe din ang pagkagusto ko kay Ji Dwi at Soo Ho, nagkakasala ako.😂

VOTE&COMMENT&SHARE.
THANK YOU.

@MisReika

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon