Kabanata 11

553 19 3
                                    

Ngiti ng isang Ina.

Sumalubong sakin ang napakagandang bulwagan kung saan magaganap ang kasiyahan dito sa palasyo, bilang pagkilala sa nag-iisang anak nang mAhal na Hari at Reyna na si Prinsesa Esmeralda.

Makukulay na palamuti sa mga hagdan at kisame. Sa kaliwang bahagi ng pasilyo ay mahabang lamesa kung saan nakahain ang ibat-ibang masarap na pagkain at inumin. Hindi ko maiwasan humanga dahil kakaiba ang pagtitipon nato sa lugar namin.

Katatapos ko lang tulungan mag-ayos ang mahal na Prinsesa kaya sumaglit muna ako sa kusina para kumain.

"Nakaligtaan kong tawagin kang kumain.." Sabi ni Tiya na naghahain sakin ng kanin at ulam. "Mabuti naman at natakasan mo ang Prinsesa.?"

Pagkalagay nya ng pagkain saking plano ay kumain na ako. Sobrang gutom ko kaya hindi na ako nakapaghintay pa. Sa pagmamadali ko ay bigla na lang akong nasamid. Inabutan naman agad ako ng tubig ni Tiya saka ininom yun.

"Dahan-dahan lang, Joury. Hindi mo kailangan magmadali sa pagkain, kumain ka ng maayos dahil mamaya marami na tayong trabaho.." Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot at nagsimula uling kumain.

Nasan na kaya si Diwani? Malapit na magsimula ang kasiyahan ngunit hindi ko parin sya nakikita?

Pagkatapos ko sa kusina dumiretso ako sa likod bahay. Eto ang kanilang hardin na maraming bulaklak, ngayon ko lang napansin ang ganda nito sapagkat nasa Prinsesa ang atensyon ko kanina.

Pero isang puntod ang aking nakita malapit sa fountain at bukal naman ang tawag nila sa mundong to. Tumingin muna ako sa paligid baka sakaling walang makakita sakin, baka kasi bawal tong ginagawa ko at baka maparusahan.

Isang maliit na batong hugis parihaba, at may krus sa itaas nito. Nakasulat sa bato ang pangalan ng mahal na Reyna, Reyna Elizabeth.

Sa paglapit ko sa puntod bigla na lang sumakit ang aking dibdib, kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha. Ang ala-ala na ni Nanay at Tatay ang bumalik saking isipan. At kung ako nga ang tunay na Prinsesa ikinagagalak po kitang makilala... Ina kong Reyna...

Umupo ako sa tapat ng puntod ng aking Ina at nilapat ko ang aking kamay roon, alam ko na kung nasan man sya ay natutuwa sya sa aking pagbabalik. Kung sana'y nandito sya para naman maramdaman ko ulit ang pag-aalaga ng isang Ina.

Lumakas ang hangin kasabay nang pagsasayaw ng mga bulaklak. Maaaring nasa paligid lang si Ina at naririnig nya ako ngayon. Tatayo na sNa ako ng mapansin ang bulaklak na pamilyar sa akin.

Ang bulaklak ng luha? Kung hindi ako nagkakamali eto nga ang bulaklak ng luha. Nabubuhay din pala sa lugar nato ang ganitong klaseng bulaklak. Kulay ube eto at pula ng tangkay, hindi sya buhaghag, at ang perlas sa gitna nito ang lubusang kakaiba.

Kinuwento sakin ni Aling Marikit ang tungkol sa alamat ng bulaklak ng luha. Kung ganun dito talaga nagmula ang kwento at patungkol sa bulaklak.

"Maaari ko bang malaman kung bakit ka nandito..?" Makapangyarihang tanong ng mahal na Haring Ares. Napayuko agad ako sa harap nya nung lumapit sya sakin. Hindi naman galit ang pagkatanong nya kaso nahihiya rin ako sa aking nagawa.

"Patawad, kamahalan.." Sabi ko habang nakayuko sa kanya. "Hindi ko po sinasadyang makita, nabighani lang po ako sa ganda ng mga bulaklak."

Hindi ko narinig ang kanyang sagot, sa halip lumapit sya sa puntod ng mahal na Reyna. Sinundan ko lang sya ng tingin, at dun ko nakita ang lungkot sa kanyang mga mata. Siguro labis ang pagkamis nya sa mahal na Reyna. Yumuko ang mahal na Hari at pinitas ang bulaklak ng luha.

Humarap ang Hari sakin at nakangiti yang inabot ang bulaklak. "Alam mo bang bihira lang ang bulaklak na eto rito?" Mahina nyang sabi. "At maaaring hindi mo alam ang tungkol sa alamat nito.." Sa aking tingin nasa limangpong taon na ang mahal na Hari. Moreno sya at may katabaan, pero makisig parin sya tignan sa kanyang kasuotan. Matangos ang ilong at may bigote pa sya at balbas. Kulay pula ang kanyang damit sa pangtaaa at puti naman ang pambaba, kulat itim ang sapin sa kanyang paa. May kulay gintong tela din nakapatong sa kanyang damit, at sympre ang gintong korona sa kanyang ulohan.

Tinanggap ko ang bulaklak na ibinigay nya at yumuko bilang paggalang. Maaari ko kayang sabihin sa kanya na alam ko ang tungkol sa alamat ng bulaklak na yun? Hindi na siguro, hindi naman yata mahalaga.

"Hindi ko po alam ang tungkol sa alamat, pero nais ko pong sabihin na napakaganda nito lalo na yung perlas na nasa gitna.." Nakangiti kong sabi.

Napansin ko ang pagkagulat sa kanya kaya bigla akong napayuko. Meron siguro akong nasabi na hindi nya nagustuhan. Lumapit sya sakin saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Hindi kaya nakahalata na sya?

"Patawad, kamahalan. Meron po ba akong nasabi na hindi nyo nagustuhan? Paumanhin po.."

"Wala kang nasabing masama.." Rinig ko ang lungkot sa boses nya. "Meron lang akong naalala sa iyong mga ngiti, maamo at napakaganda.."

Dahil sa sinabi nyang yun, nakakasigurado na talaga ako na sila nga ang tunay kong mga magulang. Unang kita ko pa lang sa mahal na Haring Ares magaan na talaga ang loob ko sa kanya. At kahit hindi nya sabihin alam kong ang mahal na Reyna ang nakita nya sa mga ngiti ko.

Naramdaman ko rin ang magaan nyang pakikitungo sakin lalo na nung masilayan ko ang kanyang unang ngiti. Kung pwde lang yakapin ko sya ngayon ay ginawa ko na, sabihin sa kanya ang totoo. Kaso hindi ko alam kung paano ba?

"Ang iyong ngiti... Iyon ang nagustuhan ko sa kanya.." Lumapit sya puntod ng mahal na Reyna at hinawakan nya eto. "Kung sana'y nandito lang sya.. pàra makilala ka nya.."

Hindi kame nagkakalayo ng kahilingan ng mahal na Hari. Kung sana'y nandito sya para makilala nya na ako ang tunay nyang anak. Naniniwala ako sa kasabihan na walang Inang hindi makikilala ang kanyang anak. At nasisiguro kong mamahalin nila ako katulad ng pagmamahal ni Nanay at Tatay sakin.

"Gustong gusto ko rin po syang makilala... kamahalan." Lumakas ang hangin pagkatapos kong sabihin ang katagang yun. Maaaring gusto rin akong makilala at mayakap nang tunay kong Ina.

Tumayo ang mahal na Hari at humarap saking muli. "Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

Yumuko ako at ngumiti. "Ako po si Joury, kamahalan. Ako po ang dama ng mahal na Prinsesa Esmeralda."

"Kung ganun ikinagagalak kitang makilala, Joury." Nakangiti nyang sabi. "Sayo na ang bulaklak na yan, at sana alagaan mo para hindi sya mawala.."

"Maraming salamat po, kamahalan."

"Walang anuman, maiwan na kita.." Nagbigay galaang ako sa kanya bago nya ako talikuran.

Natutuwa ako dahil ramdam kong parehas kame ng mahal na Hari na kagaanan ng loob. Marahil iyun ang tinatawag nilang lukso ng dugo, at masaya ako dahil kasama ko sya. Kahit bilang taga silbi, ayus lang dahil ang importante nakikita ko ang aking amang Hari.

Lumapit muli ako sa puntod ng mahal na Reyna.

"Nagpapasalamat po ako dahil isinilang nyo akong mabuting tao." Maaaring maririnig ako ng mahal na Reyna na nakabantay sakin ngayon.

"Kung sana'y hindi ako nalayo sa inyo, maaaring nandito parin kayo ngayon... Mahal kong Ina.. Masaya po ako kasi nakabalik na ako dito sa inyo, pero sa tingin ko po marami pa akong pagdadaanan para mapatunayan ko po ang aking sarili sa mahal kong Amang Hari. Sana po mahal kong Ina tulungan nyo po ako at gabayan. Gustong gusto ko kayong makilala mahal kong Ina, sana dalawin nyo ako sa panaginip. Para naman po masilayan ko ang Ngiti ng isang Ina.. Inang Reyna."

To be continued...

VOTE&COMMENT&SHARE.
THANK YOU.

@MisReika

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon