Kabanata 30

164 4 2
                                    

Bayani.

Pinaghandaan ng palasyo ang aking paglalakbay patungo sa kaharian ng akbo. Kasama ko si Diwani at Mira, kasama rin namin ang dalawang hugbong kawal. Lilisanin namin ang palasyo bago sumikat ang haring araw.

Makakarating kame sa kaharian ng akbo bago ang paglubog ng araw. Subalit hindi kame maaaring abutan ng gabi sa aming pagbalik sa kaharian ng Esmeralda. Masyadong delikado ang gubat sa gabi, kaylangan kong makumbinsi agad si Haring Kairo.

"Kamahalan, sigurado ka ba sa iyong desisyon. Paano kung hindi natin makuha ang mga gamot na ating kaylangan?" Nauna nang maupo si Diwani sa loob ng karwahe, habang inalalayan ni Mira ang aking pagsakay.

"Hindi tayo pwedeng bumalik sa palasyo kung ganon." Umupo na ako sa kanyang tabi, sa harapan naman umupo si Mira na may dalang kahon.

Inaaasahan ko ang magandang resulta  sa pag-uusap sa pagitan namin ng pinuno ng kahariang akbo. Hindi kame babalik sa Esmeralda hangga't hindi namin dala ang mga gamot na kaylangan namin para sa epidemya.

Ang dalang kahon ni Mira ay naglalaman ng mga gintong sinulid, brilyante, laso at mga mamahaling tela galing Pa sa aming minahan. Sana ay sapat na etong handog naming regalo sa aming kaylangan.

Hinatid kame sa tarangkahan ng duke at mga menistro, nagbigay galang silang lahat ng magsimula ng tumakbo ang aming karwahe.

Pangako ko na babalik kameng may magandang resulta. Makukuha namin ang mga gamot para sa paggaling ng mga hayop. Pangako.

Patuloy lang kame saming paglalakbay, nung sumapit ang tanghalian ay huminto muna kame malapit sa batis. Pinakain at pinainom ang mga kabayo, maging ang mga kawal ay sabay-sabay ding kumain. Pinagsilbihan naman ako ni Mira para saking tanghalian.

Saming paglalakbay ang aking kasuotan ay madalas Kong gamit kapag ako ay nag-aaral ng pangangabayo at pageeskrima. Kulay puti ang pantaas at pangbaba, sa pangtaas ay may maluwang na tela na nakapatong. Kulay luntian at bughaw na may disenyong bulaklak, may puting laso rin sa gitna ng aking dibdib. Nakatali ang aking buhok at itim na bota rin ang aking suot.

Di na kame nagtagal at nagpatuloy hanggang marating na namin ang kaharian ng akbo. Mukhang di nila pinaghandaan ang aming pagdating. Sinalubong agad kame ng tatlong mga kawal, iginiya nila kame sa isang silid para makapagpahinga at bigyan ng maiinom.

Tinulungan muli ako ni Mira para sa aking pangalawang kasuotan. Isang kulay asul eto na maraming palamuti at kumikinang na panloob. Nakataas ang ating buhok at nilagyan rin ng asul na bulaklak sa ibabang bahagi ng aking buhok.

Pagkatapos sinundo ako ng dalawang dama ng palasyo, at hinatid sa silid kung saan naroon naghihintay si Prinsipe Adel. Nakaupo sya sa isang maliit na trono at nakangising sinalubong ako ng tingin.

Lumapit ako sa kanya at yumuko bilang paggalang sa pagharap ko sa prinsipe ng kaharian nila.

"Kumusta ang paglalakbay, Prinsesa Esmeralda? Maligayang pagdating sa aming munting kaharian, anong aking mapaglilingkod?" Yun na ang hudyat para ako'y muling humarap sa kanya. Ramdam ko ang sarkastiko sa kanyang pananalita, tunay ngang hambog na Prinsipe ang aking kaharap.

"Maaari ko bang makausap ang Hari at Reyna, Prinsipe Adel?" Kaylangan ko parin manatiliin ang aking pagiging kalmado.

"Saking palagay hindi ka nila mahaharap ngayon, masyadong abala ang aking Ama at Ina. Ayaw nilang tumanggap ng panauhin, kaya ako ang kanilang pinaharap sayo." Ang husay din nyang gumawa ng kwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon