Epidemya.
Hindi ako gaanong nakatulog dahil sa pagbugso ng malakas na ulan kagabi, sinamahan pa ng ingay ng kulog at kidlat. Dumiretso agad ako sa bintana at hinawi ang kurtina nito. Tunay ngang hindi maganda ang panahon, at saking palagay ay magtatagal eto.
Nalalapit pa naman ang pista ng mga bulaklak, hindi nakaka-ayang ipagdiriwang yun sa masamang panahon. Sana marinig ni bathala ang aking panalangin, na sana humupa na ang pag-ulan sa kaharian.
"Kamahalan." Tinig yun ni Mira mula sa labas, sinusundo nya na ako para sa agahan.
"Susunod na ako, Mira."
"Sige po, kamahalan."
Agad akong nagmadali maghilamos ang magbihis, malamang naghihintay na sakin si Ama sa agahan. Sinuot ko ang kulay rosas na kasuotan, na may malaking laso sa likod na bahagi ng aking bewang. Kulay rosas rin na sapatos at mga palamuti saking katawan. Sinuklay ko ang aking buhok, at sinabit dun ang kulay rosas na bulaklak.
Hindi ko na kailangan maglagay ng kolorete saking mukha, dahil natural naman ang aking kagandahan.
Masigla akong binati ng mga taga silbi sa palasyo, nakasunod naman sa likod ko ang dalawa kong dama. Si Mira ang nag-aasikaso ng aking mga kaylangan, ang tanging ginawa lang nilang dalawa ay sumunod kahit nasan ako.
"Magandang umaga, kamahalan." Yumuko at nagbigay galang sa pagbati sakin si Diwani.
"Magandang umaga rin." Pinaghila nila ako ng upuan at maingat akong naupo katapat ni Diwani. "Tapos na ba si Ama sa kanyang almusal, Diwani?"
"Kasama ng mahal na Hari mag-agahan ang mga opisyal, kamahalan. Kasalukuyan silang nagpupulong para sa kinababahalang pagkakasakit ng mga hayop."
"Anong sakit?"
Pinaliwanag sakin ni Diwani ang kasalukuyang problema ng palasyo. Simula daw nang bumuhos ang ulan ay nagkasakit ang ibang mga hayop. Kaylangan ang agarang solusyon para hindi na kumalat ang sakit at makahawa pa sa ibang mga hayop sa palasyo ng Esmeralda.
Hindi ko na natapos ang aking pagkain ang tumungo sa silid kung saan nag-uusap si Ama at mga opisyal nang palasyo. Subalit katatapos lang nila nang ako Ay dumating, tanging si Ama na lang ang aking naabutan.
"Magandang umaga, ama kong Hari." Nakatanaw lang si Ama sa bintana, lumapit ako sa kanya at ngumiti sya sa Akin. "Kumain na po ba kayo?"
"Tapos na, Esmeralda."
Labis ang lungkot sa boses ni Ama, marahil masyadong malaking pinsala ang pagdating ng epidemya sa kaharian. Akala ko isa lang etong karaniwang pag-ulan, subalit naghatid eto ng higit pa roon.
Napansin ko ang hindi magandang lagay ni Ama, namumutla sya at panay lang kanyang malalim na paghinga. Di na tumutol si Ama nang ipahatid ko sya sa kanyang silid.
"Magpahinga ka lang po, ama. Ako na pong bahala kumausap sa mga opisyal, dumating narin po si Prinsipe Angelito para sa sunod na pagpupulong." Ngumiti lang sya sakin.
"Inaasahan kong magiging maayos ang pag-uusap ninyo, Esmeralda. Basta kung mayroon kayong kaylangan, ipatawag nyo lang ako. Kaylangan natin mapigilan ang pagkalat ng sakit, nang sa gayon hindi na kumalat pa."
"Gagawin ko po ang aking makakaya, ama kong Hari." Niyakap ko si Ama at hinalikan sya sa kanyang noo. "Magpagaling po kayo."
Paglabas ko sa silid ni Ama, dumiretso agad ako sa silid kung saan naghihintay ang aming panauhin. Pinagbuksan nila ako ng pinto, tumayo naman ang lahat at yumuko bilang pagbati.
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
