Impostora.
"Bagay na bagay sayo ang kasuotan na yan kamahalan.." Napangiti nalang ako sa kanyang papuri.
"Salamat."
Pagkatapos namin kumain sa Cafe ay lumabas narin kame dun. Hindi ko alam kung san na kame pupunta o ano pang gagawin namin. Pero hindi talaga ako makalakad ng maayos dahil narin sa haba ng suot kong damit. Kailangan ko pang itaas ng kaonti para makapaglakad ako.
Ang ganda talaga ng lugar nato at maging ang mga tao ay masasaya sa kanilang ginagawa. Tahimik naman si Diwani sa balikat ko, hindi ko talaga alam kong anong iniisip nya ngayon.
Napahinto ako sa paglalakad ng may dalawang kabayo na paparating. Nang nasa gitna na sila mismo ng plaza ay may mga papel silang hinagis. Nagtatagpo naman ang mga tao para kuhanin ang mismong papel.
Dahil sa kursuyidad ko ay pinulot ko rin yung papel na nilipad sa paanan ko. Hindi ko gaano naintindihan ang nakasulat dun dahil sa tingin ko kakaibang lenggwahe yun.
"Hindi maaari.." Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Diwani. Siguro naintindihan nya yung nakasulat sa papel kaya ganun na lang ang kanyang reaksyon.
"Ano bang sinasabi sa papel..?" Tanong ko pero nakita ko ang galit sa mga mata nya. "Ayus ka lang ba.,?"
"Kailangan na nating madaliin ang pagpunta sa palasyo," tumalon sya mula sa balikat ko saka naglakad.
Sumunod lang ako sa kanya kahit wala akong maintindihan. Luminga linga pa sya na parang may hinahanap. Pinagmasdan ko naman ang hawak kong papel, meron dun isang larawan ng babae. Parang nakita ko na sya pero hindi ko matandaan kung saan. Masyado kasing malabo ang kuha nya dun. Pero ang nagpagulat sakin ay may kasama rin syang duwende na kahawig ni Diwani.
"Diwani pwde mo bang sabihin sakin kung anong nakasulat dito sa papel..?"
"Kailangan muna natin ng makahanap ng karwahe kamahalan, pagkatapos saka ko sayo sasabihin ang lahat.."
Karwahe? Iyun ba yung sinasakyan nila dito? Kalesa naman ang tawag dun sa Maynila. Pinapandar yun sa pamamagitan ng kabayo. Nakasakay na ako nun nang mapunta ako sa Maynila kasama sila Nanay.
Hindi ko akalain na karwahe pala ang sasakyan nila dito. Mabilis naman nakahanap si Diwani, agad akong nagbayad sa lalaking namamahala nun. Tatlong ginto para ihatid nya kame sa Palasyo.
"Isang Mahalagang Pagbati Mula Sa Haring Ares ng Palasyo.
Inaaanyayahan ang lahat para sa gaganaping malaking pagtitipon mamayang gabi sa Palasyo. Ipapakilala na ng Haring Ares ang kanyang nag-iisang anak na si Prinsesa Esmeralda. Gusto ng Haring Ares na masaksihan eto ng lahat maging ng ibang Kaharian.
Nagulat ako sa nilalaman ng papel na binasa nya para sakin. Kaya pala ganun na lang ang saya ng mga tao at galit naman para kay Diwani. Kung ganun pala hindi ako ang tunay na Prinsesa dahil natagpuan na nila eto. Ano nang gagawin ko ngayon sa lugar na to?
"Hindi ko parin maintindihan.." Mahina kong sabi kay Diwani na tahimik na nag-iisip. "Kung natagpuan na pala nila ang tunay na Prinsesa, ano pang gagawin ko dito?"
"Ikaw ang tunay na Prinsesa kamahalan, nasisiguro kong isa lamang impostora ang babaeng yun.."
"Paano natin mapapanuyan yun?" Inis kong tanong sa kanya. "Baka kapag iniharap mo ako sa kanila, tayo pa ang mapagbintangan na impostora."
Ayokong basta na lang kame magdesisyon sa mga oras nato. Kahit ako hindi talaga kumbinsido sa mga kwento nya. Ako ang tunay na Prinsesa ay impostora lang ang taong nasa Palasyo ngayon? Sinong maniniwala gayong mas nauna na silang magpakilala.
"Kamahalan magtiwala ka sakin, kailangan mo lang magtiwala.." Seryosong sabi nya.
Pagdating namin sa harap ng malaking pinto ng Palasyo na gawa sa bakal, sumalubong agad samin ang mga kawal na nakabantay dun. Para silang mga gwardya sibil sa Intramuros Maynila. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi baril ang armas nila kundi espada. Kulay pula rin ang kanilang damit at puti ang pambaba. Meron silang suot na mataas na sumbrero.
Umalis narin ang karwahe na naghatid samin sa Palasyo. Nasa labas pa lang ako pero hindi ko maiwasan humanga sa buong lugar. Malayo ang pagitan ng pintuan mula sa mismong palasyo. Napansin ko rin ang mga nagkalat na kawal sa bawat paligid. Matataas na puno at mga bulaklak ang tanging nakikita ko sa loob. Mas maganda pa siguro eto kapag nasa mismong loob na ako ng Palasyo.
"Anong nais mo, Binibini..?" Matapang na tanong na isang kawal.
"Maaari ko po bang makausap ang Mahal na Haring Ares.." Sagot sa kanila dahil yun ang binulong sakin ni Diwani. Pinagmasdan naman ako ng kawal at agad na tumawa.
"Ayun sa iyong kasuotan, maaaring isa kang panauhin. Subalit bakit mo naman nais makausap ang Mahal na Hari..?"
"Binibini, hindi ganun kadali ang iyong nais mangyari." Sabat ng isang pang kawal. "Sa pagkat hindi ngayon tumatanggap ng panauhin ang Mahal na Hari. Kasama nya ngayon ang kanyang anak na si Prinsesa Esmeralda. Maaari kayong bumalik mamayang gabi para sa pagtitipon."
Sa simula pa lang alam ko nang malabong makaharap ko ang Hari. Isang ordinaryong mamamayan lang ako sa tingin nila, kaya kahit ipilit ko pa ay hindi nila ako pagbibigyan.
"Ano na ngayon ang gagawin natin, Diwani..?" Naiinis na rin kasi ako ngayon. Gustong gusto kong magtiwala sa kanya pero hindi ko alam kung paano ba?
"Wala tayong magagawa kundi maghintay hanggNg sumapit ang gabi para sa pagtitipon.." Sagot nya. "Kapag nakapasok na tayo sa palasyo, ako na mismo ang kakausap sa ama mong Hari, kamahalan.."
Kung ganun sa kanya ko na ipapaubaya ang lahat. Paano kung hindi kame paniwalaan ng Hari? Sa halip ipatapon nya kame sa labas ng Palasyo sa pag-aakalang impostora kame. Subalit hindi dapat ako mag-isip nang negatibong bagay, dapat maging positibo ako sa pagkakataon na to. Aalis na sana kame ng may isang matabang babae ang lumabas.
"Papasukin mo sya, kawal.." Utos nito sa dalawang kawal na nasa pinto. "Maaaring sya ang ipinadala dito sa Palasyo bilang dama ng Mahal na Prinsesa.."
"Taga dama po..?" Takang tanong ko? Ibig sabihin magiging katulong ako ng Prinsesa?
"Oo, Binibini. Halika na't pumasok, hinihintay ka na ng Prinsesa, siguradong matutuwa sya dahil kAsing edad nya ang magiging dama nya.." Hinila nya ako papasok kaya wala na akong nagawa.
Lalo akong namangha nang nasa harapan ko na ang Palasyo. Ang ganda nito sa kulay nitong abo at puti na pinagsama. Nang makapasok ako sa loob sumalubong sakin ang malawak na bulwagan. Maaaring dito gaganapin ang mangyayaring pagtitipon mamaya. Maliit lang tignan ang Palasyo sa labas pero sobrang lawak nito at ganda sa loob.
Ang kumikintab na mahabang hagdan papunta sa ikalawang palapag. Ang mga kumikislap na ilaw mula sa kisame na parang mga kristal. Maging ang pulang karpet na ay kumikinang sa kagandahan. Para akong pumasok sa isang lugar na fairytale na napapanuod ko sa Tv.
"Umaayon satin ang pagkakataon, kamahalan.." Nakangiting sabi ni Diwani. Hindi na sya mukhang seryoso ngayon di tulad kanina lang.
"Anong ibig mong sabihin..?" Umaayon ba kamo? Ibig ba nyang sabihin na papanindigan ko na ang pagiging katulong ng Prinsesa.
"Ngayong nakapasok na tayo sa Palasyo ng walang kahirap-hirap, kailangan mong panindigan ang pagiging dama ng Prinsesa.." Sabi ko na nga ba yun ang iniisip nya. "Habang gumagawa ako ng paraan para mapatunayan na impostora ang Prinsesa na yun. Magtatago ka at magpapanggap na dama, nang gayon madali natin makikilala ang ating kalaban.."
Sumang-ayon ako sa lahat ng sinabi nya kung yun lang ang paraan. Simula ngayon magiging dama na ako ng Prinsesa. Para malaman narin namin kung sino ang nasa likod ng mga pagpapanggap.
Kung ganun isa na akong Prinsesang walang mukha at nagtatago sa ibang katauhan. Kung yun lang ang paraan para maitago ko aking tunay na sarili pansamantala, dapat lang siguro na magtiwala talaga ako sa kanya.
To be continued...
Vote&Comment&Share.
Thank You.@MisReika
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasiaSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...