Kabanata 2

1.1K 27 0
                                    


Kapalit.

"Mahal na Hari."

Lumuhod ang isang kawal sa harapan ng Hari bilang pagbati. Mahigit labing limang taon na ang nakakaraan simula ng mawala ang Prinsesa at mamatay ang Reyna.

Subalit hindi parin tumigil ang Hari sa paghahahanap ng kanyang anak. Hindi sya kailanman sumuko at gagawin parin nya ang lahat para mahanap ang nawawalang Prinsesa.

"Anong balita ang iyong hatid?" Makapangyarihan tanong ng Hari sa kawal na nasa kanyang harapan.

"Patawad Mahal na Hari ngunit hindi parin namin nahahanap ang mahal na Prinsesa Esmeralda." Sagot ng kawal.

Labis ang kalungkutan ng Hari sa tuwing umuuwi ang mga kawal na walang hatid na magandang balita. Ngunit patuloy parin syang nagpapadala ng mga kawal sa ibat ibang lugar sa kaharian. Maging ang kaharian sa labas ay kanya nang pinasok para sa paghahanap.

Lumabas ang Hari sa kanyang Palasyo, nagtungo sya sa hardin na sakop nito. Eto ang hardin ng kanyang pumanaw na Reyna, dito rin ngayon nakalibing ang kanyang Asawa.

Umupo ang Hari sa bukal na malapit sa puntod ng Reyna. Pumitas sya sa halaman ng isang pulang rosas at inalay nya sa puntod.

"Patawad aking Reyna sa kadahilanang hindi ko kayo naprotektahan ng ating anak." Pagkausap nya sa puntod nito. "Nais kong iparating sayo na hindi ako tumitigil sa paghahanap sa kanya. At aking pinapangako na hahanapin ko sya kahit sa mundo ng mga tao."

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon