Pagsalubong.
Kinabukasan naging abala ang mga taga Bulasan. Nakatanaw lang ako sa bintana nang aking silid, nang bumukas ang pinto at pumasok si Mira. Kasunod nya ang isang Ginoo na may dala-dalang mga kahon. Tumayo ako para salubungin ang mga bagong dating.
"Dito mo na lang ilagay, Ginoo." utos ni Mira sa kanya. Maingat naman na nilapag ng Ginoo ang mga kahon sa ibabaw ng aking higaan. "Salamat."
Lumabas narin ang Ginoo pagkatapos, sinara naman agad ni Mira ang pinto nang aking silid.
"Nais nyo bang malaman ang laman ng mga kahon, kamahalan?" nakangiting tanong sakin ni Mira nang lumapit sya sakin.
"Maaari ba?" pag-aalinlangan kong sagot sa kanya. Nagbigay lang nang isang ngiti si Mira at isa-isa nyang inihelera ang mga kahon at binuksan.
Lubos akong namangha nang masilayan ko na ang mga laman nito. Hindi ako makapaniwala na para sakin ang mga gamit na nasaking harapan.
Sa isang kahon ay naglalaman nang isang pares na sapatos na gawa sa kristal. Ang isa naman ay pares ng alahas, na mayroong kwintas, polseras at hikaw na gawa sa perlas.
Ang malaking kahon ay naglalaman nang napakagandang kasuotan. Marahil gawa eto sa mamahaling tela at sinulid, kulay balat eto at naka palibot ang mga palamuti.
Hindi ko alam na ganito pala talaga ka espesyal ang kaarawan ko sa kanilang mundo.
Lumapit ako sa kama at umupo doon, maingat kong hinaplos ang damit na nasaking harapan. Dun ko napatunayan na tunay nga ang mga eto. Na tunay ngang hindi panaginip ang lahat, dahil ako mismo ang nakakadama.
Di ko maiwasang maging emosyonal nang tuluyan kong hagkan ang damit na akin ng hawak. Kung sana nandito si Nanay at Tatay, paniguradong humahanga sila sakin.
Umalis man sila saking tabi, nanatili parin sila saking puso. Kaya sa araw na eto, sa kanila ko inaalay ang aking magiging tagumpay. Papatunayan ko sa lahat na hindi sila magsisisi na ako, ang kanilang Prinsesa.
Prinsesa Esmeralda na gagawin ang lahat para saking mga nasasakupan, para saking Amang Hari at Inang Reyna. Para sa mga taga Bulasan, sa tatlo pang kaharian. At higit sa lahat para saking sarili, magtatagumpay ako.
Pumasok si Diwani saking silid at sya namang paglabas ni Mira. Tumayo ako at muling tumanaw saking bintana. Eto na ang araw na makikilala ako ng lahat, hindi na ako makapaghintay.
"Kamahalan, tila kay lalim nang iyong nasa isipan.?" bumuntong hininga lang ako at nakangiting humarap kay Diwani.
"Halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na eto, Diwani. Pero nangi-ngibabaw parin ang aking kasiyahan, dahil sa tagal kong pagtatago sa ibang katauhan. Ngayon na nga ang pinakahihintay natin para masaksihan ng lahat ang aking pagbabalik."
Lubos man ang kalungkutan ko sa pagkawala ni Tatay at Nanay, paglayo ni Clever at hindi pagkakilalA kay Inang Reyna. Nais ko parin maging matatag at harapin ang panibagong kabanata na hindi na sila kasama.
Ngunit ganun pa man hindi sila mawawala saking puso, alam kong nakabantay sila sakin at patuloy akong gagabayan.
"Alam mo bang hindi narin makapag-hintay ang iyong Amang Ares na makita ka, kamahalan?" agad akong napalingon sa sinabi ni Diwani.
Seryoso man ang kanyang mukha, nais ko parin malinawan ang huli nyang sinabi.
"Diwani??"
Ngumiti sya.
"Walang magulang, na hindi makikilaala ang kanyang anak. Maraming taon man ang lumipas na hindi kayo nag-kasama, tadhana parin talaga ang nagbigay sa inyo ng pagkakataon para muling magkita."
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasíaSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...