Simbulo o Marka.
Lubos ang aking kasiyahan sa magarbong pagsalubong sakin ng buong Palasyo. Makikita sa mga tao ang lubos na paghanga, maging ang tuwa sa kanilang mata ay di alintana.
Ikinumpas nang Hari ng Gesu ang kanyang kaliwang kamay, kasabay nun ang pagtahimik ng mga taong kanina lang at nag-sasaya.
Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nila ni Ama, hindi ko nakikitaan ng pag-sang ayon ang Hari ng Gesu. Kung kanina ay nais nya akong makilala, subalit nag-iba ang kanyang kilos nang tuluyan na nyang malaman kung sino ako.
"Paumanhin,," makapangyarihan nyang panimula. Tahimik na nakikinig sa kanya ang lahat, maging si Ama ay naghihintay sa kanyang nais sabihin. "Paano mo ipapaliwanag ang lahat ng eto, Haring Ares.?
Nagsalita rin ang Hari ng Akbo.
"Syang tunay, nasa aming harapan ang Prinsesa Esmeralda." tinuro nya ang pekeng prinsesa na nasa likoran namin at masama ang tingin sakin. "Maaari mo bang ipaliwanag kung paanong naging dalawa ang Prinsesa ng Kaharian ng Esmeralda.?"
Alam kong mahirap ngang mapaniwala ang mga katulad nila. Ang apat na Hari nang apat na Kaharian ay tunay na matatalino.
Nasa kanilang kakayahan ang makabasa ng kilos nang isang tao at kaya rin nila etong mapasunod sa mabilisang paraan. Yun ang mga katangian nila na kailangan ko raw matutunang pag-aralan ayun kay Diwani.
Tumikhim si Amang Ares.
"Maaari nyo bang ipaliwanag sa kanila kung sino kayong dalawa?" nasa pekeng Diwani at pekeng Prinsesa ang atensyon si Ama. "Alam nyo kung anong parusa ang naghihintay sa inyo sa oras na muli kayong magsinungaling."
Ang kaba sa kanilang kilos ay di na nila maitago pa, hindi na sila pwdeng magsinungaling sa pagkakataon ngayon. Naaawa ako para sa pekeng prinsesa, marahil hindi nya nais magpanggap. Kung ano man ang kanyang dahilan, yun ang nais naming malaman mula sa kanila.
Tumakbo ang pekeng prinsesa sa harap namin ni Ama at umiiyak syang lumuhod.
"Patawarin nyo po ako, kamahalan". nakaluhod sya at magkalapat ang dalawang palad na tinataas nya samin ni Ama. "Hindi ko po ginusto ang magpanggap, pero dahil po sa kahirapan kaya ko po yun nagawa. Pakiusap patawarin nyo po kame, kamahalan. Patawad po."
Walang tigil ang kanyang mga mata sa pagluha, samantalang ang pekeng diwani ay di makitaan ng kahit anong emosyon. Biglang lumapit samin ang Hari ng Silla, humarap sya sa pekeng prinsesa na ngayon ay nakaharap narin sa kanya at nasa kanyang mata ang paghinge ng kapatawaran.
Binaling ng Hari sakin ang kanyang tingin at binalik na kay Ama. "Haring Ares, hayaan mong ako mismo ang magpataw ng kaukolang kamatayan sa kasinungaling ng nilalang na eto".
Mas lalong umiyak ang pekeng prinsesa, maging ang pekeng diwani ay napahikbi narin sa kanilang narinig. Hindi ako makapaniwala na masasak-sihan ko ang gaanong parusa sa kanilang mundo.
Hindi ko kayang makita.
"Walang sino man ang hindi nakaka-alam na parusang kamatayan sa pag-gamit ng pangalan o katauhan ng nag-iisang Prinsesa ng Esmeralda." muling nagsalita ang Hari ng Silla.
Tumikhim muli si Amang Ares.
Muling humarap si Ama sa kanyang mga panauhin, tahimik lang nakikinig ang lahat sa maaaring sabihin muli ng dalawang Hari.
Ang kaba saking dibdib ay kanina pa nagsisimulang kumabog. Kaylangan meron akong gawin, kaylangan ko silang pigilan sa nais nilang parusa sa dalawang impostor saming harapan.
"Kung ganun." si Ama. "Kayo na ang bahala sa kaparusahan ng dalawang nilalang na iyan."
Mas lalong lumakas ang iyak ng pekeng prinsesa na hindi umalis sa kanyang pagkaluhod. Patuloy parin ang kanyang pagmamakaawa na wag syang parusahan ng kamatayan.
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasiSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
