Ama kong Hari.
Sumunod lang ako sa babaeng mataba na sumundo sakin kanina. Sinabi nya sakin na sya ang pinakamataas na dama dito sa palasyo. Ayun kay Diwani sundin ko lang kung anong sasabihin nila.
Naglalakad kame sa lawak ng pasilyo ng palasyo, hindi ko talaga alam kung nasan ngayon ang prinsesa. Maaaring dun ang punta namin ngayon para ipakilala ako bilang kanyang sariling dama.
"Tiya na lang ang itawag mo sakin." Nakangiting sabi. "Ikaw anong pangalan mo?"
"Joury po.."
"Joury! Hmm kakaiba ang pangalan mo, siguro nagmula ka sa ibang kaharian."
Ngumiti na lang din ako sa kanya, dahil ang totoo hindi ko rin alam ang isasagot pa. Nasan na ba kasi si Diwani? Simula ng makapasok kame sa palasyo basta nya na lang akong iniwan. Sana lang talaga gumagawa na sya ng paraan para samin.
"Pen nasan ang mahal na prinsesa,?" Tanong ni Tiya sa dama nasa lubong namin sa pasilyo.
"Nasa hardin, Tiya. Kasama nya ngayon ang mahal na hari." Yumuko naman eto saka nagpatuloy sa ginagawa.
Walang katapusang lakad yata ang gagawin namin, sa lawak talaga ng lugar nato imposibleng walang maliligaw. Dumaan kame sa silid kainan palabas ng palasyo kung san matatagpuan ang hardin.
Maging ang kanilang hardin sobrang ganda, maraming bulaklak sa paligid at mga halaman. Meron din dung mga sapin na kulay puti at malalaking orasan. Nakatayo dun ang isang babaeng napakaganda sa kanyang kulay rosas na damit. Nakalugay ang medyo kulot nyang buhok at ang mga ngiti nyang nakkahawa.
Kaya pala pamilyar sakin ang itsura nya dahil kamukha nya si Reema. Paanong nangyari na nandito rin si Reema sa lugar nato? Lumapit kame sa kanya at yumuko si Tiya, napayuko narin ako sa harapan nya.
"Kamahalan, ipinapakilala ko po sa inyo ang bagong nyong dama.." Seryoso nyang sabi sa kanya at napatingin naman sakin Si Reema este mahal na Prinsesa.
Yung kaninang ngiti sa labi nya ay napalitan ng pagtaas ng kanyang kilay. Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri nya ako. Pagkatapos lumapit sya samin, umikot naman sya sakin mula sa likod saka bumalik sa harapan ko.
"Hindi nababagay sa posisyon nya ang kanyang kasuotan.." Makapangyarihan nyang sabi na nakatingin kay Tiya. "Baka mapagkamalan pa syang panauhin mamaya sa pagtitipon.". sarkastikong dagdag nya.
"Patawad po, kamahalan. Ano pong nais nyong gawin ko?" Nakayuko paring tanong ni Tiya.
"Bigyan mo sya ng kasuotan na nababagay sa kanya bilang taga silbi. Ayokong mas mapansin pa sya ng mga tao kesa sakin, baka isipin ng mga makakakita na sya ang Prinsesa at hindi ako.."
Ngayon sigurado na akong hindi si Reema ang taong nasa harap ko ngayon, dahil magkaibang magkaiba ang kanilang pag-uugali. Kung gaano kaganda ang damit nya at gaano kaganda ang kanyang itsura, kabaliktaran yun ng kanyang ugali.
Mabait si Reema na kaibigan ko, malayong malayo sa taong nasa harap ko ngayon. Simple lang naman ang damit ko pero ayaw nyang mas malamangan ko ang damit nya.
"Masusunod kamahalan.."
"Sige, umalis na kayo. Pagkatapos nyang magpalit ng kasuotan papuntahin mo sya sa aking silid.."
Hinila agad ako ni Tiya palayo sa mahal na Prinsesa. Pumasok kameng muli sa loob ng palasyo, nakita ko naman dun ang mga taong seryoso sa kanilang mga ginagawa.
"Pasensya ka na sa mahal na prinsesa, hindi talaga ganun kaganda ang kanyang ugali." Bulong sakin ni Tiya.
"Naiintindihan ko po.."
"Kung gaano kabait ang mahal na hari at reyna, kabaliktaran ng ugali nya. Matagal na akong nagsisilbi dito sa palasyo at hindi ko akalain na ganyan kasama ang ugali ng nag-iisang anak.." Kita ko sa kanya ang hindi nya pagkagusto sa prinsesa. Subalit bilang taga silbi wala kameng karapatan magreklamo.
Pumasok kame sa isang silid na maraming kama, sa tingin ko eto ang silid naming mga dama. Malawak at malinis ang lugar, meron din mga aparador upuan at lamesa.
"Eto ang silid natin, dito karin matutulog simula ngayon." Sabi nya saka may kinuhang damit sa aparador. "Magpalit ka ng kamiseta maayos naman ang yung kasuotan kaso hindi gusto ng mahal na prinsesa.."
"Ayus lang po.." Kinuha ko yung damit na binigay nya saka pumasok sa banyo na nasa silid. Isa yung bestida na mahaba rin at maluwag sa may dulo. Kulay itim yun na may puting nakapatong sa harapan. Meron ding maliit na kamiseta na sa tingin ko ay ulo nilalagay. Tinali ko ang buhok ko at ipinatong dun ang munting kamiseta.
Hindi naman mahalaga sakin kung maganda o panget ang aking isusuot. Kasi para sakin wala yun sa kasuotan kundi sa taong nagdadala nito, at sa mabuting pag-uugali. Kung totoong ako nga talaga ang tunay na Prinsesa, siguro pipiliin ko rin ang maging isang simple. At isa pang mahalaga sakin ang makasama ko ang tunay kong pamilya.
Pagkatapos hinatid na ako ni Tiya sa silid ng mahal na prinsesa. Siguro ang kailangan ko na lang gawin ay maayos na pakikisama. Sundin lahat ng iniuutos nya bilang kanyang dama. Kumatok ako mula sa kanyang pinto, nang wala akong narinig na tugon ay dumiretso na akong pumasok.
Tulad ng inaasahan ko sa silid na eto ay tunay ngang napakaganda. Mataas na kisame at mala kristal na ilaw sa gitna nito at ng kama. Kulay puti at tsokolate ang mga dingding, maging ang mga kurtina sa matataas na bintana. Kulay puti rin ang mga aparador at munting lamesa sa gilid ng kama. Maging ang karpet ay puti at tsokolate ang sahig, ganun din ang kulay ng sapin sa kanyang kama.
Malapit sa bintana meron ding lamesa na may malaking salamin. Mga gamit sa pampaganda ang nasa ibabaw nun, at isang larawan ang nakaagaw ng aking pansin.
Isang babae na may hawak na sanggol, may katabi rin syang lalaki na nakangiting pinagmamasdan ang sanggol na hawak ng babae. Ayun sa kanilang magandang damit, sila ang mahal na hari at reyna. At ang sanggol na yun ay... Ako? Ako? Hindi ko alam kung ako ba talaga yun o isa rin akong impostora.
"Anong ginagawa mo sa aking silid..?" Taas kilay syang nakatingin sakin na para bang hindi nya nagustuhan na nakita nya ako. Napaatras naman ako nang pumasok na sya.
Yumuko ako bilang pag-galang. "Paumanhin, kamahalan. Akala ko po kasi nasa loob kayo kaya pumasok na ako.."
"Paano kung may nawalang gamit sa aking silid, kaya mo bang panagutan ang bagay na yun?" Hindi sya galit, kalmado pa naman ang boses nya. "Sa aking palagay hindi, dahil taga silbi ka lang at kahit kelan hindi mo kayang bayaran ang mga gamit dito. Kulang pang kapalit ang iyong buhay, sana sa susunod alam mo kung san ka lulugar.."
"Naiintindihan ko po, kamahalan.."
"Mabuti kung ganun, ihanda mo na ang aking pampaligo. Masyado na akong maraming nagawa sa araw nato, kaya nais lamang na magsimula na akong mag-ayos para sa pagtitipon.." Lumapit sya sa kama at humiga na roon.
Dumiretso naman ako sa kanyang banyo para ayusin ang pampaligo nya. Mataas din ang kisame nito, kulay puti ang buong dingding. Malaki ang kanyang paliguan, tama nga sya dahil mukhang mamahalin talaga ang mga gamit sa silid nya.
Sinimulan ko nang punuin ang tubig sa kanyang paliguan, pagkatapos binuhos ko dun ang nakita kong pabango para sa katawan. Bumula ng bumula hanggang sa umalingasaw ang napakabangong amoy nun. Ang sarap siguro maligo sa ganitong paliguan. Gripo lang kasi ang meron saming lugar kaya hindi ko pa naranasan ang ganito.
Tinawag ko na ang mahal na prinsesa, inihanda ko narin ang gamit nya para sa pagtapos nyang maligo. Pinalabas nya ako sa kanyang silid, tatawagin nya na lang daw ako kapag natapos na sya.
Paglabas ko ng silid nya, naghintay lang ako sa may pasilyo. Naisipan kong dumungaw sa bintana na naroon. Dun ko nakita ang isang lalaki na may kausap na duwende. Hindi ko alam kung si Diwani ba yun o yung impostorang nanggaya sa kanya. Napansin ko naman ang pagtawa ng lalaki na may pagkamatanda na. At base sa kanyang kasuotan nasisiguro kong sya ang mahal na hari. Ang aking ama.
Sumulyap naman sya sa gawi ko, ganun na lang ang saya ko nang ngumiti sya sakin. Ngumiti rin ako pabalik, kung ako nga ang tunay na prinsesa. Hindi na ako makapaghintay na mayakap kita... Ama kong Hari.
To be continued...
VOTES&COMMENT&SHARE.
THANK YOU.@MisReika
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantezieSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...