Panauhin.
"Kamahalan, pinapatawag na po kayo para sa hapunan." nakayuko ang dama ng Prinsipe.
"Susunod na kame." sagot ni Angelito at magalang na umalis ang kanyang dama.
Wala na rin kameng napag-usapan ni Angelito habang tinatahak namin ang daan pabalik sa loob ng palasyo. Ang sabi nya ay magtiwala ako sa kanya para hindi matuloy ang aming kasal.
Ngunit gaano ba ako nakakasiguro ss kanya na meron syang magagawa. Nasa pamilya namin ang batas, wala syang kakayahan para pigilan ang nais nyang makuha.
Dumating kame sa mahabang hapagkainan ng palasyo ng silla. Tumayo ang lahat ng naroon upang salobungin kameng bagong dating. Hindi ko rin inaasahan na narito rin pala ang angkan ng kAharian ng Akbo at Gesu. Ang Hari at Reyna kasama si Prinsipe Adel ng kaharian ng Akbo sa Timog. At Hari at Reyna at ang Prinsipe Larry ng kaharian ng Gesu sa Hilaga. Wala rito ang mga ministro, tanging Duke lang at kameng mga maharlika ang nasa hapag.
"Maupo ka na rito saking tabi, Esmeralda." sinunod ko agad si Ama, nasa kaliwang bahagi sya nakaupo, marahil ang bakanteng upuan ay nakalaan para sa akin.
Inalalayan naman ako ni Angelito, pagkatapos umupo narin sya sa kanang bahagi kung saan ay magkatapat ang aming upuan. Nakaupo ang Hari ng Silla sa sentro, kaliwang bahagi ay nauuna si Ama at sumunod ako. Sa kanang bahagi ay ang Reyna ng Silla at si Angelito.
Sunod sakin si Prinsipe Larry at ang kanyang Ama at Ina. Sumunod naman kay Angelito si Prinsipe Adel at ang kanya ring Ama at Ina. Bawat pamilya ay mayroong dalawang Duke, lahat sila ay nakapwesto sa upuang nararapat para sa kanila.
"Kumusta ang pagpasyal mo sa aming munting hardin, Prinsesa Esmeralda?" tanong ni Haring Elias at ngumiti sakin si Reyna Heba.
"Tunay na napakaganda ng inyong hardin, mahal na hari. Nagustuhan ko ang dame ng mga bulaklak, maging ang mga halaman ay nakakaginhawang pagmasdan." magiliw kong sagot, napangiti naman ang lahat na nasa hapagkainan.
Napunta ang kanilang usapan sa nalalapit na pyesta ng mga bulaklak. Malaking pagdiriwang yun para sa apat na kaharian.
Magkakaroon din ng mga patimpalak sa bayan ng Esmeralda, parada at iba pang mga palaro.
Ang tatlong prinsipe ay makakasama ko sa mga darating na araw bago ang pyesta ng mga bulaklak.
Hanggang napunta ang usapan sa nalalapit na pag-iisang dibdib namin ni Prinsipe Angelito. Tanging ang mga Hari at Reyna ang nangu-nguna sa usaping yun. Tahimik naman ang katabi Kong Prinsipe, maging si Prinsipe Angelito ay masisinsinang nakikinig sa kanila.
Panay naman ang iwas ko kay Prinsipe Adel na panay ang sulyap sa akin. Marahil pilit nyang inaalala yung pangyayari nang kame ay nagkaharap sa di inaasahang pagkakataon. Pilit kong inalis sa kanya ang atensyon ko at nakinig ako sa pinag-uusapan nila Ama.
"Hindi na ako makapag-hintay na ibigay kay Angelito ang ating trono." nagagalak sa tuwa ni Haring Elias. "Inaasahan ko na mas lalong mapapabuti ang apat na kaharian, sa paghirang ng bagong mga pinuno."
"Sang-anyon ako sa iyong sinabi, mahal kong Hari." at ngumiti sakin si Reyna Heba.
"Mas maganda siguro kung ianunsyo natin ang nalalapit na pag-iisang dibdib nila sa araw mismo ng pyesta ng mga bulaklak, ano sa palagay mo Haring Ares?" nakita ko ang pag-sang ayon ng lahat sa sinabi ni Haring Limuel ang ama ni Prinsipe Larry.
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasíaSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
