Pangitain.
JOURY
"Esmeralda.
"Esmeralda.
Isang maliit tinig ang hindi ko akalain aking naririnig. Ngunit ang pangalan na kayang binabanggit ay pangalan na hindi ko batid.
Lumapit ako sa isang lawa na kumikinang dahil sa mala kristal nitong tubig. Nakita ko rito ang aking sarili dahil parang salamin eto sa linaw.
"Esmeralda.
Napalingon ako sa isang malaking bato, at dun ko nakita ang isang magandang duwende. At aking napansin ang hawak nyang gintong korona na kasing liit nya. Hindi ko nga alam kung paano nya nabitbit ang korona na kasing liit nya.
"Anong kailangan mo sakin? Hindi kasi Emeralda ang aking pangalan."
"Esmeralda ang iyong pangalan, at ikaw ang may ari nitong gintong korona na aking hawak."
Hindi ko maintindhan ang kanyang sinasabi. At hindi ko rin maintindhan ang aking sarili. Paanong nangyaring nakikipagusap ako sa isang duwende.
Isa lang etong panaginip at alam kong wala etong katotohanan.
"Bakit hindi mo alam ang iyong pangalan, Esmeralda?" Muling tanong ng duwende sakin. Nagulat ako ng nasa harap ko na sya.
Ngayon lang ako nakakita ng duwende kaya hindi ako makapaniwala sa kanyang itsura. Isa syang babae dahil sa kulay puti nyang kasuotan, mahaba ang kanyang kulay gintong buhok. Meron din syang kulay puti na sumbrero at sapatos. Pero kulay asul ang kanyang balat.
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasiaSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...
