Ang Paglalakbay.
Pagdating ko sa dulo nang tulay sumalubong sakin ang nakakasilaw na liwanag. Tinakpan ko ang aking mata, pero di nagtagal nahawi rin ang liwanag ng dilim.
"Maligayang pagbabalik, Prinsesa Esmeralda.." Nagulat ako ng nakayuko sa harap ko yung duwende na nasa panaginip ko.
Kung ganun hindi lang iyun isang ordinaryong panaginip, dahil nasa harap ko na sya mismo. Hindi parin mawala sakin ang pagdududa, subalit kong ipapaliwanag nya sakin ang lahat maaaring maintindihan ko.
Pinagmasdan ko ang paligid, hindi ako makapaniwala na nasa ganitong lugar ako ngayon. Kulay berde ang mga halaman, kulay tsokolate ang mga bundok. Mala kristal na tubig sa lawa at bughaw na kalangitan. Para akong nasa isang fairty tale sa mga cartoons na napapanuod ko dati.
Nawala narin ang tulay na aking dinaanan kanina, nasa ilalim ako ngayon ng isang puno. Ano pa man ang ibig sabihin ng lahat, nasisiguro ko na eto ang daan para makilala ko kung sino talagaa ko.
"Mahal na Prinsesa.." Lumapit yung duwende sakin saka sya tumalon sa balikat ko. "Iniisip mo parin ba na nasa panaginip ka?"
"Sa aking palagay, hindi." Sagot ko sa kanya. "Marami parin ang mga tanong sa isip ko, ngunit nasisiguro kong masasagot mo lahat yun tama?"
"Kung ganun, simulan na natin ang ating paglalakbay.." Tumalon syang muli saka nagumpisang maglakad.
Anong ginagawa nya? Maglalakbay kame gamit ang paglalakAd? Wala man lang bang tryccle dito o kaya man jeep na pwde namin sakyan? Ngunit nababaliw na nga yata ako, dahil hindi nababagay ang mga ganung sasakyan dito sa lugar nato.
"Mahal na Prinsesa, tatayo ka na lang ba jan? Hindi tayo pwdeng gabihin sa ating paglalakbay, dahil maraming mga mababangis na hayop dito.."
Dahil sa sinabi nya nagkaron ako ng takot kaya nagmadali akong sumunod sa kanya. Nakakapagtaka naman na sa sobrang liit nya ay posibleng makakarating agad kame sa aming patutunguhan.
"Maaari kang sumampa sa aking balikat." Sabi ko sa kNya habang pantay kMe na naglalakad. "Para naman mapabilis tayo sa paglalakad."
"Wag kang mag-alala, Mahal na Prinsesa kaya ko ang sarili ko. Isa pa malapit lang naman, pagkalagpas natin sa burol na yan makakapasok na tayo sa bayan.."
Hindi ko na lang sya kinulit, napansin ko kasi ang pagiging seryoso nya. Subalit marami pa akong gustong malaman, hindi naman siguro masama kung magtatanong ako sa kanya. Naguguluhan parin kasi ako eh, paano ako naging Prinsesa katulad ng kanyang sinasabi.
Dahil sa pagiging tahimik namin dalawa, nakarating agad kame sa lugar na sinasabi nyang bayan. Halos hindi ako makapaniwala sa ganda nito. May mga kataasan ang mga bahay, meron din ibat-ibang mga tindahan.
Napansin ko rin ang kanilang mga damit, mahahaba ang manggas at hanggang talampakan ang haba. Meron sumbrero ang ibang babae, yung damit nila ay parang damit ng mga sinaunang tao pero mas makulay yung sa kanila.
Samantalang ang mga lalaki ay nakasuot ng malaking short na hanggang tuhod, tapos mahabang tshirt naman na nakapatong rito. Ano bang damit ang suot nila? Ganyan ba talaga ang kailangan damit?
Makulay at masaya lugar nato, maging ang mga batang naglalaro sa kalsada. May mga babaeng nagkkwentuhan at mga lalaking nagbubuhat ng kung ano. Meron din malaking bilog na fountain sa gitna na may istatwa na lalaking nakasakay sa kabayo.
"Eto ang tinatawag namin na bayan, dito nakatira ang mga ordinaryong mamayan ng Kaharian." Paliwanag nung duwende habang nakatingin sa mga taong nasa paligid. "Dito rin ginaganap ang mga patimpalak kapag sumasapit ang pista ng mga bulaklak."

BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasíaSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...