Kabanata 5

702 21 0
                                        

Masakit na Katotohanan.

JOURY

Pagdating ko sa kwarto naabutan kong gising na si Nanay at magkausap sila ni Tatay. Binaba ko muna yung mga dala ko at agad akong tumakbo palapit sa kanya.

Masaya akong nasa maayos na kalagayan na sya at hindi na ako gaanong mag-alala. Naramdaman ko rin ang pagyakap nya sakin pabalik.

"Kamusta na po kayo Nay,?" Tanong ko sa kanya ng maupo ako sa tabi nya.

"Maayos na ako anak sa awa ng Diyos." sagot nya. Hinawakan nya naman yung kamay ko saka napangiti. "Pasensya na kayo kung masydo ko kayong pinag-alala."

"Ayus lang po yun ang mahalaga ay mabuti na ang inyong kalagayan." Tapos muli ko syang niyakap.

Inayos ko yung mga pagkain na dala ko. Nakaligo at nakapagpalit narin si Tatay ng damit para makapagtrabaho. Lalabas narin daw si Nanay bukas kaya hindi na namin kailangan magtagal dito.

Pagkatapos kumain ni Tatay umalis na sya. Sinusubuan ko naman si Nanay ng sopas na niluto ko para sa kanya. Nang matapos syang kumain ay uminom na sya ng gamot saka sya muling nakatulog.

Hindi na ako ngayon sobrang mag-alala dahil nasa maayos na si Nanay. Hindi ko narin natanong kay Tatay yung tuggkol sa sakit ni Nanay dahil sa tingin ko hindi naman yun ganun kalubha.

Kinabukasan sabay-sabay kameng umuwi sa bahay. Nilinis ko pa yung kwarto ni Nanay para naman malinis yun pagdating nya. Marami din sa mga kaibigan at kapitbahay namin ang dumadalaw at nagdadala ng mga bulaklak at prutas.

Dumating rin si Rawan at Reema kaya àgad ko silang pinapasok sa bahay.

"Pinabibigay ni Nanay, Joury." Sabay abot ni Rawan sakin ng mga prutas. "Hindi kasi sya makapunta dahil nasa palengke pa sya."

"Maraming Salamat ha, pakisabi rin kay Aling Noura." Kinuha ko yung prutas saka nilapag sa lamesa kung san nandun din yung ibang binigay kay Nanay. "Upo muna kayo."

"Eto naman ang galing samin, Joury." Inabot sakin ni Reema ang isang malaking paperbag.. "Galing pa yan ng Manila sinadya talaga yan ni Mama bilhin dun para kay Aling Asia."

"Salamat ha, Reema. Ang ganda nito ilalagay ko sa kwarto nila mamaya."

Isang Flowersvase yun na may ibat-ibang klaseng bulaklak. Mukhang fresh na fresh talaga at ang babango pa. Hindi muna sila umalis kasi nakipagkwentuhan pa ako sa kanila.

Binilhan ko naman sila ng meryenda, gusto ko pa sana sila dito maghapunan kaso tumanggi lang sila. Ang dame narin kasi nilang naitulong sakin bilang mga kaibigan ko.

"Sinabi sakin ni Rawan na sinanla mo raw yung singsing." Sabi ni Reema. "Sana sinabihan mo ako para naman nakatulong ako sa inyo."

"Hays hayaan muna." Nakangiti kong sagot. "Di na importante yun, saka ang dame nyo nang naitulong sakin. Sobra na akong nahihiya."

"Ano ka ba Joury wala yun." Sabay tingin ko kay Rawan ng magsalita sya. "Kaibigan mo kame, kaya nandito lang kame para tumulong sayo."

"Tama sya. Sino pa ba yung magkakaibigan kundi tayo." Nakangiting sabi ni Reema. "Kaya tayo rin yung magtutulungan."

"Maraming salamat sa inyong dalawa." Saka ko sila niyakap.

Bago ako matulog binisita ko naman si Nanay sa kwarto nila. Nilagay ko rin yung vase na may bulaklak sa lamesa malapit sa kama nila. Hindi parin ako makapaniwala na maayos na si Nanay. At para hindi sya mapagod ako muna ang magasikaso sa kanya.

Maaga ako nagising mga 4am palang nun. Maglilinis kasi ako ng bahay tapos magluluto ng almusal bago ako pumasok. Ayoko muna sana pumasok kaso magagalit si Nanay panigurado. Maaga rin umalis si Tatay para magtrabaho, mabuti na lang nakaluto na ako ng almusal at nakakain sya bago umalis.

Pagkatapos kong gawin lahat ng gawain ko pumasok ako sa kwarto ni Nanay. Ganun na lang ang gulat ko nang nakahiga sya sa sahig at maraming dugo sa kamay at bibig nya.

"Nayyyy." Sigaw ko at saka tumakbo palapit sa kanya. "Nay.. Nay.. Gumising po kayo."

Tuluyan na akong umiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may masamang nangyari sa kanya. Halos wala ng tigil sa pagbagsak ang mga luha ko dahil hindi parin gumigising si Nanay kahit panay ang tawag ko sa kanya..

"Nay... Tulong..." Sigaw ko. "Tulungan nyo po kame.....  Nanay..."

"Joury..." Narinig ko ang pagtawag sakin ni Rawan. Nagmadali syang puntahan kong nasan ako.

"Rawan... tulungan mo kame si Nanay.."

Agad syang lUmapit samin. "Joury anong nangyari?" Tanong nya habang pinipilit buhatin si Nanay. "Joury tulungan mo ako para mailabas natin sya."

Tinulungan ko si Rawan na buhatin si NAnay pagdating namin sa labas may tryccle na saktong dumaan kaya agad namin pinara. Dinala agad namin si Nanay sa ospital.

Habang yakap-yakap ko sya hindi ko maiwasang manghina. Walang akong alam sa tunay nyang karamdaman kaya natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanang malubha talaga ang sakit nya. At hindi ko man lang inalam yun mula kay Tatay.

Pagdating namin sa ospital agad nilang pinasok si Nanay sa emergency room. Wala paring tigil ang mga luha ko sa pagbagsak dahil ang sakit sakit sa kalooban ko yung nangyayari kay Nanay.

Nakita ko naman na may tinatawagan si Rawan na posibleng si Tatay. Pagkatapos nilapitan ako ni Rawan saka pinaupo sa upuan na nakahilera sa labas. Inakbayan nya ako para patahanin sa walang tigil kong pag-iyak.

"Joury.. tahan na.." Sabi nya. Sinandal naman nya ako sa dibdib nya at dun mas lalo akong umiyak. "Tinawagan ko na si Kuya Nesty papunta na sya dito."

"Rawan.. bakit kailangan mangyari to samin? Natatakot na ako." Nanginginig na ako sa kakaiyak. Mabuti na lang at nanjan si Rawan kapag kailangan ko ng tulong.

"Joury... lagi mong tatandaan na maraming pagsubok sa buhay natin. Pero lahat naman yun ay ating nalalagpasan sa tulong ng Panginoon at tulong nang ating pagdarasal. Tumahan ka na magiging maayos din ang Nanay mo." Tinapik tapik pa nya ako sa balikat habang nakasandal ako sa kanya.

Tama si Rawan sa buhay natin meron pagsubok na binibigay ang Panginoon. Mahirap man eto o hindi kailangan parin natin magpakatatag at hindi sumukko. Dahil sa kabila nang pagsisikap natin ay makakamtan din natin ang ginhawa.

Kaya kung pagsubok man eto sa pamilya ko hindi hindi kame susuko. Kailangan namin etong harapin para malagpasan namin ang lahat. Gagawin ko ang lahat para alagaan si Nanay at hinding-hindi ako aalis sa tabi nya.

"Joury.. Rawan.." Humahangos na tawag samin ni Tatay pagdating nya.

"Tay.." Agad akong yumakap sa kanya at umiyak na naman. "Si Nanay.."

"Sshhhh. Tahan na anak..." Bumitaw naman ako sa kanya ng lumabas na yung doktor.

Labis ang kaba ko habang lumalapit sya samin. Gustong-gusto kong marinig mismo sa kanya na maayos na si Nanay at pwde na agad syang makalabas. Lumapit sya samin na seryoso at saka umiling.

"Pasensya na.. ngunit ginawa na namin ang lahat--"

"Dok ano po bang sinasabi nyo?" Sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kong maging bastos ako pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

"Joury anak." Awat sakin ni Tatay.

"Tay anong sinasabi nya.. Hinimatay lang si Nanay pero sina--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng niyakap ako ni Tatay at umiyak narin sya.

"Patawad anak hindi namin nasabi sayo..." Bumitaw ako sa kanya saka ko sya hinarap. Hindi ko rin sya maintindihan. "May breast cancer ang Nanay mo.. patawad anak dah--"

"Hindi totoo yan." Sigaw ko sa kanya. "Tay bawiin mo ang sinabi mo.. Tay hindi tayo iiwan ni Nanay..."

Ngunit yumuko lang si Tatay at umiyak ng umiyak. Dahil sa inasta nya dun lang pumasok sa isip ko na totoo nga ang sinasabi nila. Napaupo na lang ako sa sahig at dun umiyak ng umiyak. Naramdaman ko ang paglapit ni Rawan sakin at pagyakap nya.

Hindi ako makapaniwala sa masakit na katotohanan na tuluyan na kameng iniwan ni Nanay. Wala akong ka alam-alam na hindi ko na pala sya makakasama. Paano na kame ni Tatay kung wala na si Nanay...

TBC...

VOTE&COMMENT&SHARE.
THANK YOU.

@MisReika

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon