Magtiwala.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa kwento ni Ama sa aming nga ninuno. Si Reyna Cinderella pala at Haring Lenard ay mga magulang ng mga magulang ni Ama. At ako marahil ang huling Prinsesa at magiging Reyna sa panahon na itatakda ng Kaharian.
Pina-alam rin sakin ni Ama ang kahulugan ng aking marka sa likod ng aking balikat. Ang marka kung saan sumisimbolo ang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ang rebulto ng Silangan ay may hawak na aklat, at sya ang Bathala ng karunungan.
Ang rebulto naman ng Kanluran ay mayroong pakpak at may hawak na maliit na banga na may tubig. Sya ang Bathala ng daluyan ng panahon. Ang Bathala ng Timog ang nanga-ngalaga sa mga pinaghirapan. Kaya ispada at libro ang hawak ng rebulto ng Timog.
At ang Hilaga ang Bathala ng kapayapaan, na nagbibigay gabay sa aming nasasakupan. May hawak na instrumentong kudyapi
Sa mga sumunod na araw naging abala ako saking pagsasanay, maging sa aking mga aralin. Hindi ako gaanong nahirapan sa salitang Ingles dahil natutunan ko yun saming mundo. Nakasabay rin ako sa pagsasanay katulad ng kaylangang dipensa sa sarili.
Dumating ang dapit hapon, magkasama namin ni Amang pagmasdan ang paglubog ng haring araw. Nasisiyahan ako sa mga kwento ni Ama tungkol kay Ina, lubos akong humahanga sa pagmamahalan nila.
Marami man daw silang naging pagsubok noon, di daw nila ginawang hadlang yun para sila ang magkasama sa mahabang panahon.
Di rin inaasahan ni Ama ang pagkakasakit ni Ina simula nang mawala ako sa kanila. Naging mahina si Ina at sakitin masyado nyang dinaramdam ang pagkawala ko, hanggang sa napabayaan na ni Ina ang kanyang sarili dahilan ng pagkamatay nya ng maaga.
Pumasok sa isipan ko ang Ginoo, nasan na kaya sya ngayon? Sana nasa mabuti syang kalagayan at sana magkita kameng muli.
"Kamahalan." napalingon kame ni Ama kay Diwani na nakayuko. "Mayron pong kawal na ipinadala ang Hari ng Silla." lumabas ang isang kawal at nagbigay galang samin.
"Maaari mo nang basahin ang mensahe ni Haring Elias." umayos ng tayo ang kawal at niladlad ang isang liham.
"Pagbati mula sa Haring Elias ng kaharian ng Silla." panimula nya, nakikinig lang kame ni Ama sa kanya.
"Inaanyayahan si Haring Ares at Prinsesa Esmeralda sa magaganap na munting salo-salo bukas ng gabi sa kaharian ng Silla. Maging ang mga duke at menistro ay makakasama rin sa magaganap na hapunan. Inaasahan ni Haring Elias ang inyong pagdating." at muli syang yumuko."Asahan nyo ang aming pagdating, iparating mo kay Haring Elias ang aking sinabi." si Ama.
Heto ang kauna-unahang makakapunta ako sa Palasyo ng Silla. Di ko maiwasang mangamba, marahil pag-uusapan na nila ang pag-iisang dibdib o pagpapakasal namin ni Prinsipe Angelito. Subalit paano ko sila makukumbinsi saking suliranin.
Nang pumasok na si Ama sa palasyo, nagpaiwan ako kay Diwani. Sa kanya ko lang maaaring sabihin ang nararamdaman ko. Masaya akong nakabalik ako sa kaharian, ngunit ang pagpapakasal ay wala pa sa aking isipan.
"Nangangamba ka ba sa pagpunta nyo sa kaharian ng Silla, kamahalan?" mukhang nabasa na ni Diwani ang suliranin. "Dahil ba sa pag-aanunsyo ng pag-iisang dibdib nyo ni Prinsipe Angelito."
"Tama ka, Diwani." malungkot kong sagot sa kanya. "Kaylangan kong maka-isip ng paraan para makumbinsi ang lahat, kailangan ko rin makausap ang Prinsipe."
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasiSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...