Kabanata 16

535 29 1
                                    

Luha.

Pagkatapos ng aming paglalakbay ng Ginoo dinala nya ako sa maliit na batis para magpahinga. Tinuruan nya akong sumakay at magpatakbo ng kabayo. Subalit hindi ko pa yun lubusang natutunan.

Nung makapagpahinga kame tumuloy na kameng dalawa sa pangangaso. Maging sa paghawak ng mahabang baril ay maingat nyang naituro sa akin. Yun nga lang wala kameng hayop na nakita sa gubat. Ganun pa man natutuwa ako kasi kahit papano marami akong natutunan sa mga tinuturo nya.

"Gutom ka na ba, binibini?" Tanong nya sakin nang umupo kame sa bato malapit sa tubig ng batis.

"Hindi pa naman, nauuhaw lang ako." Nakangiti kong sagot. Pwde kayang Joury na lang at Clever ang itawag namin sa isat-isa,? Masydo kasing pormal ang binibini at ginoo. Hindi pa ako sanay masyado sa ganun.

Nilapag nya sa batuhan ang dala nyang baril at maingat na lumapit sa tubig. Hinugasan nya ng husto ang kanyang mga kamay.

Pagkatapos ng kanyang ginawa, kumuha sya ng tubig mula sa batis gamit ang kanyang dalawang kamay. Ganun na lang ang aking pagtataka nang uminom sya mula duon.

Susunod sana ako sa kanya nang unahan nya ako. "Ako nang bahala, binibini wag ka nang tumayo."

Gamit ang kanyang dalawang kamay ay kumuha sya ng tubig sa batis saka maingat na lumapit sakin. Nilahad nya sakin ang tubig na nasa kanyang mga palad. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero para kasing may mga gumagalaw na kung ano-ano sa aking tiyan.

"Sige na binibini, bago pa maubos ang tubig sa aking palad." Nakangiti nyang sabi sakin. "Wag kang mag-alala malinis ang tubig na eto."

Tumango lang ako sa kanya saka yumuko para makainom ng tubig mula sa kanyang palad. Naramdaman ko agad sa mga labi ko ang lamig ng tubig at tuluyan ko nga iyong naubos dahil sa sobrang uhaw na aking naramdaman.

"Salamat, ginoo."

"Walang anuman, binibini."

Bumalik na kame sa lugar kung saan namin iniwan ang Prinsesa at ang Prinsipe. Kailangan ko yatang sanayin ang sarili ko sa sitawasyong ganito kapag kasama ko ang ginoo. Ganun pa man komportable ako sa kanyang bisig kahit pa may konting ilang parin akong aking kilos.

Natapos ang masayang araw para saming lahat, ang Prinsesa dahil nakasama nya ang Prinsipe. Sympre ako dahil nakasama ang Ginoo na nagturo sakin ng mga bagay na sobra kong natutunan  at ipinagpapasalamat ko sa kanya.

Pagdating namin sa palasyo dumiretso agad ako sa aking silid, kinuha ko ang gumamela at inipit yun sa aklat na meron ako. Napangiti na lang akong maalala ang pamamasyal namin ng Ginoo.

Gusto kong gumawa ng ala-ala kasama sya para kung sakaling dumating ang araw na bumalik na ako sa totoong mundo ko, maalala kong nagkaron ako ng kaibigan na tinurin kong sarili kong Prinsipe.

Lumipas ang mga araw at linggo, wala parin akong balita galing kay Diwani. Masyado na akong nagtatagal sa pagtatago sa katauhan ng isang dama. Nais ko nang malaman ng lahat kung sino tlagaa ako.

"Joury....

"Joury...

Marahil pinapatawag na ako ngayon ng mahal na Prinsesa.

Maingat akong naglalakad sa pasilyo ng masalubong ko ang mahal na Hari. Huminto ako sa harapan nya at yumuko bilang paggalang. Hindi ako tumingala hanggang hindi pa nya ako nalalagpasan. Pero sa halip na lagpasan nya ako ay huminto pa sya mismo sa aking harapan.

Labis ang aking saya nang hawakan nya ang aking ulo at guluhin ang aking buhok na parang bata pa ako. Pagkatapos tumingala ako sa kanya at pinakita ko ang ngiti kong sumisimbolo ng aking kasiyahan.

Masyado akong nanabik kay Nanay at Tatay simula ng mawala sila. At ngayon naman sa aking amang Hari na gustong gusto kong yakapin pero hindi ko magawa.

Labis  ang aking kalungkutan kapag naiisip kong mag-isa na lang ako. At ngayon lumalaban para sa katauhang nararapat para sakin. Para sa aking kaharian para sa aking mamamayan.

Hindi ko na napigilan ang luhang naglandas sa aking mga mata. Pinilit kong itago yun sa aking amang Hari subalit napansin parin nya.

"Anong dahilan ng iyong pag-luha,?" Malumanay na sabi ng mahal na Hari sa akin.

"Masaya lang po ako, kamahalan." Magalang kong sagot. "Masyado lang po akong nanabik sa aking mga magulang."

PinunAsan ko ang mga luha ko at ngumiti na sa harap ng kamahalan. Hinihiling ko na sana bumilis na ang panahon na sana makagawa na si Diwani ng paraan para makausap ang aking amang Hari.

Eto na sana ang pagkakataon na yun subalit hindi ko makita si Diwani sa paligid. Naramdaman ko ulit ang paghawak sa ulo ko ng kamahalan at ngumiti sakin.

"Marahil sobra kang nanabik Sa kanila lalo na at malayo sila sa iyo." Ngumiti rin ako sa sinabi nya. "Pero wag mong isipin na hindi sila nanabik sayo. Dahil ang totoo kahit nasaan man sila ay lagi ka nilang binabantayan. Magaan ang loob ko sayo sa simula pa lang, at nais kong malaman mo na maari mo akong panasamantalang maging ama."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at masayang niyakap ang mahal na Hari. Naramdaman ko rin ang yakap nya sakin pabalik. Labis ang aking kasayahan sa sinabing yun ng mahal na Hari at nagpapasalamat ako sa kabaitan nyang pinapakita sakin.

"Tumahan ka na... puntahan mo ang aking anak na si Esmeralda dahil kailangan ka nya ngayon." Humiwalay na ako sa kanyang yakap at ngumiting muli para ipakita na maayos na ako ngayon.

"Maraming salamat, kamahalan labis po ang aking kasiyahan."

Kumaway pa ako sa aking amang Hari bago nya ako talikuran. Tunay ngang makapangyarihang ang tinatawag nilang lukso ng dugo. Dahil parehas kame ng kamahalan na magaan ang loob sa isat-isa.

Luha ng kaligayhan ang huling butil na lumabas sa aking mata. Luha na matagal ko rin inaasam at sa wakas nakamtan ko yun ng walang alinlangan. Maraming Salamat ama kong Hari nawa'y tuluyan na tayong magkasama.

Nang makarating ako sa harapan ng silid ng mahal na Prinsesa napansin kong nakabukas eto ng kaonti. Sinilip ko muna ang loob at nakita kong nag-uusap dun ang kamahalan at si Diwani, ang impostorang Diwani.

Sa aking palagay ay mahalaga ang kanilang pinag-uusapan. At alam kong kawalang respeto ang makinig sa usapan ng wala naman akong kinalaman. Aalis na sana ako ng marinig kong sumigaw ang Prinsesa.

"Hindi maaari..."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kanyang silid nang sumigaw na naman ang Prinsesa. Hindi ko nais makinig sa kanilang pinag-uusapan subalit may nagtulak sakin para pakinggan sila.

"Hindi maaaring nakarating na dito... ang totoong Prinsesa Esmeralda. Kung kailangan natin syang patayin para walang maka-alam ng ating sikreto gawin mo." Galit na galit nyang sigaw sa harap ng impostorang Diwani.

Abot-abot ang aking kaba dahil sa narinig kong sinabi ng kamahalan. Tunay ngang alam na nila na nandito na kame ni Diwani, subalit hindi ko sila maintindihan kung bakit kailangan nilang pumatay para lang sa posisyong hindi naman nararapat sa kanila. Ganun ba nila sobrang hinahangad ang posisyon na yun para makagawa sila ng masama?

"Wag ka nang mangamba pa, ako ng bahala sa totoong Prinsesa Esmeralda." Kalmadong sagot sa kanya ng impostorang diwani. "Kapag nalaman ko agad kung sino sya, ako na mismo ang magbabalik sa kanya sa mundong pinang-galingan nya."

"Dapat lang dahil hindi ko isusuko ang korona ng nag-iisang taga pagmana ng Kaharian. Kailangan ako lang at ayoko ng merong kaagaw, lalo na at malapit ko nang makuha ang loob ng Prinsipe ng Silla."

Akala ko tuluyan na akong masaya dahil sa kabutihang pinakita sakin ng ama kong Hari. Subalit iyun ay panandalian lamang pala dahil takot at pangamba na ang nararamdaman ko sa mga oras na eto.

Kailangan kong makita at makausap si Diwani dahil nais kong malamang nya ang aking mga narinig. Hindi ko hahayaan na magtagumpay ang kasamaan nila sa pagkakataong malapit ko nang mabawi ang korona na nararapat talaga sakin.

Susunod...

-Bomoto at magkomento.
  Maraming Salamat sa pagbabasa, pasensya na sa matagal na update. Nawa'y inyong maintindihan.

@MisReika

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon