Kabanata 13

549 12 0
                                        

Gumamela.

Maayos na natapos ang nangyaring pagdiriwang sa palasyo, marami rin kameng naging trabaho sa araw nato. Mabuti na lang at hindi ako gaano kailangan ng Prinsesa kaya kahit papano nakakatulong ako kila Tiya.

Hindi parin kame nagkikita ni Diwani at labis akong nag-aalala sa kanya. Sana ay nasa mabuti lang syang kalagayan, alam kong gumagawa sya ng paraan kaya magtitiwala lang ako.

Habang nagsasampay ako ng mga kumot sa labas biglang humangin ng malakas. Mabuti na lang at hindi nalaglag ang ibang nakasampay na kundi uulitin ko na naman ang paglalaba nun.

Maganda naman ang panahon ngayon at ang kulay asul na kalangitan. Ang mga ibon na nagliliparan at mga dahon ng puno na sumasabay sa hangin. Walang pagbabadya ng pag-ulan kaya kailangan matapos na ako.

Grabe ang pagod ko dahil sa dame ng trabaho, ganun pa man natutuwa akong nakakatulong sa kanila. Nung matapos akong magsampay, pumunta na ako kwadra para linisin eto. Yun kasi ang inutos sakin ni Tiya kapag natapos akong maglaba.

Kinuha ko yung timba at walis na nasa likod ng pintuan. Hindi naman gaano kalakihan ang kwadra, limang kulungan at limang kabayo lang ang naririto. Sabi ni Tiya ang tatlo daw na kabayo ay pag-aari ng Hari at Reyna, sa Prinsesa naman ang puting kabayo na nasa dulo ng kwadra.

Mukhang maamo naman ang mga kabayo nato kaya hindi dapat ako matakot sa kanila. Sinimulan ko ng walisin ang mga dayami, iipunin ko muna eto saka ilalagay sa basurahan.

Nung nasa dulong parte na ako ng kwadra nakakapagtakang nagwawala ang kabayo. Hindi ko alam ang gagawin ko, pero nung binigyan ko sya ng tubig sa timba ay tumigil na sya sa pagwawala. Nauuhaw lang pala ang kabayo ng Prinsesa natakot tlaaga ako dun.

"Hindi nauuhaw ang kabayo, kamahalan.." Bigla na lang lumabas si Diwani mula sa bintanda ng kwadra. Tumalon sya saka umupo sa may pintuan kung san nakakulong ang puting kabayo. "Nagagalak lang syang makita ang tunay na Prinsesa."

"Diwani bakit ngayon ka lang nagpakita sakin?" Binaba ko muna yung walis saka umupo sa mga dayaming naipon ko. "Alam mo bang nag-alala ako sayo?"

Malungkot syang tumingin sakin.  "Ipagpatawad mo kamahalan, alam kong labis ka na ng nahihirapan sa mga ginagawa mo. Kung sana'y madali akong makalapit sa ama mong Hari, hindi mo na kailangan gawin yan lahat.."

Bumuntong hininga naman ako saka ngumiti sa kanya. Ang totoo nyan gustong gusto ko narin malaman ng Hari na ako ang tunay na Prinsesa. Hindi dahil nahihirapan ako sa mga ginagawa ko kundi nais ko pang makilala kung sino tlaga ako.

"Ayos lang naman ako kaya wag ka ng mag-alala sakin. Sanay naman ako sa gawain bahay kaya hindi ako gaanong nahihirapan.."

"Narinig ko rin na hindi maganda ang pakikitungo sayo ng impostora na yun. Kamahalan alam kong mabuti kang tao kaya hinihiling ko ang konti mo pang pagtitiis, nawa'y magkaron na ako ng pagkakataon sa susunod na malapitan ang mahal na Hari."

Kahit konti hindi ako nagpakita ng kahinaan kay Diwani. Nagtitiwala parin ako sa kanya ano man ang kanyang mga plano. Alam kong darating ang araw na magiging sulit din ang lahat ng pinagdadaanan ko. Naniniwala ako na makakaya namin ni Diwani ang pagsubok na meron kame sa mga pagkakataong eto.

Tinulungan ako ni Diwani maglinis bago nya ako iwanan. Nang matapos ako umupo muna ako sa maliit na balon na malapit sa kwadra. Malinaw ang tubig sa balon at napakalinis nito. Napansin ko naman ang halaman na tumubo sa gilid ng balon at ang napakaganda nitong bulaklak.

Gumamela ang pangalan ng bulaklak madalas akong bigyan nito ni Rawan nung bata pa kame. Malaki etong uri ng bulaklak at ang ganda ng kulay nitong pula. Pumitas ako ng isa at inamoy ko ang bulaklak nang gumamela. Tumingin muna ako sa paligid mung may tao ba, napansin kong ako lang naman ang nandito kaya nagsimula na akong kumanta.

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon