Espesyal ka.
JOURY
Walang oras at araw na hindi ko naalala si Nanay. Maaaring ngayon masaya na sya na kapiling sa taas ang panginoon. Kailanman hindi ko naisip na mangyayari to samin, hindi naman ako naghangad ng marangyang buhay. Ang nais ko lang ay masaya kameng pamilya sa simpleng pamumuhay.
Isang linggo narin simula ng hinatid namin si Nanay sa kanyang patotunguhuhan. Ngunit sa sumunod na araw isang pangyayari na naman ang di ko inaasahan. Naaksidente si Tatay sa pagmamaneho ng lasing. Hindi na sya umabot sa ospital ng bawian sya ng buhay.
Hindi ko na alam kung anong pang kaya kong gawin pagkatapos mawala sa dalawang pinaka-importante sa buhay ko. Hinang-hina na ako dahil sa sobrang kalungkutan. Di ko naisip na ganun kabilis nila akong iiwan.
Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ni Nanay at Tatay. Hanggang ngayon parang hindi ko pa matanggap na wala na nga sila. Parang kailan lang ang saya-saya pa namin magkakasama. Pero ngayon wala na sila at kahit kelan hindi ko na sila makikita.
Bumuhos na naman ang walang katapusan kong pagluha. Eto lang ang kaya kong gawin sa ngayon ang umiyak ng umiyak. Gusto kong ilabas ang lahat ng lungkot at sakin sa pagkawala ng mga magulang ko.
Hawak-hawak ko ang litrato ni Nanay at Tatay ng magkasama. Hawak din ako ni Nanay dun sa larawan nung baby pa lang ako. Nabasa ko yun ng mga luha ko at natabunan ang mga ngiti sa mga labi nila.
"Nay... Tay... Mis na mis ko na po kayo.." Kinakausap ko sila mula sa larawan na hWak ko. Pinunasan ko ang mga luhang bumagsak dun. "Bakit po ang bilis nyong mawala sakin? Pano na po ako ngayon Nay.. Tay.. Sino na po mag-aalaga sakin?"
Kahit alam kong malabong sagutin nila ako gusto ko parin sabihin sa kanila yung nararamdaman ko. Hindi ko kayang mag-isa, hindi ko alam kung kakayanin kong wala na sila.
"Joury.." Lumapit sakin si Rawan at umupo sya sa tabi ko. "Naiintindihan kita.. pero wag ka sanang panghinaan ng loob."
Sa lahat ng pinagdadaanan ko nagpapasalamat ako dahil hindi ako iniwan ni Rawan. Naging tunay syang kaibigan sakin at hinding-hindi ko yun makakalimutan. Naramdaman ko na lang ang pagkulong nya sakin sa mga bisig nya. Kahit papano pala hindi parin ako nag-iisa.
Mas lalo akong umiyak, hinayaan ako ni Rawan dahil alam nyang makakaya ko paring labanan ang sakit. Kilala nya akong matapang na babae, ngunit ganun parin kaya ako pagkatapos ng pagkawala ni Nanay at Tatay.
"Kailangan mo ng mag-pahinga." Hinawakan nya yung mukha ko at pinunasan ang mga luhang naglalandas duon. "Ihahatid na kita."
Wala akong kahit anong tugon sa mga sinabi nya. Ayoko pa sanang umalis sa puntod nila Nanay pero nag-paubaya ako sa kagustuhan ni Rawan. Iniwan ko sa puntod nila ang larawan naming pamilya. Kahit nasan man sila ngayon alam kong babantayan at gagabayan nila ako.
Pagdating sa bahay pumasok agad ako sa kwarto nila Nanay. Malinis na ulit ang kwarto, nilinis ko to kasi alam kong babalik sila. Kaso hindi na nila makikita na malinis na dahil hindi na sila babalik kailanman.
Kinuha ko ang larawan namin na nasa lamesa. Kuha yun nung ika-7 kong kaarawan. Pinaghanda nila ako ng marami at meron ding malaking cake na kung saan isang Princesa ang nasa ibabaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/120963632-288-k614909.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...