Bulaklak ng Luha
JOURY
Pagkatapos namin dumaan ni Rawan sa pawnshop kahapon hinatid narin nya ako sa bahay. Ayaw nya pa sana kong iwanan kaso pinauwi ko narin sya. Alam kong nag-aalala sya sakin bilang kaibigan pero hindi naman pwdeng magkasama kame palagi.
Nakalimutan ko pa lang kausapin si Reema tungkol sa mga naitulong nya sakin. Nakakahiya lang dahil hindi ko na sila nagawang ilibre, isa pa etong pera ay ibibigay ko kay Tatay para makatulong sa pambayad ng ospital. Siguro naman maiintindihan ako ng mga kaklase ko.
Mabuti na lang at walang pasok ngayon pagkatapos ng kompetisyon sa skwelahan. Kaya makakapunta ako sa ospital para bantayan si Nanay. Para meron kapalit si Tatay sa pagbabantay, alam ko rin kailangan nyang magtrabaho para samin.
Dahil sa maaga ako nagising nagluto pa ako ng tanghalian para dadalhin ko sa ospital. Kumuha rin ako ng damit ni Nanay at Tatay kung sakali man hindi muna uuwi si Tatay sa bahay. Pagkatapos kong magluto nilagay ko na sa basket yung pagkain.
Ipinagluto ko si Nanay ng sopas, kanin at ulam naman para kay Tatay. Bago ako pumunta sa ospital dadaan muna ako kila Aling Marikit. Sya yung kaibigan kong may ari ng maliit na hardin dito sa baranggay namin.
Pumasok na ako sa gate ng makita kong hindi yun nakasarado. Mabait sakin si Aling Marikit kaya palagi nya akong pinapatuloy dito sa bahay nya. At tulad ng inaasahan ko nasa munting hardin sya at nagdidilig ng mga halaman at bulaklak.
"Magandang umaga po, Aling Marikit." Bati ko sa kanya ng makalapit ako. Binaba ko muna yung dala kong basket at bag para kausapin sya.
"Magandang umaga, hija." Sagot nya sakin sakin ng lumingon sya. "Bakit hindi ka dumaan dito kahapon?"
Pinatay nya yung hose ng tubig saka seryosong umupo sa maliit na kahoy. Ganun din ang ginawa ko at tumabi sa kanya. Napansin ko naman ang pagtitig nya sa mga bulaklak.
"Na ospital po kasi si Nanay." Sabi ko sa malungkot na boses. "Nanatalo po ako sa kompetisyon pero hindi ko po akalain na yun ang magiging kapalit."
"Wag mong isipin ang mga bagay na akala mo hindi para sayo. Kung nanalo ka sa kompetisyon yun ay dahil magaling ka. Kung na ospital ang Nanay mo yun ay dahil meron syang sakit. Sa tingin mo ba nagktaon lang ang lahat kaya sinasabi mong kapalit yun ng pagkapanalo mo?" Mahaba nyang sabi habang sa bulaklak parin nakatingin.
Tama sya! Bakit ko ba iniisip agad na kapalit yun sa pagkapanalo ko. Paano kung nagkataon lang talaga at wala yun kinalaman sakin. Siguro nga masydo lang akong nagpapadala sa emosyon ko dahil sa nangyari kay Nanay.
"Siguro nga po nagkataon lang." Yun na lang ang tanging nasagot ko sa mahaba nyang sinabi.
"Alam mo ba kung anong klaseng bulaklak tong hawak ko?" Hindi ko sigurado dahil wala naman akong hilig sa mga bulaklak.
"Hindi po eh." Pero meron din naman akong mga alam na bulaklak. Kaso yung hawak nya kasi ay kakaiba at parang ngayon ko lang nakita.
Kulay violet yun na kulay pula ang tangkay. Hindi buhaghag at hindi nalalayo sa rosas ang hugis nya. Malaki din ang mga petals nya. Maganda sya lalo na yung perlas sa gitna nya.
"Eto ang bulaklak ng Luha." Seryosong sabi nya. Hindi ko alam kung pano ako magrereak sa sinabi nya gayong hindi yun ugma sa itsura ng bulaklak. "Maraming klase ng bulaklak na namumukadkad, ibat-ibang anyo at ibat-ibang laki. Ngunit eto ang pinaka-kakaiba dahil sa itsura nya. Kahit sino unang makakita nito di nila iisipin na bulaklak eto ng Luha dahil sa ganda ng anyo."
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...