Protektahan.
Paglabas namin ng Palasyo sumalubong agad samin si Prinsipe Angelito. Yumuko sya sa harap ng Prinsesa at kinuha nya ang kamay nito at hinalikan. Nakitaan ko naman nang saya ang Prinsesa sa ginawang yun ng Prinsipe.
Napayuko rin ako sa harap ng Prinsipe bilang paggalang. Ngumiti naman sakin at tumango si Ginoong Clever na nasa likod ng Prinsipe.
Pagkatapos sumakay na sila sa loob ng karwahe. Inalalayan pa ng Prinsipe ang Prinsesa hanggang sa makapasok eto at makaupo. Sumunod narin at tumabi sa kanya ang Prinsesa.
"Magandang araw, Binibini." Sabi ni Ginoong Clever nang makalapit sya sakin. "Ikinagagalak kong makakasama ka sa aming pamamasyal."
Ngumiti naman ako sa kanya. "Ako ang dama ng mahal na Prinsesa, nararapat lang na nasa tabi nya ako ano mang oras na kailanganin nya ako."
"Kung ganun hayaan mong ako ang magbuhat ng iyong dala, Binibini."
Hindi na ako nakatanggi nang kunin nya ang dalang kong basket para sa pagkain ng Prinsesa. Nilagay nya yun sa espayo sa likod ng karwahe, meron din syang kinuha dun saka inabot sa akin. Napangiti kong tinanggap ang gumamelang ibinigay nya sakin.
"Maraming salamat, Ginoong Clever."
"Walang anuman, tulad ng aking pangako na sa tuwing magkikita tayo ay bibigayan kita ng bulaklak ng gumamela." Pagkatapos nilahad nya sakin ang kanyang kamay. "Tayo na, Binibini."
Tinanggap ko ang kamay nya at inalalayan nya akong sumakay sa harapan ng karwahe. Kung ganun makakasama ko sya habang maglalakbay kame papunta sa lugar na aming papasyalan.
Nagsimula na syang hampasin ang lubid ang kabayo at napahawak na lang ako sa upuan nang unti-unti na kameng umuusad. Ganitong ganito ang pakiramdam ko nang una akong makasakay sa kalesa nun sa Maynila.
Hindi ko maiwasan tignan ang Ginoo habang seryoso syang nagpapatakbo ng karwahe. Kung di lang siguro sya isang ordinaryong mamamayan, iisipin kong para syang isang tunay na Prinsipe dahil sa kakisigan nyang taglay. Pino ang kanyang pagsasalita, nandun parin ang respeto.
"Binibini, nais mong subukan?" Inalis ko agad sa kanya ang paningin ko ng bigla syang humarap sakin. Napayuko na lang ako sa kilig dahil sa pagpapantasya ko sa Ginoo.
"Anong dahilan ng iyong pag-ngiti?" Makahulugan nyang tanong. Hindi ko inaasahan na makikita pa nya yun, nakakahiya talaga.
"Ahh, wala naman." Huminga agad ako ng malalim pagtapos kong sabihin yun. Natawa naman sya ng mahina sa nakita nyang reaksyon ko.
"Akala ko... ako ang dahilan ng iyong pag-ngiti."
"Hah?"
"Ahh, wala naman... binibini." Natawa pa sya nang gayahin nya ang sinabi ko. Kahit ang simple nyang pagtawa ay nakakadagdag parin sa kanyang kakisigan.
Hindi na ulit kame nakapagusap nang makarating kame sa isang maliit na lawa sa gitna ng kagubatan. Ayun sa Ginoo ang lugar na eto ay sakop parin ng Kaharian ng Esmeralda. Tunay ngang napakalawak ng lupang pagmamay-ari ng maharlikang pamilya.
Katulad kanina inalalayan parin ako ng Ginoo hanggang sa aking pagbaba. Pagkatapos kinuha nya ang mga gamit namin sa likod ng karwahe. Maingat ko naman nilatag sa damuhan ang sapin na ibinigay sakin ng Ginoo. Inayos ko narin dun ang mga pagkain na aming dala para sa Prinsesa at Prinsipe.
Natatawa namang bumaba ang Prinsesa sa pag-alalay parin ng Prinsipe. Sa aking palagay ang dalawa ay nagkakamabutihan na, dahil narin sa saya na nakikita ko sa kanila.
Kung totoo nga ang nakatakda nilang pagpapakasal sa ika-18 nyang kaarawan. Paano namin mapipigilan yun? Sapagkat hindi naman talaga sya ang tunay na Prinsesa. Kung ako ang tunay na Prinsesa posible ba na ipapakasal ako sa Prinsipe ng Silla?
"Binibini.. Binibinig Joury." Inalis ko na lang sa isipan ko ang bagay na yun. "Mukhang kay lalim ng iyong iniisip?"
"Wala naman. Ano bang kailangan mo, Ginoong Clever?" Pinakita nya sakin ang hawak nyang mahabang baril.
"Nais mo bang sumama sakin para mangaso? Kung nais mo pwde rin kitang turuan ngayon sumakay sa kabayo."
Sumulyap ako sa Prinsesang nakaupo at katabi ang Prinsipe. Sa aking palagay hindi nya ako kakailanganin, subalit hindi ko parin sya pwdeng iwanan. Sympre gusto kong matutong sumakay sa kabayo, at sympre ang makasama ang Ginoo. Pero...
"Wag mong alalahanin ang mahal na Prinsesa. Hindi sya papabayaan ng mahal na Prinsipe, isa pa hindi rin tayo magtatagal."
Dahil sa kagustuhan kong sumama sa kanya, lumapit muna ako sa Prinsesa at nagpaalam rito. Wala naman syang pagtutol na nasabi, sa halip buong puso nya akong pinayagang sumama sa Ginoo. Mukhang mabait nga ang Prinsesa kapag masaya sya.
Kinalas ni Ginoong Clever ang kabayo mula sa kalesa. Pagkatapos itinali nya ang lubid ng karwahe sa isang puno. Lumapit sya sakin habang hila hila na ang kabayo, kung ganun ba sasakay kameng dalawa dun?
"Tayo na, Binibini." Sa tingin ko hindi ko gusto ang ideya na magksama kameng sasakay dun. Kung kanina sa karwahe ay komportable ako, kaso iba na ngayon na sa mismong kabayo.
Naisip ko pa lang ang magiging posisyon namin ay nag-iinit na ang mukha ko sa hiya. Ang lakas pa ng kaba sa dibdib ko ngayon, hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakin.
"Binibini?" Napalunok na lang ako ng ilahad na sakin ng Ginoo ang kanyang kamay. "Tayo na.?"
Inabot ko na ang nanginginig kong kamay sa kanya, mabuti na lang at hindi nya yun nahahalata. Dahil sa suot kong mahabang saya, sasakay ako sa kabayo ng nakatagilid ang upo. Ganun na lang ang gulat ko nang hawakan ako ni Ginoong Clever sa aking bewang. Wala na akong nagawa nang mai-angat nya na ako sa kabayo.
Tuluyan na yata akong mawawala sa aking sarili. Paanong nangyaring sobrang apektado ako sa simple nyang ginawa. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya nang naramdaman ko ang init sa aking mukha.
"Maaari na ba akong sumakay, binibini?" Tanong nya sakin ng makita nya siguro ang kawirduhan ko.
"Oo naman."
KAsabay nun ang pagsampa nya sa kabayo, dun ko na naramdaman ang katawan nyang nakadikit sa likod ko. Sana lang tlagaa hindi nya naririnig ngayon ang kaba ng dibdib ko dahil sa palakas eto ng palakas.
Nang maayos syang nakasakay, kinuha nya ang lubid nang kabayo. Pumulupot na sakin ang kanyang mga braso upang simulan ang pagpapatakbo ng kabayo, at ang init ng katawan nya habang kame ay magkadikit ay nararamdaman ko.
"Ayus ka lang, binibini?" Paano ako magiging ayus kung ganito ba naman ang posisyon na meron kame?
Ang hininga nyang naramdaman ko sa gilid ko nang magsalita sya, sa tingin ko ano mang oras pwde akong mahulog dito sa kabayo. Sana lang talaga makausap pa nya ako ng matino dahil sa mga oras na to, hindi ko na maintindihan ang aking sarili.
"Natatakot ka ba?" Tumango lang ako sa sinabi nya. "Wag kang mag-alala hangga't kasama mo ako, wala kang dapat ikatakot. Hinding hindi kita papabayaan, kung kinakailangan protektahan kita sa mabangis na hayop sa kagubatan ay gagawin ko. Basta kAsmaa mo ako, binibini. Walang pwdeng manakit sayo."
Pagkatapos ng mahaba nyang sinabi ay maingat nyang pinatakbo ang kabayo. Tunay ngang makapangyarihan ang kanyang sinabi. Dahil sa mga oras nato ay wala na akong takot o kabang nararamdaman. Kundi kasiyahan na makakasama ko ang aking Prinsipe.
LAbis ang aking pasasalamat sa Diyos dahil kahit dito sa ibang mundo ay binigyan nya ako ng isang kaibigan na katulad ni Rawan. Marahil iisa ang kanilang itsura pero para sakin hindi magkaiba ang kanilang mga puso.
Ano man ang kalabasan at patutunguhan ng aking kapalaran sa mundong eto, palagi parin mananaig sakin ang pagiging mabuting tao at mabuting Prinsesa ng Kaharian. Ang nagtatagong Prinsesa ay nakahanap ng kanyang sariling Prinsipe. At iyun ay sa katauhan ng Ginoong kasama ko sa mga oras nato.
Susunod...
"Prinsipe Angelito kasama ang Prinsesa larawan sa itaas.👆
-Bomoto at magkomento. Kung ayaw nyo ay ayaw ko rin. Charot. Hahhaa
@MisReika
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...