Kabanata 14

548 31 2
                                    

Ikakasal.

"Tiya hindi pa po ba ako pinapatawag ng Prinsesa?"

Pagkaalis ni Ginoong Clever bumalik na agad ako sa Palasyo. Natapos ko narin naman ang paglilinis ng kwadra at isa pa walang paglagyan ang aking kasiyahan. Dahil sa munting pagkikita namin ng bago kong kaibigan. Hindi man si Rawan ang Ginoo na yun, magaan parin ang loob ko para sa kanya.

"Hindi pa naman." Sagot ni Tiya at lumapit sya sakin nang makaupo ako sa lamesa. "Tingin ko nasa magandang wisyo ngayon ang Prinsesa. Kaya kung ipapatawag ka man nun ay sana kanina pa."

Mabuti naman kung ganun. Magaan din ang loob ni Tiya sa pagkakasabi nya nun, marahil tunay ngang masaya ngayon ang Prinsesa. Pero bakit kaya?

"Bakit naman po?"

"Sa tingin ko kasi nagkakakabutihan na ang Prinsesa at ang Prinsipe ng Silla." Kinikilig na kwento ni Tiya at para syang ewan sa kakangiti. "Alam mo bang pinadalhan sya ng Prinsipe ng mga bulaklak at ubas. Nagpahatid din ito ng liham kaya tiyak kong maligaya talaga ang Prinsesa sa mga oras nato."

Kung ganun kaya pala narito si Ginoong Clever dahil sya ang naghatid ng mga regalo ng Prinsipe para sa Prinsesa. Natutuwa naman ako at nagkakamabutihan ang dalawang maharlika. Subalit nangangamba rin ako sa tunay na hangarin ng Prinsesa. Alam nya sa sarili nyang impostora sya, subalit hindi ko maintindihan kung ano ba tlaaga ang totoong hangarin nila.

Pumasok ako sa silid naligo at nagbihis. Hindi ko maiwasang mahiya kanina sa harap ng Ginoo. Madungis at mabaho ako samantalang napaka-ayos ng kanyang itsura. Nagawa pa nya akong lapitan kaya hindi ko alam ang gagawin ko nung lumapit sya.

Umupo ako sa kama at kinuha ang gumamelang nilagay nya sa tenga ko. Pareho kame ng paboritong bulaklak kaya siguro ganun na lang kagaan ang loob ko sa kanya. Marami silang pagkakapareho ni Rawan pero meron din namang pagkakaiba. Pero ayus narin yun dahil nagkaron ako ng kaibigan sa katauhan ng Ginoo.

Natapos ang araw na yun na hindi ako pinatawag ng Prinsesa. Siguro ay labis pa nyang dinadama ang sayang kanyang nadarama.

Kinabukasan habang kumakain kame ng agahan, panay ang kwentuhan ng mga kasama ko tungkol sa Prinsesa. Marami silang nalalaman samantalang ako na sariling dama ay hindi alam ang ginagawa nya.

"Inimbitahan daw ng Prinsipe ng Silla ang Prinsesa mamasyal bukas ng hapon." Kinikilig na kwwento ng isa.

"Sa tingin ko sila ang ipapakasal ng Mahal na Hari pagdating ng ika-18 kaarawan ng Prinsesa."

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nila. Ikakasal sa ika-18 kaarawan ng Prinsesa? Seryoso ba sila? Bakit ganun naman yata kabilis?

Labing pitong taong gulang na ako at isang taon na lang ay labing walo na. Kung nagkataon bang ako ang nasa kalagayan ng Prinsesa ikakasal ako sa pagtung-tong ko ng ika-18.?

Pagkatapos kong kumain lumabas ako ng palasyo, magbabakasakaling makita ko o magpakita sakin si Diwani. Pumunta rin ako ng kwadra pero hindi ko sya nakita. Bigo akong bumalik ng Palasyo, itatanong ko na lang sa kanya kapag nagkita kame.

"Tiya totoo po ba yung sinasabi nila kanina na ikakasal ang Prinsesa pagdating ng kanyang ika-18 na kaarawan?" Nakapangalumbaba ako sa harap ni Tiya na nagbabalat ng patatas.

"Totoo yun." Masiglang sagot nya. "Sa bagay bago ka nga lang pala dito kaya hindi mo alam ang tungkol sa bagay na yun."

Ngumuso na langa ako sa sagot nya. Kung wala si Diwani pwde naman siguro akong magtanong kay Tiya kasi sabi nya sya ang pinakamatagal na taga silbi ng Palasyo. Kinuha ko ang kutsilyo at tinulungan syang magbalat ng patatas.

The Hidden PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon