Kaalaman.
Lumipas ang isang buong araw na hindi ko nakita si Clever. Tanging ang binibining Mira lamang ang naghahatid sakin ng aking pagkain at kasuotan. Marahil gusto talaga ni Clever maayos ang pangyayari sa Kaharian ng Esmeralda.
Subalit hindi ko magawang mapanatag hangga't wala pa akong kasiguraduhan sa aking kaligtasan.
Kinagabihan ginising ako ng Mira at maingat na inalalayan tumayo.
"Paumanhin Binibini pero kailangan na po natin umalis." natatakot nyang wika sa akin.
"Ngunit bakit? Alam ba ito ni Clever? Nasan ba ang Ginoo?" sunod-sunod kong tanong.
Sa halip na sagutin nya ako kinuha nya ang sapin sa higaan at agad na itinalakbong sakin. Labis ang aking pangamba sa ikinkilos ni Mira.
Wala dito si Clever kaya nagda-dalawang isip ako kung sasama ba ako sa kanya. Dahil wala akong alam sa pwde nitong kalabasan.
"Magtiwala ka lang Binibini, hinihintay na po tayo ng Ginoo sa labas." dun nawala ang aking pangamba sa sinabi nya.
Panatag na akong sumama sa kanya ng malaman kong naghihintay si Clever samin. Dumaan kame sa madilim na pasilyo hanggang sa tuluyan na namin marating ang labasan.
Agad akong hinagkan ni Clever nang magkalapit kame na kinagulat ko. Sinuklian ko naman ang mga yakap nya na nagpagaan narin ng loob ko.
"Kumusta, Binibini?" maingat nyang bulong sakin nang magkaharap na kame. "Nais ko lang sabihin sayo na maglalakbay kayo ngayong gabi."
"Kame?" gulat kong tanong. "Hindi ka ba sasama samin? At san ko kailangan pumunta, hindi na ba ako ligtas dito?"
Di ko akalain na may panibago na naman akong pagsubok na haharapin. Ang akala ko maaayos na namin ang lahat nang sa gayon makabalik na ako sa Kaharian ng Esmeralda.
Gustong gusto ko nang malaman ni Amang Ares ang tunay na dahilan ng lahat. Na ako ang kanyang anak at ang nag-iisang Prinsesa ng Kaharian. Subalit hindi yun mangyayari kung basta na lang ako lalayo.
At patuloy akong magtatago sa katauhan na parang isang kriminal. Hindi ko dapat eto pinagdadaanan ngunit mukhang matatagalan pa ang aking pagtatago.
"Basta ako ang iyong kasama palagi kang magiging ligtas, Binibini." hinawakan nya ang aking kamay at lumuhod sya sa aking harapan.
"Nais ko lang sabihin, ano man ang kalabasan ng mga sakripisyo natin. Nais kong magpapatuloy ka, kasama ng mga taong nararapat para sayo."
"Hindi ko maunawaan ang iyong punto, Clever." hinatak ko ang kamay nya para makatayo sya at muli kameng magkaharap.
"Isipin mo na lang na wala man ako sayong tabi, na sayo parin ang aking buong tiwala." hinalikan nya ako sa aking noo pagkatapos niyakap. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Binibini... Joury."
Malungkot kong nilisan ang Kaharian ng Silla. Hindi ko maunawaan ang kanyang sinasabi ngunit alam kong napakalalim ng dahilan.
Naglakbay kame ni Mira sakay nang isang karwahe. Ang sabi ni Clever pupunta kame sa dulong bahagi ng Kanluran kung saan ako magiging ligtas. Nais ko sanang kasama ang Ginoo, subalit ayoko naman maging pabigat pa sa kanya.
Wala na bang pag-asa na makabalik ako sa Kaharian ng Esmeralda. Dahil saking palagay mukhang lalo akong napapalayo sa Kaharian. Paano ako makakabalik?
"Wag ka na po malungkot, Binibini. Nais lang ng Ginoo na maayos ang lugar na pupuntahan mo." nakangiti nyang sabi sakin. "Sa Bulasan ang tungo natin, iyun ang lugar sa dulong bahagi ng Kanluran. Hindi na nila sakop ang lugar na yun, at kawalan ng respeto sa mga nakatira dun ang sino mang magtangkang pumasok."
"Ngunit bakit kailangan natin pumunta dun kung ganun?" ganun ba kasagrado ang lugar na tinawag nyang Bulasan para walang sino man ang pumasok.
"Yun po ang hindi ko alam, ang sabi ng Ginoo meron daw naghihintay satin dun para salubungin tayo."
Madaling araw na subalit hindi parin namin nararating ang Bulasan. Minsan humihinto kame para pakainin at painumin ang kabayo.
Hindi mawaglit saking isipan ang sinabi ng Ginoo kanina. Kahit papano napalapit na kame sa isat-isa at sana makasama ko parin sya sa mga susunod kong kabanata sa buhay ko.
"Iniisip nyo po ba ang Ginoo?" agad akong napatingin kay Mira na seryosong naghihintay saking isasagot. "Napansin ko po kasi kayo kanina at nasisiguro ko po na gusto nyo ang isat-isa."
Tumikhim muna ako at tumingin sa malayo mula sa bukas na bintana ng karwahe. Wala akong dapat ipaglihim kung katotohanan naman ang nilalaman ng aking puso at isipan.
"Walang dahilan para hindi ko magustuhan si Clever." sagot ko.
"Subalit hindi po isang maharlika ang Ginoo." umayos ako ng upo at tahimik na nakinig sa sasabihin nya. "Dahil saking palagay isa po kayong maharlika. Samantalang ang Ginoo ay isa lamang anak ng isang manga-ngaso. At nais na nyang lumayo sa inyo dahil sa mga sinabi nya kanina, Binibini."
Nagkaron ng konting kirot saking puso dahil sa sinabi nya. Marahil tama sya dahil ang totoo ay kailangan kong magpakasal sa Prinsipe ng Silla na si Prinsipe Angelito. Dahil ako ang Prinsesa Esmeralda na magiging kaisa ng Prinsipe sa araw na malaman na nila kung sino talaga ako.
"Ngunit kung talagang gusto nyo po ang isat-isa, walang kahit anong dahilan para itakda kayong magsama."
Labis ang aking kagustuhan na ako at si Clever ay maging isa, subalit alam kong hindi yun ang nakatakdang mangyari. Tulad ng sabi nya isa akong maharlika at isa lamang simpleng mamamayan si Clever.
Mapatunayan man na ako ang Prinsesa walang kahit konting pag-asa na pwde kame. Dahil ako ay itinakdang ipakasal sa Prinsipe ng Silla at yun ang tadhana.
"Ngunit alam nyo po ba, Binibini. Ayun sa ibang mamamayan ay meron pang anak na lalaki ang Hari ng silla."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ibig ko pong sabihin na dalawang binata ang anak ni Haring Lucas. Subalit wala pong sino man ang nakaka-alam kung sino eto at nasaan sya."
Kung ganun posible kayang dalawa talaga ang Prinsipe at taga pag-mana ng Kaharian ng Silla. Ngunit nasan ang isa pang Prinsipe at bakit kailangan nilang ilihim ang tungkol sa kanya.
Parehas pala kame ng kalagayan sa panahon nato, walang sino man ang nakaka-alam kung sino kame at anong pagkatao ang meron kame na nasa likod ng aming kasuotan.
Sa totoo lang mas gusto ko pa ang simpleng pamumuhay lamang, walang nakakakilala kundi mga malalapit na kaibigan. Hindi kailangan magtago at hindi kailangan lumayo. Pero hindi eh. Eto ang kapalaran ko bilang Prinsesa at nararapat lang na patuloy akong lumaban. Para sakin, para kay Ama, para kay Clever, para kay Diwani at higit sa lahat para saking mamamayan.
Isa na namang kaalaman ang naibahagi sakin ngayong araw. Kaalaman na hindi lang pala ako ang nagtatagong Prinsesa kundi meron din nagtatagong Prinsipe.
"Narito na po tayo, Binibini."
Kinusot ko ang aking mga mata ng masilaw ako sa haring araw. Hindi ko alintana na nakatulog pala ako, marahil dala narin ng pagod at malayong byahe.
Umaga na ng marating namin ang tinatawag nilang Bulasan. Hindi ko maiwasan humanga sa lugar na nasa aking harapan. Inalalayan ako ni Mira para tuluyan ng makababa ng karwahe.
Bulasan.
Kulay berdeng kapaligiran at mga hayop na pinapastol. Mala kristal na tubig sa lawa at mga maliliit na bahay. Tunay ngang napakaganda ng lugar nato, at talagang makakalanghap ka ng sariwang hangin.
"Kumusta ang iyong paglalakbay...
...kamahalan."
Humarap agad ako sa boses na narinig ko mula saking likuran. Hindi ako makapaniwalang dito ko lang pala sya matatagpuan. Sa wakas hindi na ako muling mangangamba dahil alam kong nariyan sya palagi para sakin.
"Diwani.."
susunod....
-Sorey na sa mabagal na update, masyado lang busy sa trabaho. sana wag kayong magsawang suportahan ang MarVoree Story ko. Salamat.
Bomoto at magkomento....
@MisReika
![](https://img.wattpad.com/cover/120963632-288-k614909.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasySa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...