Silla.
Hindi nagtagal ang Ginoo sa kanyang pagdalaw sa akin. Dahil ipinagbawal na daw ng mahal na hari ang pagtanggap ng panauhin.
Ganun pa man maligaya akong nakapag-paalam sa kanya, lalo na sa mga kabutihang nagawa nya para sakin. Atlis kahit sa huling pagkakataon nakasama ko si Rawan sa katauhan ni Ginoong Clever.
Patuloy parin akong nagdarasal sa Diyos at kay Bathala. Na sana makita ko man lang si Diwani para makapagpasalamat sa mga tulong nya. Umaasa akong makakausap ko sya sa huling pagkakataon.
Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman. Naiisip ko si Amang Hari. Paano na sya kapag nagpatuloy ang kasamaan ng nagpapanggap. Di ko lubos maisip na patuloy syang mabubulag sa pagkukunwari nila.
Maraming tumatakbo saking isipan dahilan ng hindi ko pagtulog agad. Bukas ng tanghali masa-saksihan ng mga mamamayan ang pagkamatay ng kanilang Prinsesa.
Wala man lang akong nagawa sa maikling panahon ng pagdating ko sa Kaharian ng Esmeralda. Kung nabigyan lang sana ako ng tamang oras, eh di sana makikilala nila ang tunay na ako.
Ang kanilang Kamahalan.
Ang kanilang Prinsesa Esmeralda.
Ang tunay at nag-iisang Prinsesa ng Kaharian ng Esmeralda.
Kaso hindi. Hanggang sa huli hindi ko nagawang patunayan ang aking sarili para sa aking mga nasasakupan. Masakit mawala sa mundong eto na wala man nakakilala sakin. Wala..
"Bilisan nyo.."
Bumangon agad ako dahil sa mga taong pumasok sa aking kulungan. Di ko sila makilala dahil halos balot ang kanilang katawan at merong takip ang kanilang mukha. Tanging Mata lang nila ang nakalabas maging ang mga hawak nilang baril na malalaki.
Ganun na lang ang gulat ko nang lumapit ang dalawa sakin, samantalang naiwan ang dalawa sa may tarangkahan.
"Sumama ka samin, binibini.." Utos ng isang lalaki, saking palagay dahil sa kanyang boses.
Inalalayan naman ako ng isa na sa tingin ko ay babae. Dito kasi sa kanilang Kaharian hindi pwdeng hawakan ng lalaki ang babae kapag hindi pa sila magkassintahan o mag-asawa. Iyun daw ay kawalang respeto sa kanilang sinussunod na tradisyon.
"Sino ba kayo? At San nyo ako dadalhin??" Tanong ko sa kanila.
"Wag ka na mag-tanong at sumama ka na lang samin, binibini.." Magalang na wika ng babaeng nakaalalay sakin. At hinatak nya ako palabas kasunod ng kanyang mga kasama.
Wala akong maunawaan sa kanilang ginagawa. Naguguluhan ako kung sino sila at saan nila ako dadalhin. Palagay ko ay hindi sila kawal ng Palasyo dahil sa kanilang kasuotan.
Dumaan pa kame sa dulong bahagi ng Palasyo kung san papunta ang kagubatan. Maaari kayang hindi na nila ipagpabukas ang parusa at ngayon na nila ako balak patayin?
Paglabas namin ng palasyon may naghihintay dun na tatlong kabayo. Sumakay ang dalawang lalaki sa iisang kabayo at yung isa naman ay sa pangalawa. Inalalayan naman ako ng binibini sumakay sa pangatlong kabayo, pagkatapos sya naman ang sumakay.
Madaling araw na sa mga oras nato at malapit na lumabas ang haring araw. Pero patuloy parin ang aming paglalakbay. Wala akong kahit anong ideya sa pwdeng kahinatnan ng aking pagsama sa kanila.
"Malapit na tayo, binibini.." Tahimik lang akong nakinig sa sinabi nya.
At ilang sandali pa nga lang natatanaw ko na ang isang malaking Palasyo. Di hamak na mas malaki eto sa Palasyo ng Kaharian ng Esmeralda.

BINABASA MO ANG
The Hidden PRINCESS
FantasiSa Kaharian ng Esmeralda. Namumuhay ang isang maharlikang pamilya. Nagsilang ang Reyna nang isang napakagandang batang babae. Dahil sa tuwang nakamtan ng hari ay nagdaos sila sa palasyon ng isang pagdiriwang. Dinaluhan ito ng mga malalapit nilan...